KC Concepcion, maganda maski walang make-up – Cristy Fermin

EWAN, PERO ALIW na aliw kaming manood ng Lovers in Paris, masama ang loob namin kapag napapalampas namin ang pagkakataong tutukan ang seryeng pinagbibidahan nina Piolo Pascual at KC Concepcion kasama si Zanjoe Marudo.

Siguro’y dahil kinaaliwan namin ang orihinal na bersiyon nito, pero mas gusto naming isipin na kasi nga ay nabibigyan ‘yun ng hustisya nina Piolo at KC, lalo na sa mga eksenang nagkukunwari silang walang gusto sa isa’t isa pero tahimik namang sumisigaw ang kanilang mga puso.

Gandang-ganda kami sa dalaga ni Sharon Cuneta sa mga eksenang walang-wala siyang kulapol ng make-up, napakaganda ng dalagang ito at meron siyang karismang kanyang-kanya lang.

Hindi na namin kailangan pang purihin ang kakisigan ni Piolo, napakagasgas nang tugtugin nu’n, ang bago ay kapag sinabi naming hindi guwapo ang pinakasikat pa ring aktor ng kanyang panahon.

[ad#post-ad-box]

May mga propesyonal din kaming kaibigan ngayon na buwisit na buwisit sa traffic, hinahabol din kasi nila ang Lovers in Paris, saka ang Dahil May Isang Ikaw nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa.

“Gandang-ganda kasi ako kay KC, kung naglilihi lang ako ngayon, ikukundisyon ko talaga ang utak ko na siya ang maging kamukha ng magiging anak ko!

“Saka alam mong mabait siya, alam mong sincere siya, gustung-gusto ko ang batang ‘yun!” tuwang-tuwa pang sabi ng aming kaibigan.

NAUUNAWAAN NAMIN ANG damdamin ng mga kapwa natin Pilipinong naninirahan ngayon sa Amerika. May resesyon ngayon sa kanila, bagsak ang kanilang ekonomiya, pero lalo pang nadagdagan ang kanilang kalungkutan nang mapanood nila sa telebisyon ang pananalanta ng magkasunod na bagyo dito sa ating bayan.

Sa CNN ay kahilera natin sa headline ang Indonesia na niyanig ng lindol, ang India na sinalanta rin ng baha, paulit-ulit na ipinakikita sa pandaigdigang network ang matinding kahirapang inaabot ng marami nating kababayan dahil sa bagyo at baha.

Sabi ng pamangkin naming si Rene de Leon na nagtatrabaho sa Stanford Hospital bilang nurse, kahit sa pagkikita-kita nilang magkakababayan sa duty ay ang kalunos-lunos na resulta ng kalamidad ang kanilang pinag-uusapan, laganap ang lungkot ng mga kababayan natin sa lahat ng panig ng mundo.

Napapanood din nila sa TFC ang pamamahagi ng relief goods ng mga artista ng ABS-CBN, natutuwa sila sa pakikipagbayanihan ng mga artista, talagang nagbibigay sila ng oras para sa pagtulong sa mga kababayan nating sinalanta ng bagyo at baha.

Sa ilang website daw na tinututukan nila ay marami silang nababasang patutsada sa mga artistang tumutulong, pakitang-tao lang daw ang kanilang ginagawa, ikinalulungkot din ng mga kababayan natin ang ganu’ng paghusga.

Sabi nga ng aming pamangking si Rene (maligayang bati sa inyo ni Roma sa pagdating ni Zian sa inyong buhay, mga anak!), anuman ang totoong dahilan ng pag-iikot ng mga artista, pakitang-tao man ‘yun o sinsero ay ang resulta na lang ng aksiyon ang ating pahalagahan.

Sabihin na nating pakitang-tao lang ‘yun, sa kanilang pagpapakitang-tao ay ilang sikmura ang nalalamnan. Sabihin na nating gusto lang nilang umeksena, sa kanilang pag-eksena ay ilang buhay ang nasasagip sa pagkagutom at pagkakasakit.

Sabihin na nating pagpapalapad lang ‘yun ng papel para sa personal nilang interes, sa ginagawa nilang pagpapalapad ng papel ay maraming kababayan nating pinapanawan na ng pag-asa ang nabibigyan ng lakas ng loob.

Sabihin na nating maaarte ang ibang artistang nagkakawanggawa, sa kanilang pag-iinarte ay maraming kababayan nating lugmok sa problema ngayon ang nalilibang-naaaliw sa kanilang kaartehan.

Ito ang panahon kung saan kailangan nating itapon ang mga katwiran at dahilan dahil ang pinakamahalaga ay ang positibong resulta ng kanilang mga ginagawa—pakitang-tao man ‘yun o mula talaga sa kanilang puso.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

30 thoughts on “KC Concepcion, maganda maski walang make-up – Cristy Fermin

  1. amoy pasko na kay cristy fermin! namamasko na ang babaing ito, kc, sharon, wag nyo kaya syang papaskuhan, tingnan natin kung isulat pa nya at purihin si kc.

