Keanna Reeves, bagets na bagets ang bagong dyowa

Keanna-ReevesNAALIW KAMI kay Keanna Reeves na guest namin sa Startalk nu’ng kamakalawa ng hapon kasama ang bagong dyowa niyang bagets na si Kevin Mercado.

Ang nakakaloka, 19 years old pa lang itong si Kevin at nakipagrelasyon siya kay Keanna, ha!

Walong buwan na ang kanilang relasyon at type yata nu’ng bagets na mag-artista pero diniscourage siya ni Keanna dahil hindi naman daw pangmatagalan ‘yun kung wala kang talent.

Tama naman si Keanna dahil kahit siya nga, hindi na rin umaasa sa showbiz.

Kaya na-involve siya sa construction business at ‘yun ang pinagkakakitaan niya ngayon. Maayos naman daw ang kita niya, at tini-train daw niya ngayon itong bagets niyang dyowa para meron na rin itong pinagkakakitaan kahit wala na sila.

Ang dami ngang nag-react sa guesting ng dalawa kaya baka ang ending din n’yan papasukin na rin nitong dyowa ni Keanna ang showbiz.

Keanna-ReevesAng dami yatang baklang nagkainteres sa bagets na ito, kasi may itsura naman. Pero mukhang in love naman itong batang ito kay Keanna kaya tingnan na lang natin.

 

TULOY NAUUSO itong mga bagets na dyowa ng taga-showbiz ha! May tatalo pa ba sa 16-year old na bagets na pinakasalan ni Freddie Aguilar?

Masaya naman daw sila ngayon at wala na silang pakialam sa sinasabi ng iba.

Keber na ba ni Freddie sa ikinaso sa kanya. Pinakasalan na nga siya nu’ng bata kaya may magagawa pa ba sila?

Ang alam ko, bagets din ang dyowa ngayon ni Vangie Labalan na lagi niyang kasayaw sa ballroom dancing niya.

Kaya ang bagets-bagets din ng feeling nila.

Pero ang abangan n’yo ang announcement ni Vic Sotto na pakakasalan daw niya si Pauleen Luna.

Seryoso na nga raw siya sa relasyon niya, at sinabi naman niya sa presscon ng Torky and My Little Bossings na may pinaplano na raw siya para kay Pauleen, pero mas mabuting hintayin na lang daw ang announcement nila dahil hindi naman daw nila ito itatago.

Hay, naku! Good luck! Sana nga tuluy na tuloy na ito.

 

ANG ISA pang ikinagulat ko ay ang text ni Boots Anson-Roa na malapit na niyang hindi gamitin ang Roa dahil sa magpapakasal na pala ito kay Atty. Francisco “King” Rodrigo Jr. sa susunod na taon.

Nag-text nga sa akin na nag-i-invite ito sa announcement niya dahil ikakasal na raw sila sa June 14.

Imagine, ang buong akala namin, mananatiling biyuda si Boots dahil nakita naman natin kung ano ang pagmamahalan nila ni Pete Roa. Pero siyempre matagal na rin namang namayapa si Pete, at nakapag-move on na ito, kailangan na rin naman ni Boots ng sarili niyang kaligayahan kaya masayang-masaya kaming lahat sa malaking pagbabago na ito ni Boots.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

3 thoughts on “Keanna Reeves, bagets na bagets ang bagong dyowa

Leave a Reply

Your email address will not be published.