Kelot, Binigti Na, Pinutulan Pa ng Daliri

KAMATAYAN ANG kinasapitan ng isang mister matapos pahirapan at putulan ng dalawang daliri, binigti pa sa puno ng mga ‘di kilalang lalaki sa Sta Rosa City, Laguna, kamakailan.

Ang biktima na tinukoy lamang sa alyas Enrico Putol ay nasa 30 hanggang 35-anyos, may taas na 5’4”, katamtaman ang pangangatawan, at nakasuot ng short at berdeng T-shirt.

Nabatid na nagroronda sa lugar ang security guard  ng Metallum Engineering Corp. pasado alas-4 ng hapon nang mamataang may nakabiting bangkay sa puno ng aratiles sa tabi ng highway sa Barangay Macabling.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ni P/Supt. Ismael Fernandez kung saan naibaba sa puno sa bakanteng lote ang bangkay ng biktima.

Bukod sa binigti ang biktima, pinutulan pa ito ng kanang hintuturo at palasinsingan sa kanang daliri. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.