Kelot, Binoga ang Ari ng Kainuman

SUGATAN SA ari ang isang 38-anyos na lalaki nang mabaril ng kanyang nakainuman sa Barangay Jamul-awon, Panay, Capiz.

Naka-confine sa Roxas Memorial Provincial Hospital (RMPH) ang biktima na si Germinihildo Borbon, matapos barilin sa mismong ari ng naka-inuman na si Ernesto Bunda.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat, napag-alaman na ikinagalit ng suspek nang pinakialaman ng biktima ang dala nitong 12-guage shotgun na nakatago sa bag.

Samantala, sinasabing dalawang beses na binaril ng salarin sa harapan ang biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.