KC Concepcion, inilihim kay Gabby Concepcion ang sexy calendar

HINDI PALA sinabi ni KC Concepcion sa amang si Gabby Concepcion ang ginawa niyang pagpo-pose ng sexy sa isang calendar.

Wala raw siyang pangamba sa inang si Megastar Sharon Cuneta dahil full support ang ibinigay sa kanya at sa stepfather niya na si Senator Kiko Pangilinan.

“I wasn’t  able to talk to my papa (Gabby). But I know in my heart  that he will be happy and he’s always supporting me with my career.

“Si Daddy (Sen. Kiko) naman, walang problema  sa kanya. He’s very supportive as well,” sabi ni KC.

Hindi rin nangangamba si KC sa mga batikos ng ibang tao na dahil endorser siya ng isang liquor brand. May nagsasabi kasi na hindi na niya kailangang magpa-sexy para lang maging endorser.

“I’ve been an endorser for eleven years now. I know kung ano ang makatutulong at hindi makatutulong sa akin. Viva Artist Agency is part of this decision-making and I am proud of doing this,” katuwiran ni KC.

Sabi pa ng dalaga ni Mega, wala naman daw magagalit sa kanyang mga sexy calendar poses dahil single naman siya at malaya niyang magagawa ang gusto niya.

Sa nasabing calendar pose ni KC, may isang pose doon na bumakat  ang “hiwa” ng kanyang private parts.

 

SOBRANG SAYA ni Rufa Mae Quinto sa pagkapanalong Best Comedy Actress sa 26th PMPC Star Award for TV sa show niyang Bubble Gang.

Ayon kay Rufa Mae, masayang marami siyang napapasaya sa mga joke na ginagawa nila sa gag show.

Mantakin mo nga naman, teenager pa lang siya ay nasa naturang gag show na siya kasama nina Ogie Alcasid, Michael V atbp., hanggang ngayon na ganap na siyang dalaga. Kaya walang panghihinayang nananatili siya sa BG kasama ng mga barkada.

KAHIT ANONG busy, ‘di nakalilimutan ni Bong Revilla na maglaan ng araw para makapag-taping ng kanyang Sunday show sa GMA 7.

Katuwiran ni Sen. Bong, nakapagtuturo ng iba’t ibang kaalaman ang bawat episode ng kanilang show kaya dapat lang na bigyan niya ng araw dahil nakapagbibigay rin ito ng aral sa mga estudyante ng mga kaalaman na nangyayari sa buhay ng mga hayop at kaganapan nangyayari sa mundo.

Samantala, muling pumirma ng 2 years si Bong Revilla sa GMA 7 at sinabi nito na ‘di nawawala ang offer sa ibang network pero sadyang Kapuso raw siya.

“Paano mo naman iiwan ang isang network na hindi ka pinababayaan. Mananatili akong isang Kapuso,” say ni Bong.

Ask kung personal choice ba niya na makasama sa Indio, na biggest at madugong budget TV series sa pagpasok ng taon, sina Jennylyn Mercado, Solenn Heusaff, Maxene Magalona at Rhian Ramos ?

“Hahahaha! Si Manay Lolit ang pumili sa kanila. Feeling guwapo tuloy ako at macho kapag kasama ko ang mga magagandang actress ng GMA 7.”

 

HINDI NANGANGAMBA si Max Collin na siyang ipinalit kay Kylie Padilla maging kapartner ni Dingdong Dantes sa serye sa GMA 7, na pagselosan ni Marian Rivera.

“No! I don’t think na pagseselosan ako ni Marian. Magkapatid kami ni Dingdong dahil iisa lang ang manager namin, si Perry (Lansingan). Super bait ni Marian. Nagkita at nagkausap na kami noon pa, sobrang bait niya,” sabi ni Max.

May kissing at love scene sina Max at Dingdong sa serye at ayon kay Max, walang problema sa kanya dahil isang respetado at iginagalang na director ang magdidirek ng kanilang serye.

Bukod kay Max, may halikan at love scene din sina Dingdong at Lorna Tolentino sa serye. Sabi nga ni Dingdong, kinabahan daw siya nang kinukunan na ang kissing scene nila ni LT.

“Kinabahan po talaga ako. Ayokong magkamali. Sandali lang ang eksena at dalawang take lang. Actually, isang take lang pero palit-anggulo, so kinunan pa uli. Technically, isa lang,” pahayag ni Dong.

 

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

9 thoughts on “KC Concepcion, inilihim kay Gabby Concepcion ang sexy calendar

  1. Haha natatawa ko sa mga fans na katulong ni Kc kapag sinasabihan ng panget ang idol nila! Paano naging CLASSY AT SEXY si Kc? Shes so MACHO LIKE A MAN! Mukha syang lalaki!

  2. halatang marami pang di nakakakita ke KC sa personal…di hamak naman na mas maganda ang katawan nya kesa sa mga anorexic artists jan hahahahaha…KC is not ‘payat’ or ‘mataba’…tamang tama lang talaga ang katawan nya…go KC!!! yaan mo na ang detractors mo…ang perfect model kasi para sa kanila ung mga tipong anorexic as in buto’t balat hahahaha

  3. nilihim sa daddy nya coz talagang nakakahiya… na akala ng madlang peeps ay si Gabby Concepcion yon talaga instead na si Keysi!

  4. hindi naman sexy si kc, parang katawan nga ng lalake ang katawan nya, walang korte at puro taba.

    .

    indio? another overhype epicserye tapos kalalabasan flopsina din. parang yung amaya, todo promotion pero bandang huli, hindi naman markado, in short flopster sya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.