KC Concepcion, wala sa panahon ang pako-kontrabida?!

PANAHON NA ba para maging kontrabida ang role ni KC Concepcion?

Sa pagbabalik ni Judy Ann Santos sa Primetime Bida sa Huwag Ka Lang Mawawala simula sa June 17, role ng pag-iinitan ng mga solid Juday fans ang gagampanan ni KC sa telenobela.

Kung ma-imagine mo si Cherie Gil na ka-eksena si Sharon Cuneta noon, kung tagahanga ka ni Juday, mag-iinit ang ulo mo kay KC.

Sa katunayan, sa isang eksena nga raw tila napalakas ang sampal na iginawad ni Juday kay KC, ayon sa kuwento ng aktres kamakailan.

“Hindi man sinasadya pero pinapauna ko na kaagad ang sorry at pagkatapos ng mga ganu’ng eksena para wala nang samaan ng loob. Pero bago mag-take, dini-discuss na namin na baka magkasakitan para maipalabas namin ang ganda ng scene,” kuwento ni Juday.

Kung napaaga man ang pagko-kontrabida ni KC, at least sa isang Juday naman siya magne-nega!

 

ISANG AQUARIUM ang showbiz. Lahat ng tao pinapanood at sinusundan ang langoy ng mga sirena at syokoy sa loob ng malaking aquarium.

Sinimulan ito kamakailan ng pamilyang Barretto nang magtapunan sila ng kani-kanilang mga dumi at baho na habang nagmamasid lang si Juan, tuloy ang pasiklaban nila sa isa’t isa.

Pero saan nauwi ang sisihan at sumbatan ng pamilya nila? Nauwi sa wala. Mabuti na lang, wais si Gretchen at hindi nagsalita. Tinanggap ang mga tira at akusasyon sa kanya ng ina at mga kapatid. Pero sa bandang huli, nakita ng publiko kung anong klase silang pamilya. Problemado sila kahit Inglisan nang Inglisan at kahit de-kotse at natutulog sa de-aircon nakuwarto.

Pagkatapos ng mala-pelengkeng giyera-patani nila, sinundanan naman ng sirenang si Ai-Ai de las Alas na sa pagbili niya ng ilusyong pag-ibig, akusasyon niya sa kanyang halos isang buwang “asawa”, manggagamit at pera lang niya ang habol ng mister habang hagulhol siya sa kaiiyak sa harap ng telebisyon.

Ayaw paawat ni Vice Ganda. Umagaw ng eksena. Sa halos sunud-sunod na “freak show” sa showbiz, rumatsada ang isyung pambabastos ng komedyante sa respetadong journalist na si Jessica Soho na hind inabot ng isang linggo, tinapos na ni Vice ang palabas nang mag-public apology siya sa It’s Showtime sa ginawang kabulastugan.

Hindi pa man nakapagpapahinga ang mga miron, heto’t sumunod naman ang palabas ni Charice na umamin on national TV na “Yes, tomboy ako.” sa The Buzz sa exclusive interview ni Boy Abunda sa kanya.

Noon pa man, may hinala na ang marami na “tiburcia” si Charice. Sa iba’t ibang salita tulad ng tibo, pards, lengua at kung anu-ano pa, panahon lang ang hinintay niya para magsalita siya. ‘Di nga ba’t may isang babae siyang bitbit noon sa show ni Kris Aquino na sinasabing inspirasyon niya? Hindi nga ba natsismis din sila ng kanyang  Canadian na personal assistant-turned-road manager na sa bandang huli ay lumabas din ang katotohanan na noon pa man ay magka-live in na sila ni Courtney Blooding bago pa ang pag-amin.

Sa pag-amin niya, iba-iba ang reaksyon ng publiko. May positibo na masaya dahil ipinakilala na ng international singing sensation kung ano ang seksuwalidad niya.

Sa akin, walang masama. At least, happy ako para kay Charice. Mahirap magtago at magpakilala. Suwerte nga siya at natapos na rin ang kalbaryo niya, ‘di tulad ng iba. ‘Yun  nga lang, ang pag-amin niya ay nagmukhang freak show na naman sa perya.

Hindi pa nga’t nakakahinga, sumabat naman ang ina niya na si Raquel at inamin din na isa siya dating lesbiyana na converted lang na maging babae nang pakasalan niya ang ama ni Charice (Meron palang ganu’n? Magpa-convert na nga rin lang). Kaloka! For what reason? Para ano pa ang pag-amin niya? Na may pinagmanahan ang anak?

Kulang na lang, pati ang lola siguro ni Charice ay umagaw rin ng eksena at aamin sa publiko na isa ring tibo si lola o dati siyang “syota” ng lesbian, hindi kaya?

Mapapailing ka na lang sa kanya-kanyang agaw- eksena sa loob ng aquarium. Mabuti na lang, hindi ako isang “freak” tulad nila na ang publiko at nagmamasid ay dinadalirot ang buhay ko; pinagtatawanan at pinag-uusapan nang talikuran kung hindi man harap-harapan.

Kung ano man ang reaksyon ng publiko sa kanila, they deserve all the panglalait dahil sila rin ang may kagagawan. ‘Yun nga lang, mas madatung sila kaysa sa akin, pero binabayoy naman sila ng mga miron sa Bayan ni Juan.

Pero para sa akin, sa lahat ng mga freak shows na pinanood ng mga miron, itong isyu ni Charice ang super at ayaw magpatalbog!

 

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

22 thoughts on “KC Concepcion, wala sa panahon ang pako-kontrabida?!

