KC Concepcion, umiyak dahil kay Piolo Pascual?!

ISANG RING PALA ang ibinigay ni Rayver Cruz kay Cristine Reyes noong Pasko. Napakaganda ng singsing at tiyak na mamahalin ito.

“Binigay niya sa akin ‘yung ring. Talagang iniingatan ko ito. Never akong nagkaroon, kasi walang kumakasya sa akin. I think it’s destiny,” sabi ni Cristine. Siyempre, tuwang-tuwa ang dalaga sa natanggap niyang regalo. Pero itinanggi nitong engagement ring na nila ni Rayver ang nasabing singsing.

“Tawagin na nating promise ring,” sambit ng dalaga sabay sabing hindi pa sila handang pakasal ng binata. “Hindi pa naman. Siyempre, nag-e-enjoy ako sa ngayon. A-yokong madaliin.” Simple lang ang rason kung bakit minahal niya si Rayver.

“Kasi ang gusto ko lang naman mahal ako, mahal ang family ko. ‘Yung ipapakita mo talagang sincere ka sa akin.”
Itinanggi ni Cristine ang tsikang malapit na rin siyang lumipat sa ibang network. Malabong mangyari ito lalo pa’t satisfied naman siya sa mga ibinibigay sa kanyang projects ng Dos.

“Matagal pa po ako sa ABS. Saka gusto ko rito. At home ako. Lahat ng project na ibinibigay nila sa akin, sobrang thankful ako. Dito ako nag-grow.”

Nang matanong si Cristine kung ano ang message niya kay Sarah Geronimo, isang “Happy New Year!” na pagbati lamang ang kanyang nasambit. Siguro ay dahil ayaw na niyang masangkot sa anumang kontrobersiya with Sarah.
Ano kaya ang feeling ni Sarah na ngayon ay happy na ang ex-boyfriend niyang si Rayver kay Cristine? Hindi kaya siya naiinggit sa dalawa na open na open na ang relasyon hindi katulad noong sila pa ni Rayver na patago dahil ayaw na ayaw sa binata ng kanyang parents?
Well, as they say, mamatay ka sa inggit!
CRY ME A river daw itong si KC Concepcion dahil kay Piolo Pascual. May nakakita raw sa dalaga habang umiiyak na kausap ang isa niyang friend recently. Pouring her heart out daw ang drama ni KC sa friend niya. Ang sinasabing pinag-aawayan daw ngayon nina KC at Piolo ay ang kakulangan ng oras diumano ng actor sa mega-daughter. Parang hindi na siya regular na tinatawagan at tine-text ni Piolo, kaya nagsisentimyento ang dalaga ni Sharon Cuneta.

Totoo kaya ito, KC? Parang ang hirap namang paniwalaan ng tsikang ito dahil hindi na nga halos mapag-hiwalay ang dalawa. Kadalasan pa nga ay dinadalaw pa ni Piolo si KC sa kanyang taping. Minsan naman ay lumalabas sila kasama ang iba pa nilang friends.

There was one time pa nga na nakunan ng litrato si Piolo while visiting KC on the set of her talk show na natsugi na.
Baka naman nagkatampuhan lang ang dalawa over something else, hindi kaya.
BLIND ITEM: HINDI na talaga magiging magkaibigan ang ex-couple na ito. Malabong mangyaring maging best of friends sila dahil naghihimagsik ang kalooban ng aktres sa kanyang dating dyowa.
One time kasi, isinama ng actor ang kanyang mga anak sa bangko. Doon ay nadiskubre ng mga dyunakis na meron pala itong account na nasa ibang namesung.
Nang makauwi ng balaysung ang mga dyunakis ay sinabi nila sa kanilang mother dear ang kanilang natuklasan. Ayun, labis na sumama ang loob ng aktres sa kanyang ex-dyowa.
Ang gusto kasi ng aktres-aktresan ay regular na magbigay ng suporta ang kanyang dating asawa pero hindi ito nangyayari. Palagi raw na may dahilan ang actor.


Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

6 thoughts on “KC Concepcion, umiyak dahil kay Piolo Pascual?!

  1. ano na ba nangyari sa mundo.. lahat ng bakla gusto may anak. si Ogie Diaz 3 anak.. si Swarding may anak din daw.. tong si piolo meron din…ang lamya pa ng anak nya.

    sabagay uso nmn sa hollywood na male couple nagpapaanak…pero sana di na sana sya nag anak mas lalong dadami lng ang lahi nya..

  2. Pingback: KC Concepcion, umiyak dahil kay Piolo Pascual?! | Cristine Reyes KC Concepcion, umiyak dahil kay Piolo Pascual?! | Cristine Reyes Videos, Pictures, News and More!

Leave a Reply

Your email address will not be published.