KC Concepcion, naiyak nang sabihang magpapayat?!

KC-ConcepcionNALUNGKOT NAMAN kami para kay Direk Elwood Perez, dahil hindi pala n’ya natapos ang pelikulang The Trophy Wife ng viva films na pinagbibidahan nina Heart Evangelista, John Estrada, Derek Ramsay at Cristine Reyes.

Kalat na nga na si Direk Andoy Ranay na raw ang ipinalit ng produksyon kay Direk Elwood para tapusin ang pelikula.

Pero ang siste, inumpisahan pala ulit ang shooting simula sa mga unang nakunan na ni Direk Elwood, dahil ang tsika ng aming very reliable source ay hindi diumano masyadong bet ng screening commitee ng Viva Films ang mga nai-shoot nang mga eksena ng beterano at mahusay na direktor.

Boss Vic del Rosario at Direk Elwood, may katotohanan ba ito?

Dahil sa re-shoot ng naturang pelikula at may nagko-complain daw sa mga artista ng The Trophy Wife, kasi nga ay more than half na raw ng kabuuang movie ang natapos makunan na ni Direk Elwood.

So sino kaya kina Heart, John, Derek at Cristine ang na-imbyerna sa nangyari?

 

SPEAKING OF Boss Vic, is it true na napaiyak daw ang isa pa nitong alaga na si KC Concepcion nang minsang pagsabihan daw ito ng Viva big boss na kailangan pa raw magpapayat nang konti ng anak ni Megastar Sharon Cuneta?

In fairness sa leading lady ni Laguna Governor ER Ejercito sa Boy Golden na si KC, mukhang nabawasan nga talaga ang timbang nito lately at talagang napakaganda pa rin ng mukha.

KC-Concepcion

WALA KAMING masabi kay Anne Curtis, dahil nagulat kami nang una naming makita ang kanyang pinakabagong billboard sa EDSA sa bandang Greenhills area bilang endorser ng luxury brand ng sasakyan, ang Audi.

Nag-text kami agad sa tinaguriang Philippines’ Showbiz Sweetheart na kaliwa’t kanan ang mga iniendorsong mga produkto upang i-congratulate ito.

Sabi namin sa kanya, ikaw pa lang yata ang local celebrity na nag-e-endorse ng isa sa mga pinakamamahalin at sosyal na sasakyan sa buong mundo. Wala pang isang minuto ay nag-reply agad ang aktred sa amin para mag-thank you at natatawa pa sa text.

Isang Audi Q3 na SUV ang partikular na sasakyan na karagdagan sa napakahaba nang listahan ng endorsements ngayon ng It’s Showtime host.

Pero sa kabila ng lahat ng ito, Anne remains humble, very accommodating at approachable.

Pero ang tanong, bukod kaya sa talent fee na datung, binigyan din kaya si Anne ng isang unit nito bilang parte ng kabayaran? Malamang! Haha!

 

MULA SA kanyang engrandeng bakasyon sa Amerika at Europa with his BFF Lito Aljandria of Zirkoh Comedy Bar, balik-radyo sa DZMM at sa pagpo-produce ng special show ang napakabait na tao at ever-generous na si Mama Jobert Sucaldito.

Kaya pakisuportahan po natin bukas (Nov. 26, 2013) ng gabi ang ’18MPH’, the 18th birthday concert of his baby, as in alagang talent, Michael Pangilinan, na napaka-talented at guwapo, at Zirkoh Tomas Morato in Quezon City, with his special guests: Gladys Guevarra, Luke Mejares, Jimmy Bondoc, Duncan Ramos, Miss Tres, Prima Diva Billy, Willy Jones, AJ Tamisa, Chazz, and Star Award winner, Carlo Aquino.

Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

13 thoughts on “KC Concepcion, naiyak nang sabihang magpapayat?!

  1. hay naku ang mga inggitera kay KC nag kalat nanaman.. kaya ang mga aura nyo nag d dime kasi mga negative kayo…nakakamalas ang ugaling ganyan…

  2. well nakakaiyak din kasi or lalo na ang status ng career nya – acting or non acting – all FLOP! Like the last time kasama na nga nya si Judy Ann, flopsina pa rin… And even theres a bit inch of talent in her, its just all too generic, hay naku her only saving grace to be in the biz is just becoz shes the daugther of Sharon.

  3. ako rin napapa-iyak everytime kc desperately showing off herself in lesser clothings just to be tagged as sexy – sus… her muscles were almost/always bulging!!!

  4. Ang mga atsay nga naman kung makapagsalita wagas.Naku naku naku kung sino pa yong pangngit yon pa ang umaastang maganda bwahahahahahhaha.

    • I think yan talaga ang built ng katawan nila kasi tingnan mo si Mommy Elaine Cuneta, yong kapatid nya na si Helen Gamboa, at si Sharon, mga mataba talaga sila at yong built din ni KC pang maskulado rin, hindi naman mataba si KC, maskulado lang tingnan, kaya hindi siguro sa lechon lahat yon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.