KC Concepcion, pinagbawalan na ang press sa studio ng The Buzz?!

MAY EPEKTO NA talaga ang pagitan na nalikha ng hindi kagandahang PR ngayon ni KC Concepcion sa mga press people.  Tinanong ko ang isang reporter na malapit sa programang The Buzz kung totoong mahigpit na ngayon ang programa sa pagpapapasok ng press sa studio. Dati kasi napaka-friendly ng show sa press. Hayun, ngayon nga raw ay hindi ka na basta makapapasok doon, kundi magpapa-schedule ka muna bago ang mismong araw ng pag-ere ng show.

Susme! Ako, bilang reporter ay suking dumadalaw d’yan sa studio ng The Buzz. Pero kung dahil lang din naman kay KC ay mahihirapan akong pumasok sa studio nila, hindi bale na lang. Bilang respeto, ang mga manunulat ay pumapasyal d’yan sa studio, dahil napakaraming kaibigan na nagmamahal sa pangunahing host na si Kuya Boy Abunda. Kahit sikat si Kris Aquino na dating parte ng show, hindi siya mabango sa press people na dumadalaw roon, dahil si Kristeta ay may sariling mundo, at namimili lang siya ng kakausapin. Nagkataon lang na si KC ang natsika ng press, na humantong pa sa hindi magandang sitwasyon ngayon.

Sa karanasan ko, aliw akong pumunta sa The Buzz. Bilang ganti iyon, na nu’ng panahong nagkaroon ako ng malubhang karamdaman, eight years ago, nakakatanggap ako ng tulong mula kay Kuya Boy kahit hindi naman niya ako kilala nu’ng mga panahong iyon. Magpaturo muna si KC sa kanyang daddy na si Gabby Concepcion na napakagaling ng PR. KC, ang daddy mo, kesehodang pangit na intriga ay nakakayang pagtiisan at makipagtratuhan nang maayos sa press.

NAPAPANSIN NA TALAGA ang kagandahan at kaseksihan ng pamangkin ni Alma Moreno na si Kristel Moreno. Kahit nga ako, nu’ng minsang magkasabay kami ni Kristel sa dressing room ng Juicy ng TV5 ay sobrang nagandahan ako sa kanyang mukha, kaya paulit-ulit ko siyang pinagmamasdan. Hindi ko pa alam noon, na siya si Kristel. Kasi nga, wala pa siyang make-up ay sobrang ganda na niya, kaya minarkahan ko na siya pala iyon.

Dahil maganda ang mukha ni Kristel, kaya naman nabibiktima na rin siya ng panggagamit. Kamakailan ay sumugod sa isang lugar d’yan sa Timog Ave. ang mga malalapit niyang kaibigan at mga nagmamalasakit sa kanyang movie career.  Kasi ba naman, nadiskubre na nakapaskel ang malaki niyang litrato sa harapan ng isang massage parlor. Napansin ko na rin iyon, kaya nag-isip din ako kung bakit may picture siya roon, eh hindi naman siya masahista, ‘noh! Pupuwede ring isipin na baka friend ng family nila ang may-ari ng place kaya inee-endorse niya. Pero hindi pala, kaya umaksiyon na sila.

Ang ipinakiusap lang naman daw ng kampo ni Kristel du’n sa management ng massage parlor ay tanggalin ang picture niya, dahil kinukulit sila sa text at tawag sa telepono ng mga nakakakilala sa magandang young actress, kung bakit may picture siya du’n sa nasabing lugar na puntahan ng mga kalalakihan na nagpapamasahe?

ChorBA!
by Melchor Bautista

Related Post

loading...

21 thoughts on “KC Concepcion, pinagbawalan na ang press sa studio ng The Buzz?!

  1. grabeee!….. ang mga findings dito…true ba? hilaw p talaga c kc dapat workshop siya ng husto kc hindi marunong mghost. OA din c toni, lately sapaw queen din siya. hirit ng hirit pati ang body movements niya corny! given na mganda raw si kc , pati siya ayaw patalo kailangan niya mambuking na nanligaw rin sa kanya si ganun para sabihin ang ganda niya rin,,,,eeww kilometers away kitang-kita na ang panga niya….

