Keanna Reeves

MEDYO ISANG BAGETS ang ating tinanong sa kanyang age, ang sagot niya ay forget it! Whoah! Carry natin ‘to. Kelan lang winner siya ng house and lot sa Pinoy Big Brother at doon muling nagningning ang kanyang bituin na kumukulimlim. At ngayon ay kumukutitap na parang isang bulaklak ng katuray, he-he-he.

‘Eto na ang ating bida si Keanna Reeves. “Sure na ‘yun, walang kokontra! Ha-ha-ha-ha!”

Pero nu’ng napasok ka sa PBB, mas nagkaroon ka ng break, at ‘yung career mo tumaas? “Siyempre after nu’ng PBB, gumanda ‘yung takbo ng career ko. Kasi nu’ng before, sexy star kasi ‘yung image ko. Doon kasi ako na-discover. Ngayon, ang address na sa akin eh, sexy comedienne.”

Sige, ‘wag na akong mag-intriga sa ‘yo? “Sige, intrigahin mo na ako. Kasi kapag hindi mo ako inintriga, hindi ako sisikat.”  Huh! And it seems like compulsive. Kakaiba ito, mapagbigyan nga. “Actually its the way you handle and the way you answer the issues. Kasi wala namang interesadong magbabasa sa diyaryo kung puro kagandahan lang.”

Inamin niyang never niyang naramdamang expired na siya. Feeling niya ganu’n pa rin siya nu’ng teenager siya hanggang ngayon. May katuwiran, katawan lang ang tumatanda, hindi ang isip. Kaya nananatili siyang batang-isip. Joke! Ha-ha-ha!

Tinanong ko siya kung saan siya makikita ‘pag nakikipag-date. Ang tugon niya: “Sa labas! Sa ilalim ng lupa, ha-ha-ha! Pero hindi ko sila idine-date, inuuwi ko sila. Tineteyk-out ko sila para makatipid, kasi cost-cutting. Sasabihin ko, ‘sa bahay na lang tayo. Parehas lang ‘yun, eh!”

Ah, parang chicken wings, take-out ang dating. Komedi talaga ito. Kanino ka nali-link, ‘yung medyo pinag-uusapan ka? “Actually ‘yung mga ganyan-ganyan umiiwas ako. Kasi before, nag-Paparazzi kami kay Tita Cristy. Alam mo naman ako, ‘di nagde-deny, pero hindi ko naman ipinagyayabang iyong mga lalaking naka-date ko.”

Pero magkaibigan pa kayo ni Tita Swarding? “Never pa kami nagkita after Big Brother, kasi kinalimutan ko muna lahat ng mga sakit sa ulo ko before. Pero okey na kami. Sayang naman ‘yung boto ng tao na paglabas ko parang nagiging reborn ako.”

Reborn parang rebond ng buhok lang, ha-ha! “Never naman akong tumatakbo sa issue. Pero kung totoo ang sinasabi ko, ipaglalaban ko.”  Sabay bawi na sa edad niya, ayaw na niya ng away.

Halimbawa kunin ka sa FHM? “Ha?! IF-ICH-IM? San ‘yan? Oo naman kuya, tingnan mo ‘yung Facebook ko, langaw lang nakatuntong dito, oh (sabay turo sa boobs).

Halimbawa, ipe-paint kita? “Ah, meron na ako niyang lumabas na sa Pinoy Parazzi.  Ah, tayo lang dalawa talaga? Nude, kuya ha? Kaya lang ‘wag namang frontal.”

Ang sabi ko, sige isked natin. Oo naman! Ang pamagat, Anatomy of a Woman series, iba’t ibang modelo at konsepto.

Gaano kahirap ligawan si Keanna? “Ah, hindi! Para nga lang silang nagkukuha ng tinga. Sasabihin ko, ‘sige halika na!’ Ganu’n lang kadali. Napapansin talaga nilang never akong kekerengkeng sa kanila ‘pag wala akong gusto.”

Pero kunwari isang negosyante, nag-propose sa ‘yo? “Ah, kung negosyante siya, type ko siya. Negosyante rin ako, eh! Bigay n’yo sa akin, mamumulubi sya.”

Okey itong si Keanna sa comedy, madali siyang magtapon ng dialogue. Kailangan lang siyang bigyan ng malaking break. Nakikita kong may kasunod na sina Pokwang sa pagpapatawa. At matatawa ka kahit nagsasabi na siya ng totoo parang praktikal lang ang anyo ng kanyang mga sinasabi. Kung anuman siya at ang pagkatao niya’y matsismis, importanteng ipinakikita niya ang kanyang pagkatao sa larangan ng komedya.

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.