KC Concepcion, pinanindigan ang pagiging single

 MARAMING KALALAKIHAN talaga ngayon sa loob at labas ng showbiz ang natatamemeng ligawan si KC Concepcion.

Ipinagpauna na nga niya ‘yung kanyang desisyon na hindi muna siya ready na pumasok sa bagong pakikipagrelasyon, dahil nagpapahinga pa ang kanyang puso. Kasama na sa sobra niyang pag-iingat ngayon ay iwas na iwas na rin siyang kapag mayroong tsikahan ay mapunta kay Piolo Pascual ang topic.

Pero si KC mismo ay bilib sa kanyang sarili, dahil nakakaya na niya talagang maging magaan ang lahat ngayon, lalo pa’t ang dami niyang trabahong pinagkakaabalahan. Bukod sa gagawin niyang teleserye, ang Against All Odds ng ABS-CBN, nariyan din ang hino-host niyang X Factor Philippines, habang may nakaplano ring pelikula na gawin.

Aware din naman kasi ang mga kalalakihang gustong manligaw kay KC na mahihirapan pa silang umeksena. Kasi nga, naglalagay ng wall ngayon ang anak ni Sharon Cuneta bilang parte pa rin ng kanyang pag-iingat para tuluyang mahulog ulit ang kanyang loob sa sino mang lala-king kanyang bagong makikilala.

Malaki ang tsansa ng mga kalalakihang nasa showbiz, ganu’n din ‘yung may mga impluwensiya, para makalapit kay KC, dahil nasa showbiz ang anak ni Gabby Concepcion. Ang kabado ay ang mga kaguwapuhan lang ang katangian na tipo siya, dahil naiilang sila sa katotohanan na ngayon pa lang ay milyonarya na ang young actress.

Blooming ang byuti ngayon ni KC, kaya maraming gustong umaligid ng ligaw sa kanya. Masayahing tao si KC, kaya hindi maiiwasan ang kilig kapag may mga guwapong nagpapapansin sa kanya. Ewan na lang kung hanggang kailan niya mapapanindigan ang sinasabi niyang magpapahinga muna ang kanyang puso.

 

PANAHON NA naman ng mga paninira kay Kris Aquino. Ang akala niya ay nakawala na siya sa maraming intriga na pinagdaanan niya noon, lalo nu’ng kasagsagan ng isyu ng hiwalayan nila ni James Yap. Napakalaki na rin ng kanyang ipinagbago lalo na sa style ng hosting sa kanyang mga programa. Kaya nga kinagigiliwan ngayon ang Kris TV ng ABS-CBN.  Hindi naman nawawala sa kanya ‘yung pagiging prangka na laging napagkakamalang nagtataklesa. Pero nitong huli, nawala na talaga ‘yung pagiging taklesa niya na nakaiinsulto ang dating.

Tanggap naman ni Kris na dahil nasa showbiz siya, at kilala ang kanilang pamilya, hindi talaga mawawala ang mga intriga. Kaya lang, sa ngayon ay napapansin din niya na para namang mayroong gumagawa ng hate campaign laban sa kanya. Ang daming banat at pintas sa kanya, lalo na nitong huli na aktibo siya sa pagdalaw at pagtulong sa mga nasalanta ng baha dahil sa habagat. Deadma lang si Tetay, dahil ayaw niyang sirain ang kanyang araw sa mga panahong ito, kasi nga, ang katuwiran niya ay napakarami niyang dapat ipagsaya at ipagpasalamat.

Bukal sa puso ni Kris ang ginagawa niyang pagdamay ngayon sa mga nasalanta ng kalamidad. Limitado ang kanyang oras, dahil bukod sa kanyang show araw-araw, may taping siya ng teleserye at shooting ng pelikula. Pero gusto niya talagang magbigay ng panahon para dumamay. Hindi lahat sinasabi ni Kris, dahil ang dami niya ring hindi ipinagmamakaingay na kilos para makatulong sa mga kapus-palad. Doon siya nakatutok at nagiging masaya ngayon.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

One thought on “KC Concepcion, pinanindigan ang pagiging single

Leave a Reply

Your email address will not be published.