KC Concepcion, unti-unti nang sinisiraan

KABALIKTARAN NG MGA balita, si KC Concepcion daw ang nagtsugi sa manager niyang si Shirley Kuan.

Ang tsismis kasi, ang dalaga ng Megastar ang binitawan ng kanyang manager. At ang sabi, matigas na raw kasi ang ulo ng dalaga at mahirap na itong pakisamahan.

Ayon sa tsismis, inisnab ni KC si Shirley sa isang taping. Mainit daw ang ulo ng dalaga kaya naman natarayan daw niya ang kanyang manager. Matsutsugi na kasi noon ang show niyang Simply KC. Pero itinatanggi ito ng mga tao sa Dos. Hindi raw mahirap pakisamahan si KC. Wala nga raw itong mga demands. At wala rin silang matandaan na binastos ni KC si Shirley.

“Hindi ugali ni KC na mambastos,” sey ng isang ABS-CBN staff. “She was raised well by her parents para magpakita ng kagaspangan ng ugali.”

Ang nakatatawa, ngayon lang nag-surface ang mga hate-KC stories, ngayong wala na siya sa kanyang manager.

“Kung masama ang ugali ni KC, eh, ‘di dapat noon pa nasulat?” sabi ng isang taga-Dos.

May nabalitaan pa kaming si KC nga raw ang madalas na masigawan ng kanyang manager. Totoo kaya ito? At bakit parang himagsik na himagsik ang kalooban ng dating manager ni KC? Dahil ba malaki ang nawala sa kanyang komisyon?

AFTER IDOL AY balik sa kanyang singing ang baguhang singer-actress na si Emmanuelle Vera na gumanap na kontrabida ni Sarah Geronimo sa nagtapos na kantaserye ng Dos.

Bago pa man ang Idol ay may record deal na pala si Emmanuelle sa Universal Records.

“We were supposed to record before Idol. Pero ngayong dumating ang Idol, it was very stressful. So, we’re recording soon. After Idol, I think I’m gonna focus more sa music ko,” esplika ni Emmanuella na ini-launch kamakailan ng Star

Magic at Cornerstone Artists kasama ang The Lamars (DJ and Micah), Krissy and Ericka at 3 AM na pawang mga mang-aawit.

Nakalabas na sa school plays at nag-training sa Jimmy Antiporda School of Music si Emmanuelle bago pa siya nag-showbiz. Blessing para sa dalagita na nakatrabaho niya si Sarah.

“It was such a blessing kasi she’s my idol ever since. Noong nalaman ko na makakasama ko siya, I was so nervous. It was a blessing. She made us feel na hindi kami baguhan, na we’re friends talaga. That’s the best part of it. I was scared but happy more than anything.”

Natuwa naman ang dalagita na kahit bad girl siya sa Idol ay tanggap siya ng fans ni Sarah.

“Actually, ‘yung Popsters, ‘yung mga close sa kanya (Sarah), sila ‘yung nagtayo ng fans club para sa akin, ang  Emmanuellenatics. Sila mismo. ‘Yung Popsters nagdala sila ng bouquet of flowers sa akin noong last day (ng taping). In the end, akala ko sila ‘yung magiging haters sa akin pero sila ‘yung naging supporters sa akin.”

NAPAIYAK SI SHALALA sa interview niya sa Paparazzi kahapon. Natanong kasi kung totoo ang balitang nauubos ang kanyang kinikita dahil sa panlalalaki.

Inamin naman ni Shalala na nagkagusto siya sa isang dancer. “Kasalanan ko ba kung magkagusto ako sa lalaki, eh, bakla ako? Pero hindi naman totoong inuubos ko ang pera ko sa lalaki,” paliwanag ng sikat nang TV anchor sabay tulo ng luha.

May pinagamot palang may sakit na pamangkin si Shalala at nagkautang-utang siya sa pagpapagamot dito.

“Hindi na nga ako makabili ng kotse. Nagta-taxi, nagdidyip at nagtra-tricyle na nga lang ako papunta sa mga lakad ko.

Madrama rin pala ang buhay ng baklitang ito. Halos maiyak lahat ng nasa audience ng Paparazzi noong taping noong Sabado.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

6 thoughts on “KC Concepcion, unti-unti nang sinisiraan

  1. c kc sobrang maarte di naman maganda parang bakla wala na akong gana manood sa the buz pareho cla ni toni akala nila sikat na sila sana tanggalin na yan sa the buz

  2. REASON WHY NAKIPAG BOYPREN SI PIOLO SAU KASI NAHIHIHNAYAN SIYA NA NAWALA SI JUDAY,,EH NAKITA CGURO HUBOG NG KATAWAN NI JUDAY SA HUBOG NG KATAWAN M KAYA INI IMAGINE N LNG NA SI JUDAY ANG KATABI NYA HAHAHA,,,,KASO PROBLEMA,,IKAW MUKHA KANG BAKLA….

  3. HAYYZZZZ ETO NA NAMAN SI STARLET NA GSTONG KUNIN LAHAT NG PROJECTS….NAKU KAWAWA ANG MGA WLANG MEGA NA NANAY NA MAGALING PA UMARTE, MY TALENT PA,,,GSTO YATA TALAGA NI KC NA SA KNYA NA LAHAT D NA NAKONTE LUMIPAT PA NG STAR MAGIC PARA TALAGANG MA PRIORITIZE ANG HITAD…..SGE SAU NA LAHAT KC ANG MGA SHOWS,,NO MATTER HOW HARD U TRY,,,,OA KA PA DIN,,KAYA WAG LKNG MASYADONG ILUSYUNADA…NA PALAGING IKAW NA LNG..DAHIL DAMI DAMING MAS MAGALING PA SAU UMARTE!!! AT KARAPAT DAPAT BIGYAN NG SARILING SHOW..GUMAWA NG LNG KAU NG NANAY MONG SARILING NETWORK,,,PARA IYO NA LAHAT,,NAKAKABOYSIT KA TIGNAN SA TV,,,

    • less bark wag more….you’re words justifies you’re as stinky as what comes out from your butt hole….biatch

Leave a Reply

Your email address will not be published.