  2. fyi, hindi kagandahan si KC ano ba kayo, may pagka masculine ang beauty nya, at ang korte ng face nya, korteng sayote. wala syang karisma gaya ng nanay nya.

    • bkit nkita mo na ba sa personal si KC at nssabi mo n hindi sya maganda?syo kaya ano kya korte ng face m?korteng patola?kung wlang karisma si sharon bkit tumagal ng 30 yrs at hanggang ngyn super sikat pa rin…pwede ba pagwla kang magandang e-comment wag ka ng magcomment…nagsasayang ka lang ng oras,kuryente,pinapagod mo lang daliri mo sa kata-type at utak mo sa kkaisip ng wlang kwenta…peace../.

  3. well para ngang maganda ang LiP sana wala yung mga amnesia or double personality na ginagawa ng GMA. tulad ng Marimar na naging Bella, Rosalinda na naging Paloma at yung stairway to heaven na Jodi magiging Jena he he at sana gawin naman na nilang makatotohanan at ilapat na nila ang storya sa year 2009 dahil renni revised din lang nila ang istorya.

  4. Talagang maganda si KC kahit walang make up hindi katulad mo, sandamukal na iyang make up mo sa mukha mo, mukha ka pa ring demonyita at taga halik ng pwet ni willieyabang. haahahahahaha!

  5. maganda talaga si KC.. ang mga tunay na maganda di kailangan ng makapal na make-up..
    hindi tulad ng isang artista na amazonang nagbuhat ng sakong bigas hindi nakilala ng mga tao sa lugar na pinuntahan nya dahil walang make-up. diba angel laosin?

    • hindi maganda si kc, pogi. mukhang lalake, ala gabby concepcion. parang oa siya sa lovers in paris. hirap na hirap magsalita. ito ang pinakamahinang teleserye ng dos, daig pa ng kay erich kasi tunay na talent. di tulad ni kc na sumawsaw lang kay nega-star.

  6. Kc is really one of the most beautiful pinays. I just want to send a message to TIAGO. It’s really obvious na hindi ka nakapag aral o wala kang pinag aralan, mainly because of the wrods that came out of your dirty mouth, also, you have no fear of GOD. You can make comments without cursing, or bad mouthing. Besides, the writer wasn’t referring to herself when she said that if she’s conceiving , she wanted KC to be the look alike of her unborn child, talagang hindi ka nga nag aral. Sabi nga sa Bible, hindi ang kinakain mo ang makapag papasama sa iyo, kundi kung ano ang nasa puso mo, o ang lumalabas sa bibig mo. Huwag ka ng magbasa ng column ng writer na ito kung ayaw mo siya, baka you end up in the hospital due to heart attack, kasi puro galit sa puso mo. Keep your cool

  7. Korek talaga I love so much LIP & DMII ang ganda ni Lorna bagay silang mag-asawa ni John maytandem talaga silang dalawa. c Tin2x ang ganda talaga nag-iisang dyosa ng Philipine Telivision. walang panama yung katapat nila….

    Dahil May Isang Ikaw no.1 sa manila & TNS………
    Kristine & Echo
    Lorna & John E.
    Gabby & Chin2x

    ROCKS!!!!!!!!!!!!!!!!!

    Story palang la na sila sobrang ganda…………..\\We hope more case para maparangalna sila ng DOJ……..

  8. FOr others who insist na dapat si TOni GOnzaga ang gumanap simple lang ang dahilan, Toni’s beauty is simple and plain Pinay while production of LIP has to exert effort to make KC look plain and simple but yet even without make-up standout ang beauty niya. No offence to TOni’s fans but that is the remote reason behind your preference. Another thing is we know that KC is soyal, has breeding, elite while with the Korean actress since we really don’t know her off cam wala tayong idea of her real personality kaya may biases kayo kay KC.

    But KC was able to justify the role, natural lang na maging maganda siya kasi iyong appeal niya ang initial na nagustuhan ng 2 characters na lalaki.

    Sa mga detractors na obvious naman nagpost lang of negative comments for reason na siraan si KC for someone else, ay naku! mamatay kayo a inggit.

  9. ang oa talaga ni kc umarte hindi bagay sa kanya ang kanyang role mas bagay dun c anne curtis or toni g. at yung facial expressions ni kc hindi talaga bagay sa kanya.. sayang c piolo at medyo na demote ang kanyang role dapat sa kanya yung heavy drama..

    • hahaha..sobra ka naman. ang OA mo rin kaya. OA kang maka react teng!
      cge na nga OA na si KC,gusto mo si anne ang pumapel? paano kaya ipo portray ni Anne yung scene na nagda dialogue si KC ng mga eksena ng pelikula sa harap ni Piolo, eh ambagal ni Anne magsalita..haha
      don’t get me wrong, labs ko si Anne pero labs ko rin c KC.

