KC Concepcion, nakatikim din kay Mariel Rodriguez!

PATI PALA SI KC Concepcion ay naging biktima rin daw ng kamalditahan ni Mariel Rodriguez. Nang mag-guest kasi ito sa Simply KC ay super happy ito. Magiliw siyang nakitungo sa dalaga at talagang naging maganda naman ang kinahinatnan ng kanilang interview.

‘Eto na ang siste. Pagkatapos ng episode, nagbubusa raw itong si Mariel habang naglalakad sa hallway ng ABS-CBN.

“Ginagaya niya ako. Ginagaya niya ang hosting style ko!” ‘Yan daw ang tili ni Mariel.

Ang nakakaloka, narinig pala ng production assistant ni KC ang mga pinagsasabi ni Mariel at pinarating ito sa dalaga. Siyempre, sumama ang loob ng anak ni Mega sa dyowa ni Robin Padilla.

May narinig pa kaming kuwento na kinukuwestyon daw ni Mariel kung bakit binigyan si KC ng solo talk show gayong mas magaling naman siyang mag-host kaysa rito.

Kaloka pala itong si Mariel. Hanggang ngayon hindi pa nagbabago.

NAKAKATUWA ITONG SI Joshua Dionisio. Wala kasi siyang reklamo kahit na siya ngayon ang tumatayong breadwinner ng pamilya niya.

Nagpapasalamat si Joshua dahil sunud-sunod ang project niya sa GMA-7. Kasama nga siya sa Sunday afternoon series na Reel Love Presents Tween Hearts.

“Ako po kasi ang breadwinner ng pamilya. Wala pong trabaho si Papa dahil din po sa akin. Sa akin, wala pong problema ‘yon. Masaya naman po talaga ako na na bata pa lang ako ay natutulungan ko na sila,” esplika ni Joshua.

Napansin ng binatilyo na hindi nalalayo sa character niya sa Tween Hearts ang role niya dati sa First Time.

“Ang problema lang po kasi, characters. Parang same din kasi noong First Time, masungit din, suplado,” sabi ng young actor.

Pero confident si Joshua na magugustuhan ito ng kanyang fans.

“Mas magugustuhan ng tao ito kasi mas marami na, mas masaya ito, mas maganda ang timeslot, Sunday at walang pasok ang mga tao.”

At kahit na maraming kasama sa show tulad ng mga baguhang sina Joyce Ching, Kristoffer Martin, Lexi Fernandez, Louise de los Reyes and Derek Monasterio ay hindi insecure ang binatilyo.

“Masaya rin naman ako dahil magkasama kaming lahat, at least hati-hati kami sa obligation. Lahat kami may mga parang forte. “Hindi ko naman po sila itinuturing na kumpetisyon. Siyempre, same company kami kaya paano kami maglalaban-laban.”

HANGGANG NGAYON AY palaisipan pa sa marami kung bakit natsitsismis na hiwalay na sina Jackielou Blanco at Ricky Davao.

Well, ang alam namin, nagkaroon ng tension sa pagitan ng dalawa nang ma-interview si Jackie ng isang writer. Pina-rate kay Jackie ang asawa niyang si Ricky from a scale of 1 to 10 bilang asawa. Ang ibinigay ni Jackie ay 8.

Dito na nagsimula ang tampuhan nila. Kinantiyawan kasi ng mga anak nila si Ricky dahil sa 8 rating na ibinigay ng kanyang dyowa. Doon na nagsimulang hindi magkibuan ang dalawa.

Kung tutuusin, ang bale lumalabas na naging sanhi ng alitan ng dalawa ay ang simpleng tanong ng writer. Ewan ko ba naman kasi kung bakit ang hilig-hilig magpa-rate ng writer na ito kapag nag-i-interview.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

26 thoughts on “KC Concepcion, nakatikim din kay Mariel Rodriguez!

  1. I am totally disappointed to KC , I thought she`s good breeding,but after watching her at the buzz last sunday all my admiration`s gone .I couldn`t believe that she could say all those nasty things to mariel..tsk tsk tsk..she lost a fan here..hope next time she`ll be more careful and have some dignity.

  2. NANG MAG GUEST SI MARIEL SA SIMPLY KC, PLASTIKAN ANG NANGYARI. LUMABAS RAW SI MARIEL, SALITA NANG SALITA SA HALLWAY AT ANG SABI ” OMG, GINAGAYA NIYA ANG STYLE KO”, NA NARINIG NAMAN NANG PA NI KC. ITO ANG SIMULA. MARIEL , SAGAD NA SA BUTO ANG PAGKA INSECURE. ANO NAMAN ANG GAGAYAHIN SA KANYA? NAKAKAIRITA NGA. . .