  2. yung POV napakagulo para tuloy referee c Boy c KC feelingera s mga Opinions niya pazencya na kC totoo lang magslow down ka rin kasi yung opinion mo dense at ang labo eh s totoo lang walang laman most of the time…………

    hindi makasingit c Charlene at Tony s haba ng explanation ni KC to think na dinadala pa cya ni Boy!
    maganda minasan simple answer para s complicated na tanong d b!!!!!!!!!

  3. S totoo lang tama hindi marunong magdala ng interview c KC ang gulo gulo s mga question hindi alam kung kelan magfollow up tapos parang train yung explanation walang katapusang biyahe……

    Swak hilaw kasi dapat s kanya magwork shop ok cya as a host pero interview bagsak ka Day!

    C tony naMan eventhough I like her eh humirat ng todo todo s the buzz na kahit very uncomfortable c Piolo hirit pa rin ng hirit tony slow down lang wag mong madaliin saka huwag mong gayahin c Kristeta~

  4. Nakuu, ang mga press pipol na hindi marunong mag confirm ng istorya about sa kanilang binibiktima pagbinalikan at ikocorect ng mga artista, biglang magagalit. Bakit?? dahil walang na kayong credibilidad?!! ipalabas ba namang nakita raw ni Zaijan si KC sa taping ng Noah, eh hindi naman pala totoo, narinig lang pala ng bata sa ibang tao, sana kinumpirma nila sa taong involved, eh sinabi ng artista na walang katotohanan,sasabihin na bad pr..haha..ang mga walang kredibilidad na reporters, mahuhuli at mahuhuli talaga kayo sa inyong chikka kaya importante talaga na tignan kung sino ang sumusulat ng isang tsismis at alamin ang track record nila kung pawang totoo ba ang isinulat o gawa-gawa lang at false reporting.

    • Obviously, hindi mo alam ang tunay na pangyayari. Magbasa ka pa at mag research so you’ll know what’s the root of all the misunderstanding between KC, Zajian and reporter.

  5. l
    l
    l
    l
    v
    parang alam ko rin yan? nagpa vaginal Laceration ba tawag dun??? landscape?? in short nagpasikip daw si KC ng keps niya.

  6. KC di ata maganda ang mga issue na lumalabas sayo iha.. kung may katotohanan ito aba panget yan KC.. at bago tayo manghusga ng kapwa mga readers dito pwede ba wag masyadong bastos…

  7. kc and charlene gonzales arent fit to become showbiz talk show hosts…si kc hilaw na hilaw at parang di kayang ihandle ang mga issues…charlene on the other hand, parang di naman nya talaga linya ang mga chismis….sa totoo lang sa pov parang naging non-sense tuloy ang mga inputs nilang dalawa…toni naman whom i dont really like is better kayang kaya niya ang mga interviews nya at direcho walang halong ek ek….

  8. Bakit ba ginawang host ito ng The Buzz? Napaka hilaw ni KC para maging host ng The Buzz. Hindi niya talaga talent ang pag host. Mas marami pa ang magaling sa kaniya sa ABS. Dapat tanggalin na si KC sa The Buzz !

  9. Hay naku, yang si KC, feeling mahusay na host..ni hindi nga sya marunong magdala ng interview. at ewan ko ha, napaplastikan ako sa kanya..nagmamana na sya sa mga hirit ng mudra nya.. sa totoo lang, di sya bagay maghost..di marunong umarte..she’s nothing but mega’s daughter

  10. OA talaga iyang si KC gusto laging papuri at maganda lang ang isusulat tungkol sa kanya, pareho sila ng nanay niya! Pinatanggal din ni Sharon si Ogie Diaz sa morning show dahil sa di kagandahang showbiz balita tungkol kay Kiko! Ang lakas ng mag ina sa channel 2 ano? Kaya mga press people, huwag na ninyong isulat or interbyuhin iyang mag ina kundi rin lang maganda at papuri! Eh kung sabihin ko kaya ang nalaman ko sa isang nurse sa St. lukes?

  11. Ayaw ni Ate Kris na ganyan, go lang ng go sa press people. Sila ang artery ng ano mang show. Dumugin ang the buzz press people. go go gooo..

Leave a Reply

Your email address will not be published.