KC Concepcion, ligtas sa Serendra explosion!

MARAMI ANG nagulat sa pagsabog sa Serendra 2 sa Taguig City last Friday, lalo na roon sa mga taong may kakilalang nakatira sa mga unit ng condo roon.

Tulad ng sikat na actress na si KC Concepcion na marami ang nagsabi na may isang unit ng condo raw roon.

Nawala lang ang pangamba ng nagmamahal kay KC nang mag-tweet na malayo ang unit niya sa pinangyarihan ng pagsabog, kaya walang masamang nangyari sa kanya at nasa mabuting kalagayan.

“The unit was far from mine, in a whole different part of the compound. Thanks for the concern everyone. Prayer for those affected,” say ni KC sa Twitter.

Sa isang hotel nag-check in si KC nu’ng gabing maganap ang explosion sa Serendra para siguruhing ligtas habang naghihintay ng magiging resulta ng imbestigasyon.

 

KAPAG NAPAG-UUSAPAN ang anak na dalaga ni Wally Bayola ay napapaiyak ang sikat na komedyante dahil may sakit na tumor pala ito.

Kapag nasa harap ng camera si Wally, iiisipin mong wala itong dinadalang malaking problema sa pamilya. Pero ang totoo ay nagdurugo ang puso nito kapag sumasagi sa isip ang sakit ng kanyang 17 years old na dalaga.

HIling ni Wally sa mga taong nagmamahal at nakakaunawa sa kalagayan ng kanyang anak ng dasal. Naniniwala si Wally na malaking tulong ang magagawa ng dasal para gumaling ang sakit ng kanyang anak.

 

SA MGA tsikiting kasama sa cast ng Mga Basang Sisiw, nakatawag ng pansin sa press ang bagets na si Bianca Umali dahil maaga itong naulila sa mga magulang.

Si Bianca ang pangalawa sa mga anak na naiwan ng kanilang ina na ginagampanan ni Lani Mercado sa serye.

Halos ganoon din kasi ang naganap sa tunay na buhay ng bagets na sa edad na lima, namatay ang kanyang ina dahil sa breast cancer. At sa pagtuntong ni Bianca ng 10 years old, namatay ang kanyang ama sa sakit sa puso. Naiwan siya sa piling ng kanyang lola.

“Nagsisilbing inspirasyon po ang aking mga magulang. Kapag may malulungkot na eksena ay iniisip ko ang malulungkot na bahagi ng buhay nang sila po ay namatay. Pero kapag masaya ang eksena ay iniisip ko ang masasayang karanasan namin sa aming bahay,” say ng bagets.

Nakakasama pa rin niya ang kanyang lola kapag may shooting or taping. Pero ngayon, 76 years old na ito ay mga PA na lang ang kanyang kasama sa mga lakaran at taping.

Dalangin ni Bianca na makamit din niya ang tagumpay sa pag-aartista para maipagmalaki siya ng kanyang namayapang magulang.

 

TIKOM PA rin ang bibig ng mag-asawang Claudne Barretto at Raymart Santiago sa bagong pagsubok na pinagdaraanan nila ngayon.

Sariwa pa rin kasi ang away ng magkapatid na Claudine at Gretchen, ‘eto at panibagong dagok naman ang hinaharap ng mag-asawa – ang pagnanakaw ng mga alahas ni Claudine na nagkakahalaga raw ng P 8 million.

Ang personal assistant (PA) daw diumano ni Claudine ang suspect sa nakawan na nangyari daw sa mismong bahay nila sa Marikina City.

Nakakulong na raw ang suspect pero ayaw nang magbigay ng kanilang pahayag ang mag-asawa sa panibagong pagsubok na naman sa kanilang buhay.

Si Raymart, kahit na anong pilit ng mga close friend na reporter ay tahimik at ayaw nang pag-usapan ang nangyari sa kanyang pamilya.

Si Claudine ay ganoon din na tahimik lang, at dalangin na darating din ang araw na mawawala lahat ng kanilang pinagdaraanang pagsubok sa buhay.

 Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

6 thoughts on “KC Concepcion, ligtas sa Serendra explosion!

  1. mga sincha, da who at starlet na naman ang mga basang sisiw na yan haha! dyusko, kelan kaya magigising ang gma-7? baka after 5 years, tahanan na ng mga extra at starlet ang kapupo station hahahahaha!

  2. Ayala should compensate the victims of this tragedy.

    A condo unit from serendra and education plan for the children of the victims is a just compensation.

  3. ACTUALLY, MAS NAKAKAAWA YUNG MGA SAKAY NUNG DELIVERY TRUCK NA NAPADAAN LANG SA TAPAT NG CONDO. SA KANILA BUMAGSAK YUNG MALALAKING TIPAK NG SEMENTO KAYA PATAY SILANG LAHAT. WHAT A FREAK ACCIDENT.

Leave a Reply

Your email address will not be published.