KC Concepcion kay Shawie: Best actress na rin ako, Ma!

KC-ConcepcionKAHIT HINDI nakarating si KC Concepcion sa katatapos na 30th PMPC Star Award for Movies para personal na tanggapin ang kanyang best actress award for Shoot To Kill: Boy Golden ay ipinarating naman niya sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ang pasasalamat at kasiyahan sa kanyang pagkakapanalo.

Ito ang unang best actress award ni KC at sa kanyang photo caption sa Instagram ay inialay niya ang karangalan sa kanyang pinakamamahal na ina na si Sharon Cuneta.

“This Best Actress award is dedicated to my mother & to All my fans who never left my side, who truly believe in me & continue to inspire me. Can’t wait to hold you, baby…” ang caption ni KC sa picture ng kanyang trophy.

Ipinakita rin niya ang text message ng ina sa kanya na binabati siya for winning the award. Nakasaad sa message: “Congrats, Tina! You really deserve it. Am proud of your achievements especially this one. I love and miss you.”

Sagot naman ni KC sa text message na pagbati sa kanya ni Shawie: “Ayyyy THIS means the world to me! Grabe dati bitbit lang Nya ako lagi sa shooting. Every success feels complete when it makes my momma proud. Wowww… A text from my mother whose passion, talent & legacy  I admire greatly. My mother whom I love deeply & unconditionally. Thank you, Ma. Best Actress na din ako, hehee, thank you for exposing me to the world of movie making. This is for you. Work hard, dream big!!”

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

2 thoughts on “KC Concepcion kay Shawie: Best actress na rin ako, Ma!

Leave a Reply

Your email address will not be published.