KC Concepcion, tinalakan ang isang movie reporter?!

Very sweet at mukhang ang bait-bait nga ni KC Concepcion kung titingnan mo. Pero ingat ka raw. Huwag na huwag mo umanong mababanggit sa harap niya ang pangalan ng kanyang ex-boyfriend na si Lino Cayetano. Dahil kung hindi, talak daw ang aabutin mo sa kanya.

Ito’y dahil isang movie reporter kasi ang natalakan nga raw ni KC kamakailan. Kuwento nito, tinanong lang daw niya kung nagpupunta ang young actress-TV host at singer sa taping ng Noah at kung dinadalaw nito si Piolo Pascual.

Hindi pala Piolo ang pagkaka-dinig ni KC kundi Lino, na itinatanong nga ng reporter kung dinadalaw niya. Bigla raw nairita ang dalaga at tumalak na hindi umano inaasahan ng nabiglang reporter na bakit daw naman niya dadalawin ang kanyang ex-boyfriend?

Dahil do’n, nagiging usap-usapan tuloy ngayon, baka raw hindi nga maganda ang closure ng naging relasyon noon ng dalagang anak ni Megastar Sharon Cuneta at nitong si Lino?

In fairness to KC, baka naman wala siya talaga sa mood nang matanong siya about  pagdalaw kay Piolo na ang dinig niya ay si Lino. Tao rin lang naman kasi siya just like anyone of us na may karapatang ma-bad-trip sa mga hindi inaasahang pagkakataon.

Kahit anong bait kasi ng isang tao, meron at meron time na magiging irritable nga. Ang masama ay kung laging parang nagmama-asim talaga itong si KC.

‘Yon lang.

Sa 3rd anniversary episode ng Showbiz Central recently, muli naming nakakuwentuhan ang Starstruck runner-up na si Rocco Nacino. Nabanggit niyang pagkatapos ng Gumapang Ka Sa Lusak, isang comedy show naman daw ang sunod niyang gagawin sa GMA-7 na may titulong Kaya Ng Powers Natin.

This time, makakasama naman niya sa nabanggit na bagong sitcom sina Joey Marquez, Rufa Mae Quinto, Sheena Halili, Rhian Ramos, at Enzo Pineda. Excited daw ang binata na from drama, sa comedy naman siya sasabak.

Serious type siya sa totoong buhay. Hindi kaya magiging mahirap for him ang pagsabak niya ngayon sa comedy?

“It’s something na talagang excited na ako,” ani Rocco. “Nagkaroon na naman po kami ng workshop, eh. Mapag-aaralan iyon. At saka nag-guest ako recently sa Bubble Gang. Okey naman. It’s fun doing comedy.”

Vocal si Rocco ‘pag mga crush niyang actresses ang pag-uusapan. Pero nagtataka ang iba kung bakit puro may sabit na raw ang mga natitipuhan niya. Dati ang co-star niya sa Gumapang Ka Sa Lusak na si Jennylyn Mercado na karelasyon na nga ni Dennis Trillo.

Lately naman, napapabalitang type din umano niya at gustong ligawan si Lovi Poe na girlfriend na ni Ronald Singson?

Ano raw ba iyon? Manunulot ng girlfriend itong si Rocco?

“Wala po akong sinabing gusto ko siyang ligawan. Kung ‘yong paghanga lang naman, wala akong nakikitang masama kung i-admire mo ang isang babae. Normal lang ‘yon.

“At saka nagkakilala na po kami ni Lovi. Hindi nga lang po masasabing close na close but we already know each other. At saka alam ko nga na may boyfriend siya kaya paano sasagi sa isip ko na ligawan siya?

Hindi raw alam ni Rocco kung bakit medyo nali-link siya ngayon kay Lovi. Siguro raw, dahil sa plano ng GMA na pagtambalin sila.

“May gagawin po kasi kaming episode para sa Love Bug. And I’m also looking forward to it nga.”

Napapabalitang may problema ngayon sina Lovi at Ronald sa kanilang relasyon. Hindi kaya magatungan ito ng pagtatambal nila?

“Tingin ko, hindi naman. Dahil trabaho lang naman ‘yong sa amin, eh,” nakangiting sabi ng baguhang aktor.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

4 thoughts on “KC Concepcion, tinalakan ang isang movie reporter?!

  1. Pasingit po.
    Ref.: Vice Ganda : Days ago sa Showtime, lumabas natural ni Vice, sobrang binaboy niya Davao Crew sa score, dahil obviously, gusto niyang manalo Iloilo Crew (malaki lagay?). Imagine lahat 10, isa 9 score lahat and excellent comments ng lahat jurado except Vice, SHOCK LAHAT, binigyan niya ng 6 ang kawawang mga taga Davao pa naman. Too obvious, malaki lagay niya from Iloilo Dance Crew na puro kasi mga bakla din. What a bullshit judgement of Vice Ganda, masisira career mo pag hindi ka nagbago. Excellent dancers at professional Davao crew, bibigyan niya ng 6? gaguhan? ABS CBN management, wake up pls. Too OBVIOUS, BINABOY NI VICE SCORE.

  2. Humahanap lang ng damay itong si Marasigan pagkatapos dedmahin ni Jovic baldivino…

Leave a Reply

Your email address will not be published.