Kelot, Binigti sa Bubong ng LRT

ISANG KELOT ang hinihinalang binigti sa bubong ng Light Rail Transit (LRT) Pedro Gil Station.

Natagpuan ng mga guwardya ng LRT ang hindi pa nakikilalang biktima na may nakata-ling sinturon sa leeg na ikinabit sa PVC pipe.

Naka-shorts ang nasabing biktima, pero sinasabing sa kanya rin ang natagpuang pantalon malapit sa bangkay nito.

Naka-gray na T-shirt din ang lalaki at may tattoo sa paa.

Patuloy namang iniimbestigahan ng Scene of the Crime Operative (SOCO) ang naturang bangkay.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.