KC doesn’t want to use Kiko’s surname?

KINUNAN NA LAST Saturday ang trivia portion nina Piolo Pascual at KC Concepcion para sa 25th Star Awards for Movies on May 28 na gaganapin sa Irwin Lee Theater ng Ateneo University at mapapanood on May 31 sa ABS-CBN. Halos wala pang tulog si KC na dumating sa Mowelfund mula sa Makati and prior to that galing pa siya ng taping ng May Bukas Pa sa Pampanga.

From the trivia shoot, babalik ulit siya ng Pampanga. Medyo sad nga si KC dahil hindi siya makasasama sa Mama niyang si Megastar Sharon Cuneta sa selebrasyon ng Mother’s Day nu’ng Linggo. Plano ni KC na gumawa ng surprise sa Mommy niya every hour nu’ng Mother’s Day. Pero baka kapos na raw siya sa panahon for the preparation.

Nagkuwento naman si KC na natuwa siya sa souvenir/invitation na natanggap niya sa nakaraang wedding nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Tsinelas daw ito at nakalagay roon ang name na KC Pangilinan. Tinawagan daw niya si Juday to  say na siya lang ang tumawag sa kanya ng KC Pangilinan. Kahit adopted daughter daw siya ni Senator Francis ‘Kiko’ Pangilinan never pa niyang ginamit ang apelyidong Pangilinan.

KC Concepcion pa rin daw ang ginagamit niya, lalo na sa mga legal documents niya. Hindi na raw niya pinapalitan kasi malaki nga naming hazzle kung babaguhin pa niya ang lahat, lalo na ang kanyang blue passport. Proud si KC to have a passport na kakulay ng mga international stars na sina Angelina Jolie and Drew Barrymore.

E, bakit nga ba hindi gayu’ng ka-level ni KC sina Angelina at Drew na mga kapwa niya active representatives ng United Nations. Si KC ang local counterpart ni Drew bilang head representative ngn UN sa kanilang ahensya on world food distribution. Samantang si Angelina naman sa world refugees.

And knows n’yo ba na ang nagturo ng lahat kay Angelina sa pagiging world refugees rep ngayon ng UN ay siyang mentor din ngayon ni KC. Ang mentor na ito ang nagkuwento kay KC na tatlong patong na bullet-proof vest pala ang suot-suot ni Angelina tuwing pumupunta ng Iraq sakay ang kanyang private plane na mismong ang misis ni Brad Pitt ang nagpapalipad. Taray, ‘di ba?

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.