KC Montero, pinangatawanan ang pagda-drag!

ANG DAMI PA ring nagbibigay ng mga haka-haka tungkol sa hiwalayan nina Kris Aquino at James Yap.

Pagkaalis ni Kris patungong Amerika kasama ang mga anak niya, naglabas ng statement ang abogado nito na inaayos na raw ang legal na proseso ng kanilang paghihiwalay.

Si James naman ay nakausap ni Ricky Lo at sinasabi nitong hindi pa rin siya susuko at umaasang magkakabalikan sila. Ipaglalaban pa rin daw niya ang kanyang pagmamahal kay Kris at sa kanilang anak para mabuo pa rin ang pamilya.

Sey ng ilang nakaiintindi sa legalidad ng paghihiwalay ng mga mag-asawa, hindi kaya pakulo lang daw ito ni James para may laban siya pagdating sa conjugal property nila ni Kris?

Ewan ko lang, ha? Kasi, ‘di ba wala naman silang pre-nuptial agreement bago sila ikinasal? Kaya kung aayusin nga ang hiwalayan, dapat ayusin din ang hatian ng mga property at investments nilang mag-asawa.

‘Di ba ibinenta nila ni Kris ang bahay nila sa Valle Verde para gamitin daw sa pangangampanya ni Pres. Noynoy Aquino? Puwede raw habulin ni James ang pinagbentahan nu’ng bahay na ‘yun dahil pareho nilang property ‘yun. Obvious namang mas malaki ang kinikita ni Kris kesa kay James. Kaya ibig sabihin ba nito, makikihati si James sa mga kinita ni Kris kapag natuloy na ang hiwalayan? Posibleng ganu’n na nga ang mangyayari. Unless, hindi na ito hahabulin ni James dahil kumikita naman siya sa pagba-basketball niya.

Ipinaglalaban naman ng mga taong malapit kay James na mahal na mahal pa rin daw nito si Kris kaya gusto nitong magkaayos sila at magkabalikan. Kaya lang, bakit talagang sumuko na si Kris? Ano talaga ang nag-trigger sa kanya na makipaghiwalay at tapusin na ang lahat?

Naku! Abangan na lang natin dahil matagal pang pag-uusapan iyan. Tingnan na lang natin pagbalik ni Kris galing Amerika kung mababago ang mga desisyon.

NAKAAALIW ITONG SI KC Montero na napagtripan niya itong sikat na international singer na si Justin Bieber sa Twitter account niya. Siyempre, wala naman akong alam sa mga Twitter-Twitter na iyan, ‘di ba?

Pero kuwento ng mga taga-Startalk, nag-post daw itong si KC sa Twitter niya na kapag nag-follow sa kanya si Justin Bieber, one week daw siyang magda-drag, as in magdadamit-girl, with matching make-up and everything!

Pinik-up ng ibang nagtu-Twitter ang tweet ni KC, at ang ending, nakarating nga ito kay Justin. Kaya ang ginawa naman nitong bagets, nag-follow nga siya sa Twitter account ni KC Montero.

Nakantiyawan ngayon si KC na dapat sundin niya ang hamon niyang magdadamit-babae, na ginawa naman nito.

Sinimulan na nga niya ito nu’ng nakaraang Lunes at gagawin daw niya ito hanggang Biyernes. Bongga, ‘di ba?

Nu’ng una ay hirap na hirap daw siyang maghanap ng damit ng babae na magkakasya sa kanya, pati ang pag-aayos kaya tinulungan ito ng mga kaibigan niya.

Tinulungan nina Tim Yap na makapaghanap ng damit at si Bubbles Paraiso ang nag-volunteer na mag make-up sa kanya.

Ang ganda-ganda nga ng kinalabasan at iisa lang ang komento ng karamihan; mas maganda pa siyang ‘di hamak kay Geneva Cruz.

Ang nakakaloka pa, pagkagaling daw niya ng radio program niya, kung saan naka-girl siya, nahuli raw ito ng pulis dahil commemorative plate ang nakakabit sa kotse niya.

Nag-tweet din ito na sinubukan daw niyang makipag-flirt sa pulis para hindi siya hulihin, hindi raw umubra ang ganda niya sa pulis, talagang tiniketan ito.

Mukhang nag-i-enjoy naman si KC sa paggi-girl niya kaya tuluy-tuloy na raw ito hanggang Biyernes.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

5 thoughts on “KC Montero, pinangatawanan ang pagda-drag!

  1. Talagang sick ang society ngayon, KC Montero must
    be influenced by the wicked society. For one week
    he is in drag, what a depraved mind.

  2. bakit sobra ang mga gay characters ngayon sa TV?
    tapos nag-drag pa si KC Montero, bakit kailangang
    bigyan pansin ang ganitong ‘baluktok’ na lifestyle?
    kaya puro calamities ang Pilipinas ngayon dahil sa
    immorality kasama na ang gay lifestyle na rampant
    na sa show-business at sa society, nakakatakot tuloy
    pag-artistahin ang mga anak, baka ma-influence nang
    immorality sa show biz ( mga bakla at tomboy na producers uhaw na ma-corrupt ang mga gustong mag-artista) what a very very sick society!

Leave a Reply

Your email address will not be published.