    • IKAW WALANG SINABI PURO DAW DAW DAW, PAREHO KAYO NI KC “TABA”, NAGPAPAPANSIN LANG YAN SI KC PALIBHASA ULTIMATE CRUSH NYA SI ROBIN…HAHAHA,WELL SORRY NA LANG SYA!!

  3. ALAM NYO SABI NGA NI MARIEL LAHAT NA LANG DAW SA KANYA ISINISISI..BAKA PATI NGA RAW PAGTAAS NG KURYENTE EH SA KANYA NA RIN ISISI, NA HINDI MALAYONG MANGYARI DAHIL ANG DAMI TALAGANG MGA TAO RITO NA WALANG MAGAWA KUNDI MAG IMBENTO NG BALITA…MAGMULA KAY TONI HANGGANG SA PAGTAAS NG PRESYO NG TAXI!! HAHAHA

  4. asus,pinag-awayan p ninyo ang tatlong ito eh naggagamitan lang naman cla LolZ gumawa lang ng eksena c Mariel via nakapanindig balhibong love affair k Binoe tapos sumakay yung dalawa ha ha ha :Þ

  5. tellingthetruth…ikaw ang baboy! baboy ang lumalabas sa bibig mo…nakita ko na c kc in person baka matabunan mo pa nga katawan nya sa kababuyan mo dahil slim ang katawan nya…kaya manahimik ka halatang di mo pa nakikita c kc sa personal…baboy!!!

  6. pano naman naging magaling maghost c mariel, e palingkera ang style ng paghohost nya…kc still remains her classy moves at ibang iba ang style nya dahil makikita mo talaga ang pagiging sosyal nya…kaya walang K si mariel sabihin na mas magaling syang maghost ke kc dahil squatter na squatter ang dating nya, palatili!

  7. hay naku mariel naiireta ako sau kasi MALANDI KA..AT PA CUTE MASYADO ..SA LAHAT NG MGA ISYU NA KINASASANGKUTAN MO,,,NAPAKA NEGA KA SAKIN,,,MUKHANG MALDITA KA TALAGA SA PERSONAL..
    KAYA BETWEEN U N TONI MUKHANG MANINIWALA AKO KAY TONI.

    PERO THIS TIME BETWEEN U AND KC,,MUKHANG MAY POINT KA…TOTOO NAMAN KASI BAT BA BINIGYAN NG OWN SHOW SI BABOY,,EH ANG DAMI DAMI PANG MAS MAGAGALING JAN BKIT D BINIGYAN,,KAYA APIR AKO SA SINABI MO TUMPAK,,TULAD NI TONI, TONI CAN HOST WAYY BETTER NG BABOY KC,,,BAT D BINIGYAN NG ABS YUN? KASI WALANG BABOY NA MEGASTAR SI TONI,,GAYA NG BABOY NA KC HAHAHAHAHA

    PAREHAS LNG KAU NI KC MARIEL,,MALANDI AT MAARTE MAGSALITA….PERO MAS OK PA CGURO KA KONG UMARTE MARIEL KASI FEMININE ANG FEATURES MO PERO PAG SI KC ANG UMARTE PARANG BAKLANG UBOD NG KALANDIAAN..

  8. jay naku mariel naiirita na ako sayo ikaw nalang lagi ang balita nakakasawa na kung lumandi ka lumandi ka nalang just shoot up please nakaka stress kana promise i dont like you anyway

  9. hay ang landi at oa talaga yang mariel na yan! kala mo kung sino nakakapit, kunsabagay from zanjoe to robin, upograde nga naman pro slight lang no! matanda at babaero at marami pang anak sa loob at labas bwahahahha

  10. Feeling sikat talaga itong si Mariel !!!
    Anong ginagaya ang hosting niya, eh hindi ko nga alam kung ano ang hosting style nya ! meron ba? nobody’s interested noh !!!
    At nag-aambisyon talaga magka talk show ano? okay ka lang?!!! who’s interested? baka walang ka commercial kung ikaw !!! at sino ang manonood?! siguro si Robin lang !!!
    Hay naku, kung hindi si Boy Abunda ang manager mo,ewan ko kung saan ka pupulutin. You are a nobody at wala kang K magsalita ng masama laban kay Toni and KC isama na si Luis!!! Next showbiz news PLS. !!!

  11. mukha lang naman maganda dyan kay mariel.napaka arte at landi pa.pupusta ako ilang bwan lang yan mambababae na naman si robin.sabi nga ni liezel his ex wife.robin is a womanizer.!

Leave a Reply

Your email address will not be published.