KC Concepcion, ingat na ingat nang magmahal

KC-ConcepcionKUNG WALA pang puwedeng ipagmalaking magandang kaganapan si Paulo Avelino  tungkol sa pakikipagmabutihan niya kay KC Concepcion, nangangahulugan lamang na consistent ang anak ni Sharon Cuneta sa kanyang deklarasyon na sa mga susunod na pagkakataon pagkatapos ng naunsiyami nilang relasyon ni Piolo Pascual ay sobra na siyang magiging maingat kung ready na siyang muling pumasok sa isang pakikipagrelasyon.

Pagkatapos naman kasi ni Piolo, at bago pa man din dumating si Paulo sa kanyang intensiyon sa anak ng Megastar, ang dami-daming kalalakihan ang nagparamdam ng panliligaw kay KC, na baka kung sobra niyang minahal si Papa P. ay puwedeng sila naman ang maging bago na mamahalin ng anak ni Gabby Concepcion. Kaya lang, matatag nga sa ngayon ang paninindigan ng magandang aktres na ingat-ingat lang muna kesa muli na namang masaktan.

Hindi naman makukuwestiyon na naging magaan din ang loob ni KC kay Paulo, dahil kung pag-uusapan ang mga positibong katangian ng hunk actor, marami naman siyang katangian para mahalin. Kaya lang, si KC ‘yung ang dami-dami pang gustong gawin sa kanyang buhay ngayon. Hindi rin sabik na sabik ang anak ni Sharon na magkaroon kaagad ng bagong karelasyon.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

2 thoughts on “KC Concepcion, ingat na ingat nang magmahal

  1. nyahahahah siyempre naman dapat maging maingat na siya….dapat mag lagay na siya ng gaydar gadget hahaha ng hindi maulit yung . pagkatisod; niya kay Papa P..bwahahahah alam naman ninyo ang mga paminta ang galing magtago ng tunay na pagkatao he he

Leave a Reply

Your email address will not be published.