KC Concepcion, target din si Robin Padilla! – Alex Brosas

Pinagbawalan pala si Jolina Magdangal na mainterbyu.

Sino ang nagbawal? Well, ang kanyang magaling na bagong manager lang naman na si Perry Lansingan.

Guest performer si Jolina sa UFC Guessado Cook Off noong Sabado sa Market! Market. Siyempre, may ilang invited press at TV crew ng ilang showbiz-oriented talk shows. Nagpainterbyu si Janice de Belen tungkol sa away nila ni John Estrada dahil hindi raw ito nagsusustento. Actually, noong una, reluctant pa si Janice na magsalita dahil kung ano raw ang nasa Facebook niya, iyon na ‘yon. Later napapayag din siyang magbigay ng pahayag at sinabing pinaninidigan niya ang kanyang mga sinabi sa Facebook.

“Ginawa ko iyon para sa mga anak ko. Sino pa ba ang magtatanggol sa kanila kundi ako. If I need to post it again, I will do it,” say ni Janice.

When it was Jolina’s turn to be interviewed ay isang babae na napag-alaman naming staff ni Perry ang nagsabing hindi puwedeng mainterbyu si Jolens. Iyon daw ang kabilin-bilinan ng bago nitong manager.

Siyempre, nagulat ang TV crew ng talk shows. Bakit nga naman may dramang ganoon ang manager ni Jolens?

Naroon din pala ang manager dati ni Jolens na si Daddy Jun Magdangal at maging ang madir ng TV host-actress.

Nag-text si Perry kay Mylene ng The Buzz at sinabing sa Monday na lang magpapainterbyu si Jolens.

Gusto lang kasi naming malaman kung bakit nagpalit ng manager si Jolens at kung totoong umalis siya sa SOP bilang pakikisama sa bago niyang manager na si Perry na nag-resign sa nasabing noontime show.

Maarte pala itong manager ni Jolens at kakaiba ang drama. Feeling ba niya, superstar ang kanyang alaga, eh, halos palaos na nga ito. At feeling din ba ni Perry ay napakagaling niyang manager in the league of Tito Alfie Lorenzo at Tita Lolit Solis kaya puwede na siyang mag-inarte.

Ang masasabi lang namin, kung ayaw, eh, ‘di huwag. Hindi naman kawalan si Jolens sa showbiz.

MUKHANG DUMARAMI ANG listahan ng aktres na gustong makatrabaho si Robin Padilla.

Feel palang makatrabaho ni KC Concepcion ang ex ng kanyang madir na si Sharon Cuneta.

“Gusto ko ‘yong image niya. Masaya siyang kasama. Parang Bad Boy na hindi. ‘Yun lang,” esplika ni KC sa launching niya kahapon as the new endorser of Swatch.

Magdyowa na ba sila ni Piolo Pascual?

“We’re working everyday. Like he said, let’s focus on work first. If it’s something that’s gonna happen, it will happen. I really don’t now when although I would like to be in a relationship right now. I’d like to take care of someone right now but I’m not.”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

5 thoughts on “KC Concepcion, target din si Robin Padilla! – Alex Brosas

  1. Showbiz na showbiz rin sumagot si KC. Akala ko ba, sila na ni Richard Gutierrez. Ang sweet sweet nila noon. Ano ang nangyari? Tapos nang movie nila, nawalang parang bula ang kasweetan.

  2. Sa tanong kung magdyowa na sila ni PJ, she didn’t give a direct answer when she could just say “NO” if they’re not. But she is implying that she is ready to take care of someone , seems to me na pagsinabi niyang she is into a relationship most likely that is a very serious one that will lead to marriage na. In that aspect I see KC;s liberal side.

    Nakakabitin lang ksi until now they are not confirming but neither they denying it. Parang si Richard G. and Sharon before yet they are very visible together.

  3. Grabe tong batang to.. maganda na, mabait pa.. Hindi perfect ang features kaya hindi tulad ng iba na nakakaumay ang ganda. Sana maging mega-successful ka, KC!

  4. parang yun lang galit ka na? ikaw nga ang dapat kainisian dahil sa mga imbento mong balita!

    ang ganda ni kc lalo na pag walang make up..

Leave a Reply

Your email address will not be published.