Kelot, Binoga Ang Sarili Dahil Sa Text

DEAD ON arrival ang isang lalaki na umano’y nagbaril sa sarili sa Brgy. Cugman sa Cagayan de Oro.                                                                                                                                      Ayon kay S/Insp Ernesto Daeng, hepe ng Cugman Police Station, kinilala ang biktima na si Dexter Paraguya, 25, residente sa naturang lugar.

Sinabi nito na dahil lamang umano sa text message sa cellphone na nabasa ng live-in partner nito ay humantong agad sa isang matinding pag-aaway.

Sinasabing nagbanta umano ang kinakasama ni Paraguya na iiwanan ang biktima dahil sa mu-ling pakikipag-text nito sa isang pinaniniwalaang babae.

Napag-alaman na tina-

maan ang biktima sa kanyang kaliwang dibdib gamit ang .38 caliber at tumagos sa kanyang puso na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.