KC Concepcion, sinasamantala ang pagiging single

KC CONCEPCION looks radiant these days. “My heart is at peace knowing that merong mga mabubuting lalaki talaga,” she said during her interview on The Buzz.

Walang dudang ang taong pinatutungkulan ni KC ay ang kanyang French suitor na si Pierre Emmanuel Plassart who is a photographer, filmmaker and writer. Nagkakilala silang dalawa sa isang international event. Bongga kung magregalo si Pierre kay KC. Hindi ba’t siya ang nagbigay ng star kay KC when they were in Boracay? Aba kung puwede lang siguro ibigay ni Pierre ang langit kay KC ay malamang ginawa na niya ito maipakita lang kung gaano niya kamahal ang dalaga.

Kuwento ni KC sa akin sa The Buzz, “Ang sabi po kasi nila, when you want to ask God for something, you pray about it and be specific and believe with all your heart as if binigay na Niya iyon sa iyo.” Inamin niya sa akin that she fervently prayed for seven straight days last December, ilang buwan makalipas ang kanilang break-up ni Piolo Pascual.

“I really wrote down in Post-it notes ang lahat ng gusto ko sa isang lalaki.” Inilalagay raw niya ang mga notes sa kanyang headboard hanggang magkaroon siya ng pito hanggang walong Post-its pasted on top of her bed. “Binigay talaga ni God sa akin lahat ng pinost ko until the very last detail,” she said.

KC only has good words about Pierre. “Pierre is a very kind person. Tito Boy, marami tayong nakikilalang mga lalaking inaral ang pagiging gentleman and that’s a great thing. Pero ito talaga, Tito Boy, simula noong baby talaga hanggang lumaki, hanggang ngayon na na-meet ko na siya, ito iyong masasabi kong tunay. It’s the real thing talaga. He’s a true gentleman.”

Asked about his best quality, KC answered, “He’s not giving up.”

Although KC and Pierre are getting closer, hindi ito nangangahulugan that KC is in a rush to enter into a new romantic relationship. Sinabi niya noon na ito iyong time na gusto niyang magpaka-busy sa work kasi marami pa siyang gustong i-achieve sa trabaho.

“Honestly iyong pagiging single, mas creative ako ‘pag wala akong ibang iniisip. I want to still explore kung ano ang mangyayari pa hanggang independent girl pa ang mode ko ngayon.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

4 thoughts on “KC Concepcion, sinasamantala ang pagiging single

  1. hay nakow, kahit mag-pose pa sya sa fhm or even in playboy – WA appeal pa rin sya so NO bankable career for this ever-trying-hard starlesslet!

Leave a Reply

Your email address will not be published.