KC Concepcion, pinaasa sa Dyesebel?

KC-ConcepcionFIRST CHOICE pala si KC Concepcion para gumanap na Dyesebel sa classic novel ni Mars Ravelo under DreamScape Productions. Kaso mo nga, kay Anne Curtis ipinagkatiwala ni Deo Edrinal. Isa sa mga naging basehan nila ang pagiging in demand ng actress/singer sa advertisers. Kahit nga may mga negative issue tungkol sa kanya. She can get away with it. Tanggap pa rin siya ng kanyang mga fans.

Excited pa naman si KC nang sabihin sa kanya na siya raw ang gaganap na Dyesebel, ayon sa aming source. Ipinangako raw kay KC ang nasabing fantaserye kaya’t tinanggap ng dalaga ang kontrabida role sa teleserye nila ni Judy Ann Santos. Ang sabi, sa susunod daw na TV project, si KC na ang nasa title role. Kampante naman ang actress/ singer, pinanghawakan nito ang pangako sa kanya.

Nilinaw ni KC, walang siyang regrets kung gumanap man siyang kontrabida sa teleserye nila ni Juday. It’s a big challenge on her part para lalong ma-enhance ang galing niya sa pag-arte. Sa seryeng ito, nagwagi siyang Best Supporting Actress sa Star Awards for TV.

Pero hindi nga nangyari ang pinapangarap ni KC na maging Dyesebel. Sa sama raw ng loob ng dalagang anak ni Sharon Cuneta, biglang nag-fly ito abroad. Kahit sinuman namang artista nangangarap mapasa-kamay nila ang nasabing komiks character. Napawi lang daw ang lungkot ni KC nang iparating sa kanya na nanalo siyang Best Actress sa Star Awards for Movie for the film Boy Golden.

Tanggap na ni KC na hindi para sa kanya ang TV project. Kailangan mag-move-on, maghintay ng tamang proyekto na para sa kanya. Ang balita namin, may inaayos na show ang Kapamilya Network na swak sa personality ng dalaga. Knowing KC, paghahandaan niya ito. Always the best performance ang aasahan natin kay KC Concepcion. Teka, anong malay natin ang “Darna” pala ang totoong nababagay sa kanya.

Kumpleto na sana ang kaligayahan ni KC kung sa kanya napunta ang Dyesebel. Well, hindi lahat ng bagay na gusto natin ay napapasaatin. Isipin na lang na may mas magandang blessing na naghihntay.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

8 thoughts on “KC Concepcion, pinaasa sa Dyesebel?

  1. I think She really deserve a good project dahil gumaling na.sya sa pag arte lalo na sa boy golden.. kaya kc keep up the good work alam ko nagsasanay ka sa yung workshop. Love u kace

  2. Cris, jlubra at ganda lang.. ang galing nyong magsalita noh???? Ang gaganda nyo siguro kaya kung makapanlait kau daig nyo pa ang dyos kaya siguro walang mga nangyayari sa mga buhay nyo sa ka negahan nyo!!! Wag na kau mag comment kung di din maganda sasabihin nyo mga ineng kase di kau ang dyos para manglait ng kapwa kala nyo namn.. kayo lang ang pinagpala ng dyos mag isip isip nga kau mga ungas kayo bobo!!!!!

  3. Diyos ko nman please Lang Hindi Bagay kang kc Ang dyesebel dahil taba Niya malake balakang at binte
    Lalo nman Ang darna maawa nman Kayo wag ninyo baboyin Ang dArna
    Kung Hindi man mapunta Kay angel locsin Ang darna dami deserving wag nana. Si KC

  4. Kaya nakuha ni KC Concepcion ang best actress para sa Boy Golden dahil binayaran ni Jobert Sukadito at ni Mega Star ang best actress trophy, yan ang totoo.

  5. nyahahahaha MALI ang pag pili ng Katol Network diyan kay Anne,,,,hahahah kita na ninyo TAOB na sa rating ng Kambal Sirena ang Dyesebel niya hahahah natalo pa siya ng baguhan isa lang ang dahilan niyan,,,,hindi pa rin napapatawad ng mga tao ang ginawa niyang ka NEGAHAN dun sa Bar hahahah,,kahit yung Its waleey time niya hindi pa rin makahabol sa rating sa EB hahahah hindi man lang siya naka tulong maingat ang rating ng Its waleeytime..hahahah Teleserye pa kaya,,,he he

  6. kung sa dyesebel na kahit papaano, may buntot na nakatakip sa balakang at hita, hindi pinapasa si KC, sa darna pa kaya, mas exposed ang katawan pati na hita at binti. I’m sure kay Anne din ibibigay ng dos ang Darna. x-deal ng viva iyan sa dos, para hindi ilipat si Anne ng network.

  7. hehhehe i love KC..wala kana hanapin sa kanya.package deal ika nga..pero hindi sya bagay sa Dyesebel…hihihihi–lam nyo naman na

Leave a Reply

Your email address will not be published.