Kelot, Arestado sa Pagpapahawak ng Ari sa Binatilyo

ARESTADO NG mga awtoridad ang isang lalaki makaraang ipahawak ang ari nito sa isang menor de edad na lalaki.

Ang nasabing salarin ay edad 36-anyos at residente ng Barangay Malasin, Aurora, Isabela.

Base sa impormasyon, nasa isang resort ang salarin sa Cabatuan, Isabela nang anyayahan ang biktimang 11-anyos na 1st year high school ng Cauayan National High School at residente ng Cauayan City na magtungo sa isang banyo ng resort.

Dito pinahawakan ng suspek ang ari nito sa binatilyo subalit nakita naman ng isang kamag-anak ng biktima ang pangyayari na agad nagsumbong sa mga kasapi ng PNP Cabatuan.

Agad na inaresto ang suspek at  kasalukuyang inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa kanya.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.