Goodbye na sa The Buzz KC Concepcion, magho-host ng The X-Factor Philippines

KC CONCEPCION said goodbye to The Buzz last January 8. It was a bittersweet farewell for me, Charlene (Gonzales), and Toni (Gonzaga) dahil matagal naming nakasama si KC sa programa. Pero hindi naman ito nangangahulugan na dahil nagpaalam na si KC sa The Buzz ay magtatapos na rin ang aming pagkakaibigan. As I would always say, “We run in circles. We don’t say goodbye. We just say, see you again.”

We’re happy for her because she will host a new show The X-Factor Philippines which is the local franchise of the British television talent show The X-Factor.

Sinabi ni KC, “Siyempre itong The Buzz lagi siyang magiging home sa akin… This is really where I learned. Dito iyong show talaga na parang dito ako tinuruan, dito ako natuto, dito ako nagka-experience. Two years can be both a short and a long time to be doing something regularly every Sunday.”

Dagdag pa niya, “Na-experience ko rin makatrabaho si Tita Kris (Aquino) and at the same time, may mga changes. So noong dumating sina Toni, dumating sina Charlene, isang pagbabago na naman iyon and lahat iyon naging parte ng experience ko dito sa The Buzz. Lahat iyon dadalahin ko anywhere.”

Nagpasalamat din si KC sa kanyang mga fans na walang sawang sumusuporta sa kanya. “Mayroon akong panibagong nakita sa mga supporters at sa mga viewers ng buhay ko na talagang ngayon ko lang nararamdaman na talagang mahal ninyo pala ako, na talagang nandiyan pa rin pala kayo. Kahit na anong project na i-try ko dito, nandiyan kayo, willing kayong panoorin, willing kayong i-accept.”

Excited daw siya sa kung anong mangyayari sa kanya ngayong 2012. “Okay ako. I’m very excited for 2012. I’m really excited for the new me. Sa lahat ng napagdaanan natin merong bagong me, bagong chapter na talagang tineturn-over at lahat naniniwala ako talaga may dahilan,” she said.

I also thanked KC on behalf of The Buzz’s staff dahil sa pagiging bahagi niya ng aming buhay. Sabi ko nga we’re not saying goodbye dahil whether she likes it or not, bahagi kami ng kanyang paglalakbay.

Kaibigan, usap tayo muli!

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

6 thoughts on “Goodbye na sa The Buzz KC Concepcion, magho-host ng The X-Factor Philippines

  1. DAPAT DYAN SA X-FACTOR YUNG MGA MAGAGALING KUMANTA KATULAD NI SARAH (PIYOK QUEEN), ANN CURTIS (MAS PIYOK QUEEN), JOVIT (THE SINGER WITH NO DIRECTION)………HAHAHAHAHAHA………….SI PIOLO DAPAT ANG HOST KUNG ANG TITLE AY X-MEN FACTOR…………..MGA DATING MEN………..BWAHAHAHAHAHAHAHA

  2. For KC concepcion,
    Mga tambay lang kami sawa sa lalakiMay mga lalaking manlolokoPineperahan lang kamiKaya ngayon bakla na lang ang aming iibiginMasarap magmahal ang baklaOhh kay sarap… damhin
                      Dagtang lason – Nagmahal ako ng bakla

  3. si boy abunda balahura…. ipinangangalandakan pa sa tv na nagsisimba sya kasama ang kanyang live-in partner na kapwa nya bading…. isa kang malaking pwee…. dinadala mo pa ang iyong kabalahuraan sa loon ng simbahan…. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.