KC Concepcion, pinalalabas na bastos at maldita ng dating manager?!

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

GUMAWA NG INGAY si Shirley Kuan, ipinagsigawan nito sa movie industry na binitawan na niya si KC Concepcion dahil sa diumano kawalang respeto nito sa kanya bilang manager. Pagtatanong na para bang hindi happy sa takbo ng kanyang career. Tuloy, nasabihan ang dalagang bastos at maangas raw ito ng kanyang manager.

Hindi na raw matagalan ni Ms. Shirley ang pambabastos sa kanya ni KC kaya binitawan na niya ito. May balita pang naidulog na raw ng talent manager sa kapisanan ng mga manager ang ginawa niyang pagbitiw sa dalaga. Knowing KC, marespeto ito sa kapwa, may breeding at pinalaki nang maayos ni Sharon Cuneta. Bakit may ganitong issue?

Pambabastos na nga bang maituturing ang ginawang pagtatanong ni KC sa kanyang manager, pagrereklamo sa takbo ng kanyang career? Napakababaw naman kung totoong ito ang naging dahilan nang kanilang paghihiwalay. Natural lamang sa isang talent na magtanong, mag-urirat sa kanyang manager kung saan patungo ang kaniyang showbiz career. Hindi naman basta artista lang si KC, pride ito ng ABS-CBN. Pakiwari namin, mas may malalim na dahilan kung bakit biglang may ganitong pangyayari sa kanila, ‘yun ang dapat nating alamin.

Pinag-usapan, naging malaking issue ang paghihiwalay nina Ms. Shirley at KC. Tuloy, naging nega ang dating ng dalaga sa mga pinagsasabi ng kanyang manager. Kailan lang, nagpatawag ng pocket presscon si Ms. Shirley. Ang drama, gusto lang daw niyang makasamang kumain ng pananghalian at makipagkuwentuhan sa mga kaibigan niya sa media, ganu’n lang!

Baka maging “Darling of the Press” si Ms. Shirley Kuan kung ganito palagi ang magiging eksena niya sa entertainment press, major major winner! Pakakainin at bibigyan ng happiness ang mga kafatid sa panulat ng walang kapalit, ano ‘yun? Ang saya-saya, ‘di ba? Huwag na nga tayong maglokohan! Ang totoong motibo ni Ms. Shirley, gusto niyang kunin ang simpatiya ng movie press at ipagtanggol siya sa pagkalas niya as manager ni KC.

Ayaw raw ni Ms. Shirley na magsalita laban kay KC, pero ang totoo, nasa tabloid na ang kanyang mga naging pahayag laban sa singer-actress. Hindi maisusulat ang mga ito kung wala siyang sinabi tungkol kay KC. Siyempre, underdog ang drama ni Ms. Shirley, kuno na ayaw niyang magsalita tungkol sa totoong nangyari sa kanila ni KC. Lalabas nga namang siya ang naapi kaya niya binitawan ang dalaga. Sa pananaw ni Ms. Shirley, maldita at kawalan ng breeding daw ang pag-uugali ng singer-actress.

Keber, kung magalit raw sa kanya si Megastar, ayon sa nag-tsika sa amin. Sa mga nagative issue naglaban sa dalaga, tahimik lang ito. Hindi natin alam ang buong pangyayari kung bakit humantong sa hiwalayan ang relasyon nina Ms. Shirley at KC bilang manager-talent. Sino nga ba talaga ang may kasalanan?

Hindi natin alam ang buong pangyayari sa pagitan nina Ms. Shirley at KC. Narinig na natin ang diumano’y naging pahayag niya tungkol sa dating alaga. Siguro naman, it’s about time na magsalita na si KC at ipagtanggol ang kanyang sarili laban sa kanyang manager. Saan nga ba nag-ugat ang hindi nila pagkakaunawaan? Matagal na kaya silang may iringan? Sasagutin kaya niya ang mga binitawang salita ni Ms. Shirley laban sa kanya? Sino nga ba sa kanila ang nasa katuwiran? Sino ang nagsasabi ng katotohanan? Mga katanungang ating dapat abangan….

loading...

5 thoughts on “KC Concepcion, pinalalabas na bastos at maldita ng dating manager?!

  1. dami nya work and all araw araw nasa tv pati sunday eh ibig sabihin di talaga sya makagat ng tao di nya na magagawa ang nagawa ng mom nya yun lang

  2. hmm,.mukhang ang baklang to pabor sa malantong na KC na to.ang arte naman ni KC pasalamat sya binigyan sya ng mga shows.,eh d naman deserving ang mlantong na babae,,tamo kabago bago na pair up na kay piolo at nagka movie,,eh ang arte arte naman at OA.,,tapos nag ka show pa..pasalamat lng sya my MEGA sya na nanaYY kasi knng hindi D sya kakagatin ng MASA….

  3. Bakit noong si Heart ang kumalas kay Annabel w/c earlier pa nagpaalam kung ano-anong nega ang lumalabas ….hindi ba kung ano-ano rin ang binibigay ni annabel sa press pero walang pumipigil sa mabahong bunganga nito….kampihan ba!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.