KC Montero, ayaw maniwala sa tsismis kina Geneva Cruz at Manny Pacquiao

Pinabulaanan na ni KC Montero ang balitang may nagaganap sa pagitan nina Manny Pacquaio at ng kanyang asawang si Geneva Cruz. Kumalat ang balitang madalas daw na mag-text sina Manny at Geneva kaya nagtataka ang marami na baka may nagaganap sa dalawang hindi alam ni KC.

Isang taong malapit kay Geneva ang nakausap namin noong Biyernes at naikuwento nito sa amin na nagsimula ang lahat nang magkatagpo sina Geneva at Manny sa isang baseball game. Nagpalitan sila ng number at binanggit ni Geneva kay Manny na fan na fan niya si KC. Minsan daw sinubukan ni Geneva’ng i-text si Manny at nag-reply naman daw ito at doon na nagsimula ang kanilang pagpapalitan ng mensahe. Pero ang mga messages daw nila ay para lang ayusin o i-set up ang pagkikita ni KC at ni Manny dahil gustong gusto raw ngang makilala ni KC ang boxing champion.

Nang makauwi si KC dito sa ‘Pinas noong Biyernes ng umaga, sinabi nitong hindi siya naniniwalang may kakaibang nangyayari kina Manny at Geneva. Inamin nitong big fan siya ni Manny at sa katanuyan, naka-”Team Pacquaio” t-shirt pa siya nang ma-interview. Wala rin daw katotohanan ang tsismis na hiwalay na sila ni Geneva, kasama pa ni KC sa airport ang anak ni Geneva kay  Paco Arepacochaga  na si Heaven. Plano pala nilang pag-aralin si Heaven dito sa ‘Pinas.


loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.