KC Concepcion, nagrerebelde sa inang si Sharon Cuneta?

KC-ConcepcionPAGRE-REBELDE RAW ang ginagawa ni KC Concepcion sa kanyang ina na si Megastar Sharon Cuneta, dahil sa halos talop na talop na ang young actress sa mga pinagagawa niyang pictorials.

Ang alam ko, very liberated ang pananaw ni KC na maging ang relasyon nilang mag-ina ay hindi tradisyonal, na kung minsan, mami-misinterpret ng iba ang pagiging masyadong makabago ni KC sa ipokritong lipunang Pilipino.

Sa kanyang Facebook account recently, nag-emote si Shawi tungkol sa ma sexy pictorials ng anak.

May nag-react kasi sa Facebook tungkol sa suot ni KC sa show ng G-Force na ginanap sa SM Mall of Asia Arena last week, kung saan isa ang dalaga sa mga invited celebrities to perform.

Depensa ni Shawie at reaksyon na rin sa nag-post ng kanyang opinyon tungkol sa suot ni KC, “I really honestly would rather not say anything. But I also really honestly would have to say I do not like that she has done this and other unnecessary too-sexy poses.”

Dugtong pa ni Mega sa kanyang FB account, “Sorry pero nanay ako… may mga bagay na ‘di naman na kailangan gawin. “Madaming beses na din kasi akong nagulat.

“Well, she’s an adult and unfortunately, all we parents can do is give our advice, di magkulang sa paalala… Sana lang din tama na yung poses na ganyan. Nasasaktan na ako,” sabi ng Megastar.

Pero sa ganang akin, oks naman ang mga sexy pictorials ni KC. Una na’t seksi ang pangangatawan niya na bunga lang ng puspusan niyang pag-e-exercise at pagda-diet (kahit busy siya, she takes time to do her work out) at hindi dumaan sa “salamat dok” na sa dinami-rami na mga celebrities natin na puro pasasalamat kay Dra. Vicki Belo ang dahilan.

Kung sa bagay, hindi natin masisisi si Shawie bilang isang nanay and at the same time, iba na nga talaga ang panahon.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleAngelica Panganiban, misteryoso ang post sa ‘basag na salamin’
Next articlePinoy Parazzi Vol 8 Issue 68 June 1- 2, 2015

No posts to display