Kelot at GRO, Sugatan sa Seloso

SUGATAN ANG kelot at ka-table na Guest Relation Officer makaraang pagbabarilin ng lalaking nagseselos sa una sa Malabon City kahapon ng madaling-araw.

Ginagamot sa Pagamutan Lungsod ng Malabon sanhi ng tama ng bala sa kaliwang hita si Christian Hisoler, 34, ng Magsaysay Ext., San Agustin ng lungsod habang sa kaliwang balakang naman ang tama ni Amelia Tormento, 18 stay-in GRO ng Heavenly Angel KTV Bar sa Tañong ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na nakilala lang sa alyas na Jay Amar.

Sa ulat, alas-3:20 ng madaling-araw, ka-table ni Hisoler si Tormento sa nasabing KTV bar nang madatnan ng suspek na nagselos dahil may gusto rin sa GRO.

Nagbunot ng baril ang suspek at pinagbabaril ang dalawang magka-table bago tumakas habang dinala naman ang mga biktima sa PLM.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.