KC Concepcion, pinupog ng halik ni Piolo Pascual

INIINTRIGA SI LORNA Tolentino at pinipilit na magsalita sa pagiging unprofessional diumano ni Kristine Hermosa. Sa umpisa pa lang, ito na ang iginigiit kay LT, hanggang muling matsismis na nag-iinarte na naman daw sa set ng Dahil May Isang Ikaw si Tintin, na tahasang sinasabi ni LT na walang ganoong isyu, as far as she’s concerned. Hindi raw totoong pinaghihintay sila ni Tin sa taping.

Maski sa aktingan, kahit karamihan ng mga eksena ni LT ay si Tin ang kasama niya, hindi nito maiwasang ikumpara si Tin sa acting style naman ni Karylle, na for the first time, makakasama nga ni LT ang pamangkin niyang ito sa pagdadrama. Magkaganoon man, mayroon among press people ang deliberately ay gustong intrigahin si Tin sa pagiging unprofessional nito diumano, na ayaw namang sakyan ng senior actress.

Ngayon pa lang, pinaghahandaan na ni LT ang mga matitinding eksena nila ni Tin sa korte. Dapat na maging up on her toes si Tin dito. Nagre-research si LT. Nanood daw talaga siya ng canned legal foreign drama shows, at nagtatanong sa mga kaibigang lawyer, para sa pag-atake niya sa kanyang role bilang abogada sa nasabing teleserye.

HINDI NA YATA mawawala pa ang pagpapa-cute sa tuwing may loveteams na iniintriga. Gaya ‘yung kina Piolo Pascual at KC Concepcion para sa Lovers in Paris. Noon ay puro kaeklatang Richard Gutierrez at KC ang pinapakulo, pero wala rin naman, at hindi nga rin namin maintindihan kung ano ang psychology mayroon dito. Mayroon pa ba talagang kilig nang ganito sa fans?

Pero, mukhang ‘yun ang binibili talaga ng masa. Sa pagpo-promote nina KC at Piolo sa The Buzz noong Linggo, may time na pinupog talaga ng halik ng huli ang kanyang leading lady. Ano pa’t naghiyawan ang fans sa studio dahil dito? Tiyak na ganoon din ang reaksyon ng televiewers.

In fairness kay KC, ginawa man ni Piolo ‘yun, in character pa rin siya as Vivian habang nagsasalita kaya malinaw na para lamang ‘yun sa promo ng kanilang teleserye.

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

4 thoughts on “KC Concepcion, pinupog ng halik ni Piolo Pascual

  1. Kung may kilig factor o wala nasa perception na ng tao iyon pero kung ibang tao ang magdidikta on publicity gimmick na nangyayari sa magka-loveteam it’s a democratic country as well. To each his own, wala na lang pakialaman if masaya ang audience kung ano nakikita nila let it be. In the end lalabas din ang totoo, let’s just wait na lang pero let’s be easy in judging them bec. that is truly unfair parepareho lang naman tayo nagbabase sa obserbasyon ang mga may katawan ang totoong nakakaalam.

  2. in fairness kay kristine hindi siya plastik tulad ng karamihan sa mga artista na bait-baitan para hindi matira sa mga columns nila! hindi takot si Kristine sa mga press just like Roxanne na inaway pa ni Reggee Tibo Bonoan!!

  3. marami talaga ang inggit kay tin dahil hindi lang siya maganda kundi magaling pa siyang umarte. Hindi na niya kailangang magpaseksi para sumikat tulad ng ibang artista at dyan mo makikita kung anong klaseng babae siya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.