      • hellloooooooo. kung si kc na man lang din kumpara kay anne no point of comparison. acting pa lang talbog na si kc na walang kalatoylatoy ang acting. kaya wag mong ipagyabang ang idol mo. pwede mong iuplift ang idol mo para sumaya ka but not at the detriment of another. kasi kung mapulaan ang idol mo ayaw mo din di ba?

    • kung sa tingin mas bagay kay anne ang role bkit di mo sabihin sa management ng abs-cbn?pra mababa n nman ang ratings?just like the wedding?pwede ba manahimik ka na lng…bkit marunong ba magfrench si anne?sino tuturo kay anne mag-french si kc…pwede ba bago kayo magcomment ng nega kay kc pag isipan nyo muna ng mabuti….

  10. Ang Lovers in Paris ang Koreanovela na masasabi kong pinakamaganda sa lahat ng pinalabas sa Pilipinas pero sa Philippine version ay hindi nito na justify.

    Ni hindi nakakakilig at sana hindi nila binago yung istorya. Dapat si Toni Gonzaga ang gumanap kay Vivian at hindi si KC.

    Nakaka-dissapoint talaga. They did not give justice to one of the best Koreanovela ever sa Pinas.

    Bat ung MY GIRL nila Kim at Gerald ang ganda at talagang tinangkilik ng taong bayan.

  11. Ang Lovers in Paris ang Koreanovela na masasabi kong pinakamaganda sa lahat ng pinalabas sa Pilipinas pero sa Philippine version ay hindi nito na justify.

    Ni hindi nakakakilig at sana hindi nila binago yung istorya. Dapat si Toni Gonzaga ang gumanap kay Vivian at hindi si KC.

    Nakaka-dissapoint talaga. They did not give justice to one of the best Koreanovela ever sa Pinas.

    • kung ayaw mo sa pinoy version,bkit ka nanonood?pwede ba kung wla kang magawa sa buhay mo tumulong ka lng sa nasalanta ng bagyo may magppsalamat p syo.khit ano pa gwin mo si kc na si vivian at hndi si toni….

    • asus. mas marunong ka pa sa direktor, producer, abs cbn, etc..nakikipanod ka na nga lang nagrereklamo ka pa…hehe
      C Toni ba kamo? kaya maraming nanonood dahil maraming natutulala sa kagandahan ni KC kahit walang make-up, ibig sabihin, tataas ang ratings ng ABS. o, may problema pa?
      at saka pasalamat nga lahat si KC ang kinuha dahil parang kusina nya lang ang Paris at fluent pa sa language, eh di malakas ang loob ng staff. isipin mo mahal sa Paris ha, ni hindi nga nag allowed ng PA dahil extra gastusin.
      kung kinausap mo ba ang ABS na ikaw ang magpo produce, eh di sana nasunod ang gusto mo na si Toni ang bida.lol

  12. agree with you ms.cristy. nakakatuwang panoorin ang lip. kht hnd exactly magkapareho ang kaarte nung original na vivian tsaka ngaun, carry p rn nmn ang portrayal ni kc as vivian bumagay prn. madami ngang resemblance si kc sa nanay nya pro hnd nmn masasabing copycat. pero pansin ko lng, hindi png-heavy drama si kc mas ok xa sa light comedy romance. :) ganda nga ng mukha kht la make-up, me karisma dn. png-masa na. :)

  13. kung gnito ba nman sinusulat mo cristy at hnd pninira mbbwasan ang haters mo, prang c sharon din ang dating ni kc on cam matabang tingnan same acting nung teenager plang nanay nya buti nlang nddala ni piolo galing nya bilang carlo.. oh cristy sna me npulot ka dun sa sinabi ng tga tfc wag bigyan ng malisya ang pagtulong ng mga artista, diba binigyan mo ng kulay ang pagtulong ni angel.

  14. I don’t think KC gave justice to the Vivian role. Hindi bagay sa kanya ang role ni Vivian. Si Vivian, medyo fragile. Si KC. medyo malakas ang tikas. Pang lalake.

  15. ano? kung naglilihi ka para maging kamukha ng anak mo si kc concepcion? nahihibang ka na ba? ang katulad mong pangit ang anak ay magiging pangit din. walang sasanto sa yo oy lasing lang siguro at tatakpan yang putang inang mukha mo. aswang

    • psttt…huwag msyadong nagpapahalata..ansangsang ng amoy ng pagkatao mo amoy apdo!
      mapait ka ano? masama sa katawan yan. yung kasamaan pa naman nagre-reflect sa panlabas na anyo..wala lang advice..hmm..oo nga agree naman ako sayo, athletic yung features nya pero atleast mas maganda sya sayo kaya hayaan mo na!

  16. Himala! Positive ang sulat ngayon ni Crity Fermin. Naku…dapat lang at MAGPA PASKO NA!!!

    Uy..nag iipon at nagbibilang na siya ng matatanggap na regalo. Pag walang natanggap..kawawa ang mga hindi nag abot..at nariyan ang mabilsi na pagtipa ng mga daliri ni Cristy Fermin.

Leave a Reply

Your email address will not be published.