Kean Cipriano, madamdamin ang Instagram post sa pagkamatay ng ama

Kean Cipriano, madamdamin ang Instagram post sa pagkamatay ng amaMadamdamin ang mensahe ni Kean Cipriano sa kanyang Instagram post kahapon na inialay niya sa kanyang yumaong ama.

Huwebes ng umaga, march 17, nang pumanaw ang ama ni Kean Cipriano ni si Edgie Cipriano sa edad na 52 dahil sa atake sa puso. Maliban dito, wala pang ibinibigay na iba pang detalye ang pamilya ni Kean.

Sabi ng lead vocalist ng bandang Callalily sa kanyang post: “This is the saddest day of my life. Dumating ang araw na pinakakinakatakutan ko. Ang bilis, nakakagulat, pero alam kong everything is written in heaven and everything is in God’s will.

“I will miss you, Dad! I’m sure the angels will take good care of you. I’m sure you’re in a peaceful place now! At alam kong magkikita din tayo d’yan one day!”

“Thanks for devoting your life to our family. For living an awesome life with us and for us. Dadalhin ko lahat ng natutunan ko sa ‘yo habangbuhay! Kasama ka sa lahat ng pangarap ko!

“Mami-miss kita kakwentuhan, kaasaran at kainuman! Mami-miss ko na yakapin at halikan ka! Yung tawa mo, yung boses mo… Lahat!! Lagi kang nasa puso ko!! You will always be my idol and my inspiration! I love you so much, Dad!

“I promise to take good care of mommy and my brothers! Please always watch over us! We’ll be strong for you! Mahal na mahal ka namin, Daddy!!

“Maraming nagmamahal sa ‘yo at maraming kami na pinagdadasal ka. Alam kong makakarating sa ‘yo ‘tong post na ‘to!!

“Cheers Dad!! MAHAL NA MAHAL KITA! Lagi kang nasa dasal ko. Rest in peace! Maraming Salamat, Dad!

“Your baby boy, Kean

“PS: Life is too short. Kaya habang may oras pa tayo sa mundo, mahalin n’yo ang mga magulang n’yo. Peace!”

Kalakip ng mensaheng ito ni Kean ang litrato nilang mag-ama na magkayap.

By Parazzi Boy

Previous articleJames Reid, ginawan ng kanta ang girlfriend na si Nadine Lustre
Next articleJake Cuenca, kumpiyansang walang lalabas na video scandal niya

No posts to display