Keanna Reeves, naghihirap na to death?!

KAMAKAILAN AY dumating na ng bansa si Nora Aunor matapos na ipakunsulta ang kanyang problema sa boses.
Walang naganap na operasyon na tulad sa inaasahan ng lahat at sa halip ay simpleng konsultasyon lang ang nangyari. Pero ipinangako raw ng surgery specialist na maibabalik ang magandang tinig ng aktres sa sandaling isagawa na ang operasyon sa pagbabalik ng Superstar sa Boston.
Pero teka, how true na “drama” lang ang pagkawala ng boses ni Nora? May nagtsismis kasi sa amin na kaya raw hindi nagpaopera ang aktres sa Boston ay alam nito sa sariling taglay pa rin ang magandang tinig, na sa kung anong dahilan ay si Mama Guy lang ang nakakaalam. Tsuk!

NAGHIHIRAP NA raw ngayon to death si Keanna Reeves. Ang balita, bukod sa hindi na raw nito nasusuportahan ang mga anak sa Cebu ay hindi na rin ito nabibigyan ng raket, na tulad sa nangyari kamakailan.
May nagkuwento sa amin. Ito raw si Keanna ay nag-audition para sa programang Temptation ng TV5, pero hindi raw natanggap ang aktres kaya lulugu-lugo itong umuwi ng bahay.
Sa totoo lang, aminin man o hindi ni Keanna ay nalaos siya nang dahil na rin sa kanyang kapabayaan. Hindi niya binigyang-halaga ang magagandang break na dumating sa kanyang buhay.
Nanalo siya sa PBB noon, hinawakan siya ni Boy Abunda. Kaliwa’t kanan ang kanyang naging offer. Nagkaroon siya ng sariling pelikula, pero wala na nga siyang talent ay nagawa pa nitong magmaldita.

Laging late sa taping, kapag nasa location ay nagpi-primadonna. Kaya ang ending ay binitiwan siya ni Kuya Boy at napunta naman siya sa TV5.
Sa TV5 ay nabigyan siya ng mga show. Pero talagang nasa ugali na yata ni Keanna ang maging pabaya sa trabaho kaya ang ending ay natsugi rin siya sa mga programang kanyang kinabilangan. Na ang ending ngayon, dahil hindi naman siya ganu’n kasikat noon sa showbiz at hindi naman siya kahusayan sa pag-arte, hayan hindi na siya pinagkakatiwalaan.
Mas naging purita mirasol ngayon si Keanna kumpara noong mga panahong escort girl pa siya. Tsuk!

KAHIT SABIHIN pang pinagdududahan ang gender ni Piolo Pascual ay nanatiling pinagnanasaan pa rin siya ng maraming matrona, bading at ng iba pang mga girls.
Iba kasi ang karisma ni Piolo. Iba kasi ‘yung dating niya kahit sabihin pang inilampaso ni KC Concepcion ang kanyang pagkalalaki nu’ng sila ay maghiwalay.
Bukod sa hindi kasi madaldal si Piolo, hindi ito ‘yung klase ng tao na nananakit ng damdamin ng kanyang kapwa. At marahil isa iyon sa mga dahilan kung bakit Papa Yummy pa rin ang dating niya sa publiko kahit sabihin pang may naamoy silang “malansa” sa pagkatao ng binata.
“Sana nga si Rustom Padilla, nag-ala Piolo Pascual na lang na kahit natsi-tsimis ang pagkalalaki ay hindi nagladlad. Tingnan mo naman, yaming-yummy pa rin si Piolo, samantalang si Rustom (BB Gandanghari), yak na yak,” tumatawang sabi ng mataray naming kaibigan, huh!

More Luck
by Morly Alinio

Related Post

loading...

9 thoughts on “Keanna Reeves, naghihirap na to death?!

  1. Ka duda duda ang sinasabi ni Nora Aunor na busy ang doctor, eh ang kailangan ay appointment
    tapos titignan siya, check siya at kung ano ang resulta, sasabihin sa kanya kung dapat operahan. Siguro ang ginawa ni Nora, nag pa check up at hindi na bumalik. at dapat dina sina nagsisigarilyo. Eh ano ang ginawa nila sa america, inubos ang pera sa Las vegas imbes na magpagamot. haaayyyy as usual dating gawi.

  2. hoy emyrose!napakamahadera mong bisaya ka!ulol ka!wala kang pakialam kay piolo noh!ang ayusin mo,yang pagsasalita mo..gagah ka!

  3. Maikli ang buhay, atleast naranasan ni BB na masaya dahil free na sya sa sarili nya. E c Piolo dyuding na dyuding di naman maamin. Sabi nga sa kasabihan na mas magiging masaya ka pag free kang kumilos, maipakita mo kung ano ka at maramdaman mo ang tama para sa iyo. 

  4. Morly napakawalanghiya mo, pagdudahan pa ba ang boses ni Nora Aunor, hello, di ka ba nanunood ng mga interview niya at serye niya sa tv5 e halatang halata naman ang pamamalat ng Superstar. Sana sa yo ang mangyari na ang mga sinusulat mo pagdudahan ng lahat ng mambabasa ng mawalan ka ng kredibilidad baklang pangit….

  5. hay naku love ko pa run si papa p! kahit among sabihin nil a eh may iba nga ryan lalaking lalaki nga pero pabaya sa pamilya atleast sya kahit ganyan responsableng ama sya :) kaya love ko pa rin sya

  6. Hay nku! Piola hwg k ng magpu2milit maging la2ki dahil ikw rin ang naheherapan lalo n katabi mo ang mga poging actors nahalata n kalandian mo! Hwg kn manggamet ng babae maglantad kn tingnan mo c rustom padilla malaya n cy wl cyng nasasaktan n tao tanggapin mo n piola lambot hari! Este piola ganda hari! Sinasaktan mo lang sarili mo mag pakatotoo kn naghe2ntay n c karma s ginawa mo ky kc!

  7. i agree with the writer regarding kay papa p. siguro si papa p. hindi yung parang kay bebe gandanghari na ladladf talaga or baklang bakla, sya siguro yung bading na pormang lalake, i so love papa p. pa rin kahit lantad na sa publiko ang pilit nyang tinatago, at least naman, mabait at hindi mayabang si papa p. kahit sikat na.

  8. at least masaya naman siguro si Rustom Padilla ngayon di ba? he is totally free! while Papa Piola is still hiding in the closet! Pathetic and Coward!

Leave a Reply

Your email address will not be published.