Kean Cipriano, totohanang ‘nakatikim’ kay Kim Chiu

NAGULAT KAMI sa kuwento ni Direk Bb. Joyce Bernal sa artista niyang si Kim Chiu dahil tinotoo nito ang sampal kay Kean Cipriano na mapapanood sa isang eksena sa pelikulang Kung Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo? ng Star Cinema.

Sa eksena, bad trip si Kim kay Kian kaya sasampalin niya ito. Sa rehearsal, oks naman ang ginawang practice ni Kim.

“Pero nang kunan na ‘yong eksena, hindi lang sampla kundi sapok diretso sa pisngi ni Kian,” kuwento ni Bb. Joyce sa amin.

Imbis dadayain ni Kim ang pananampal, tila may kimkim na galit si Kim kung kanino man, hawak ang kanyang “tablet”,k ito ang sumalpok sa mukha ng kaeksena. Kaya nga it took almost half day bago sumalang muli si Kian sa harap ng kamera dahil namamaga at namumula ang pingi ng singer-actor.

Halaw sa libro ni Ramon Bautista ang unang tambalan nina Kim at Xian Lim sa pelikula.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

2 thoughts on “Kean Cipriano, totohanang ‘nakatikim’ kay Kim Chiu

Leave a Reply

Your email address will not be published.