  1. It is true that KC will have difficulty to really shine in ABSCBN as there are so many girls in line waiting to have their own breaks.Many girls will do everything to have their breaks on TV or to be known at the least. KC is already known. She is known as global pinay. So if she does not reach the level of Sarah Geronimo as superstar, it is okay as she has her own niche already and she does not have to feed her own family as breadwinner. She only feeds the hungry children in the Philippines. Despite of the fact that she is not at the level of real superstar Sara Geronimo, she sill has lots of followers.THis means that people are interested of her and NOT JUST TO ADVERTISE ON HER TWITTER ACCOUNT. Others have more followers but they only use their twitter accounts to advertise. So sino pa rin ang panalo?

    • ARAY KOH! NOSEBLEED AKO SA STRAIGHT ENGLISH MO, TEH! HAHAHAHAHA. TEKA, PAYO LANG HA. YOU SAY, “DESPITE” AND NOT “DESPITE OF.” COMMON MISTAKE KASI NATIN YAN EH. PERO KUNG “INSPITE OF,” PWEDE. DEVAH?

  2. KC did the RIGHT thing of backing out as kontrabida sa movie with Anne and Derek. Bakit siya magcocontrabida sa isang Anne Curtis lang, diba? ito ang tama, Judy Anne Santos the Teleserye Queen. She maybe teh kontrabida here pero sa isang Judyanne Santos naman. She plans well because she is intelligent.Remember, educated yan, mayaman at maganda pa. She comes from old rich family and not new rich lang.

    • if mapansin d2 c KC as magaling na kontrabida malaking credit na naman yan k juday kc za pla tlaga ang ngkumbinse k KC na tanggapin ang role as kontrabida…kc pg wala png ngyari sa career nya after des project e wala na talga patutunguhan career nya…tlgang one of dose nlang za… kumbaga jack of all trades master of none ang beauty nya…

  3. With regard sa away ng mga Barretto Family, I think gimmick lang nila iyon, para kay Julia Barretto. Tignan mo at nagkaroon na agad ng project. Maganda naman iyon bata kaya, magaling kaya umarte yan. Hindi siya magaling mg tagalog. Wait and see na lang tayo.

    • Mapapasikat yan ng Abs cbn, si Daniel padilla nga. na isang lampayatot, na hindi naman gwapo talaga ngongo pa, napasikat nila ang naging singer, si Julia pa…magaling talaga ma magic ang star Magic, ang daming Magician diyan,,yung talentless, napapasikat nila, 

    • si katryn bernardo nga, Negrita napa puti nila, at napasikat, si Julia barreto pa na maganda talaga at walang daya…si kim Chui nga, isang napaka panget na Intsik na bilugan ang mukha, na parang mabolo ang ilong, napaganda nila at napa sikat, ang original na lang sa mukha ngayon ni Kim chui ay yung Dimple niya,,the rest ay fake na, si Maja nga,,,dapa dati ang ilong, napatangos nila. may Magic talga sa Star Magic

      • clothey ang galeng mo teh….oo nga no ngaun kolang naisip  yang mga sinabi mo at tamah ka dyan sa mga sinabi mo bout samga artistang yan teh…

  4. Pwede ba iyung nagsasabi ng walang ka star star appeal c kc bungok kayo .sa dami  nga ng talent niya kaya nga di alam kung saan at anong  babagay sa kanya.mga in denial kayo tsupi!!!!!

  5. Mga miron,kay judy ann nga lang niya yan  ginawa kc d na iba sa kanya no! Besides bagay nga sa kanya. Like cherie Gil sosyal ang dating.kesa nman magwait pa siya ng project kasama no name.excuse me!!!look at cherie Gil still visible now a days! Gets ninyo mga ateng!

  6. kawawa naman gya ng nasabi kona dati super talented naman za kc she can sing dance and act naman at super ganda pa kyalang di tlaga alam kunsan za ilalagay…at mukhang nakasira pasa knya ung pgsasalita nya bout sa break up nila ni papa/mama p. kc kung nasira c mama p, dun sa dami ng bumatikos sa knya e gumanti nman mga pancita ni mama p. at super bash din nila c KC patina momi nyng c mega…

  7. kasi naman parang walang ka-star star appeal itong kc na ito… baka matalo pa siya ni kz tandingan hahahaha!

  8. sya mismo ang host ng x-factor yet sya mismo NO x-factor at all… so waley kaka-career-career – just a desperate starlet by default!

  9. YAHAHAHHAHA SAYANG NA BATA,,,,MUKHANG PINABAYAAN NA NG EBAK NETWORK,,SI K.C…KUNG AKO SA KANYA MAG OVER THE BAKOD NA LANG SIYA SA GMA7…MALAKI POTENSYAL NIYA DOON NA UMANGAT PA..SA GANDA NIYANG YAN,,,,HAHA,,,SA KATOL NETWORK,,,,HINDI SIYA PRIORITY,,,MGA KABATAAN NA ANG PRIORITY NILA DOON. BAKA MAGING PRINSESA PA SIYA NG GMA7….WAHAHAHAHHA

    • i agree with you…kc pwde ciang iteam up ky richard gutierrez s gma lalo n at my blita nuon n nanligaw s kny ito..bk ipriority p cia s gma kc kulang cla ng stars dun..

      • sana gumawa ulit ng movie sila Kc at Richard. bagay kasi sila. baka this time magkatuluyan na sila.

Leave a Reply

Your email address will not be published.