KC Concepcion, nagpalit na ng relihiyon?

MARAMI ang nagtaka matapos makita ang post ng aktres na si KC Concepcion habang nagpapatulong magsuot ng “hijab”, o ang parang belo na ginagamit ng kababaihang Muslim na pantakip sa buhok nila, ngunit giit ng aktres, hindi naman siya magpapalit ng relihiyon.

KC Concepcion wearing hijab (courtesy of Instagram: itskcconcepcion)

Kamakailan lang, nag-post sa kanyang Instagram account si KC tungkol sa dahilan kung bakit siya nagpaturong maglagay ng hijab. 

Aniya, nais niyang magsuot nito sa tuwing pupunta siya sa Mindanao, kung saan maraming kababayan nating Muslim ang naninirahan, para sa kanyang mga mission trip bilang ambassadress ng United Nations World Food Programme sa Pilipinas.

Ani KC, “Macmac helps me arrange my hijab. I wil­lingly wear this on every mission trip in ­Mindanao with World Food Programme Philippines.”

Dugtong pa ni KC,ang pagsusuot ng hijab ay pagpapakita rin ng respeto sa mga kapatid na Muslim.

“As a sign of respect for the Muslim community here. #FilipinoLove #InterFaithSolidarity Maguinda­nao Philippines #KCescapadesWFP.”

 

Kikay at Mikay, may 5-year contract sa Viva Artists Agency

 

VERY talented naman sina Kikay at Mikay at sobra kaming naaliw sa dalawang talented na bata ito magaling kasi sila sa sayawan, pagkanta, at pag-arte. Kaya naman Viva contract artists na ang mga bibang batang ito, binigyan sila rito ng five year contract.

Kikay at Mikay

Si Kikay ay seven years old, samantalang si Mikay ay ten years old naman. Kahit nasa showbiz na sila, kapwa hindi pinababayaan ng dalawa ang kanilang studies.

As early as three years old pa lang si Kikay at five years old pa lang si Mikay ay hilig na nila ang kumanta at umarte. Pero kahit magagaling na sa pagkanta, nalaman namin sa mother ni Kikay na si Mommy Diana Jang na nagbo-voice at piano lessons pala ang dalawa. 

Magiging bahagi naman sina Kikay at Mikay sa show na “Killing Me Softly, With Your Love” na magaganap sa March 21, 8 p.m. sa Historia Bar sa Sgt. Esguerra St., Q.C (near GMA 7, side of Caltex gasoline station near Timog Avenue).

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.