KC Concepcion knows her limitations with boyfriend Piolo Pascual

POSITIBO TALAGA ANG mga sumunod na pangyayari pagkatapos ng naging pag-amin nina Piolo Pascual at KC Concepcion tungkol sa kanilang relasyon. Pareho silang natahimik tungkol sa kung anu-anong tsismis.

Nawala na  ‘yung  image ni KC tungkol sa kanyang pagiging misteryosa pagdating sa pakikipagrelasyon, na hindi malaman kung sino talaga ang tunay niyang boyfriend,  dahil  mara-ming lalaki dati ang iniuugnay sa kanya. Natameme naman ang mga kumukuwestiyon sa gender ni Piolo ngayong alam nilang mayroon na ngang karelasyon ang guwapong aktor.

Ipinagmamalaki nina Piolo at KC na masaya sila sa kanilang relasyon ngayon. Nagugulat silang dalawa, dahil ilang ulit nang mayroong sumisingit na tsismis, na diumano’y nagkakalabuan na sila. Pero magkasabay rin silang nagpatotoo na sila pa ring dalawa, at sobrang okey ang  kanilang relasyon. Hindi pa man nila pinaplano ang tungkol sa kanilang pagpapakasal, kung si Piolo ang masusunod ay garden wedding ang gusto niya.

Nasa ayos talaga ang relasyon nina Piolo at KC. Kamakailan ay nag-bonding sa Boracay ang mag-amang Papa P. at ang bagets niyang anak na si Iñigo. Hinahanap kung bakit hindi raw kasama si KC? Ano ba naman kayo? Delicadeza ang tawag doon. Iyon ang importanteng oras na magkakasama ang mag-ama, at hindi si KC ang ina ni Iñigo para silang tatlo ay magkasama-sama. Alam ni KC ang ganyang limitasyon, kaya kapuri-puri naman siya sa ginawa niya.

 

MABAIT NAMANG TAO si Ethel Booba, kaya marami ang nagwi-wish na magkaroon na rin siya ng katahimikan ngayong mayroon na naman siyang guwapong boyfriend na isang foreigner. Ang nakakatakot kasi sa ugali ng seksing komedyana, ay hindi na siya nagtitira ng para sa kanyang sarili kapag nai-in love siya. Kaya naman ang resulta ay nagiging maeskandalo ang kanyang mga pakikipagrelasyon kapag nauwi na iyon sa hiwalayan, lalo na kapag nabuking niyang bukod sa kanya ay mayroon pa palang ibang babaeng kinakalantari ang kanyang boyfriend.

Kapag umayaw na si Ethel sa isang relasyon, nakakalimutan na niya kung ano ang kanyang mga naipundar. Katulad na lamang nu’ng magkahiwalay sila ng dati niyang boyfriend na si Alex Crisano. Nag-live in sila nang matagal, at maraming naipundar na mga gamit si Ethel, dahil napakasipag niyang magtrabaho kapag may raket. Nu’ng iwan ni Ethel si Alex ay naka-limutan niyang balikan at kunin ang mga gamit niyang naipundar. Ang katuwiran ni Ethel, makakabili pa raw ulit siya ng mga nawala. Hindi matiyak ng komedyana kung inangkin na ni Alex o ibinenta na ang mga naiwan niyang gamit.

Dapat bigyan na ni Ethel ng magandang direksiyon ang kanyang lovelife. Hindi na siya bumabata. Napakaguwapo ngayon ng kanyang boyfriend, kaya sana rin ay makuntento na siya at matagpuan na niya kung ano ba ‘yung hinahanap niya sa isang lalakI.

 

PERSONAL: HAPPY BIRTHDAY kay Tita Cristy Fermin. Bilang Kapatid sa panulat ay love namin si Tita Cristy, dahil mapagmahal din naman siya sa kapwa manunulat sa showbiz. Hindi kami ‘yung tipong nagkakasama, pero love ko si Tita kung paanong love ko rin sina Manay Lolit Solis at Tito Alfie Lorenzo, dahil nakakaaliw silang tatlo kapag bumabangka na  silang magkuwento ng tungkol sa showbiz. Mangangawit ang panga mo sa katatawa sa nakakabaliw , makatuturan at mahahaba nilang tsika.

Sinasaluduhan ko si Tita Cristy bilang isang anak, dahil sa kabutihan ng kanyang puso. Na sa nalalabing panahon ng kanyang ama’t ina sa mundo, lalo na nu’ng nakaratay sila sa kanilang mga karamdaman hanggang sa bawian na sila ng buhay, ay hindi sila pinabayaan ng kolumnista at TV host. Naranasan ko rin iyon, at mabigat sa dibdib, malungkot ang bawat araw na dumadalangin ka sa Diyos na sana’y huwag agad kunin sa ‘yo ang mga magulang mo, dahil mahal na mahal mo sila.

Labyu, ‘Tacristy!

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

10 thoughts on “KC Concepcion knows her limitations with boyfriend Piolo Pascual

  1. love love kc & piolo!
    may god bless them with all d happiness & graces they deserve for they too are giving happiness to those who luv & care for them & that they will end up together forever :D

  2. sus, kung makhusga si englandrose, bobo naman..baka ikaw me sex video at galit ka lang kay papa p kasi gusto xa ng lahat…okkkkkkkkkkkk…bogo man ka ui………..igat pajud……………

  3. Si KC din naman daw me sex video with Rico Blanco. Besides she is not the virginal type, hinde na uso yang virgin sa showbiz. Ok nga makatikim sya ng gaysex hehehe.

  4. sira ka pala critic…walang isip..hahaha..puro ka paniwala sa tsismis…hay naku, mg born again ka para mapunta ka sa langit dindi ung si papa p ang pinapansin mo….supppper inggit ka nhu kasi complte na xa, mayaman, sikat at maganda pa nag gf………….baka ikaw ung nasa videooooooo…hahaha,..tama ikaw nga……………….bastos ka pahhhhhhhhhh…

  5. SANA TOTOO NA TO KASI ,MUKHANG ANG PATUTUNGUHAN NITO EH YONG STORYA DIN NI BB GANDANG HARI AT CARMINA,DI BALE NAKATIKIM KA NAMAN KC NG DYUG NG BADING,MINSAN KA LANG MAGKAMALI SA BUHAY.PKISEARCH MO NGA YONG VIDEO NI PAPA P NA NAKIKIPAGSEX SA LALAKI,ANG LIWANGA AT SYANG SYA ,MAY NUNAL PA ,ASK MO SI SWARDING NASA COLUMN NYA YEARS AGO,ANG HIRAP KAY PAPA P ,HIRAP NA HIRAP NA AYAW PANG UMAMIN,BAKA TAMAAN KA NG KIDLAT DYAN .NAKITA MO BA REAKSYON NYA SA PAQUIAO FIGHT,YON ANG NATURAL NA PIOLO,MALAMYANG BADING!

  6. TOTOO LANG ANG SINABI NI MELCHOR. KAYONG HINDI NAKAKAILALA KAY CRISTY FERMIN, WALA KAYOBNG KARAPATANG MANGHUSGA NG KAPUWA TAO… YUN LANG ANG  MASASABI KO…

  7. mukhang sipsip ka kay fermin. maganda ang sinabi mo tungkol sa kaniya, pero sa totoo lang maraming tao ang inis sa kaniya dahil sa kanyang unprofessionalism bilang manunulat at talk show host, walang modo sa kapwa tao at bastos magsalita sa mga artistang hindi niya type. sipsip naman sa mga artistang may pakinabang.

Leave a Reply

Your email address will not be published.