KC Concepcion, hindi feel ng netizens na mag-Darna!

SI KC Concepcion na na raw ang gaganap na Darna.

Well, mukhang hindi siya feel ng netizens to play the iconic role na nagpasikat kay Vilma Santos.

Ang daming me ayaw kay KC sa social networking sites. Feeling nila ay hindi bagay ang anak ni Sharon Cuneta to play Darna.

“Kung ako kay KC wag na siya magpumilit mag DARNA at tingin tingin din sa salamin pag may time dahil talagang hindi bagay sa kanya yung role. Firstly, she doesn’t have the Darna body. Hindi rin siya pinay na pinay beauty para maging Pinay heroine. Wala din siyang astig na dating hindi bagay sa fight scenes. Ibalik na lang ang bato kay ANGEL LOCSIN!!!” one fan wailed.

“I am not really interested in seeing those two playing darna. Cristine will definitely cheapen darna. Kc seems a bit awkward to me. Give the role back to angel. Or have anne have a go at it. But not kc and definitely not cristine,” sabi naman ng isa pa.

Naloka naman kasi sa nag-comment na “Hindi nga bagay kay KC. Baka pumangit lang ang Darna at pagtawanan sila ng GMA.”

Talaga lang, ‘te?

But this one nailed it.

“She’s BEAUTIFUL, smart and classy pero admit na natin wala sa body shape nya makakapagsuot ng typical na suot ni Darna. Magaling naman syang host dati sa morning show nya, maganda pag ganap nya sa role nya ngayon, pero hindi talaga bagay sa kanya yung role na yan, kung sya talaga, I guess need kasi pumili ng taga-Viva.”

Ayan, KC, alam mo na.

Teka, ang dalaga na kaya ni Sharon ang napili na maging Darna?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

64 thoughts on “KC Concepcion, hindi feel ng netizens na mag-Darna!

  1. people may have forgotten this but sharon cuneta also played darna.. and herbert bautista played captain barbel.. well nothing is wrong if KC played darna.. artist are there to act and may people belived that they are fit for the role not the other way around..

  2. oo na pwede naman si KC ang problema may manonood ba??? definitely its angel locsin ang nababagay sa role na yan no second thought. at siya na nga si Darna ng iisang darna na gumanap sa tv at movie, record yan

  3. KC Concepcion is a far better choice to play Darna than Angel Locsin. First, we have seen Angel play the character already. It would be redundant. Second, Angel is fat. Sorry, she is. True, she is not as fat as she once was a few months ago, she obviously lost some weight, but for how long? Her body seesaws recently, from fat to thin, to fat again then thing again, that it’s very risky to commit her to a role that would last for a year, or more. Third, Angel Locsin is kind of old for the part. I suppose it’s fine if she is just playing Darna, but what about the Narda character? Narda should be young. Nothing over 25yrs old. Even 25yrs old is a bit of a stretch. Ideally, Narda should be 16-18yrs of age. Anyway, if they have to pick an actress among the current crop of ABS CBN stars, Julia Montes seems like an ideal choice. She just turned 18yrs old, she’s tall, her face look very Filipina, and her acting is better than Angel Locsin’s. Sorry, but I’m not convinced by her acting awards that her fans seem to hold up to every discussion about her capacity as an actress as if it’s some badge of accomplishment…I judge the performance, not the meaningless trophy given by a small committee. But I digress…anywho….if not Julia Montes, they might as well give it to Sarah Geronimo, and make it a comedy show….well, at least it would be different and refreshing.

  4. Want to see kc concepcion sexy body? Read complex magazine august issue and b proud. Kc was named one of 25 sexiest international actresses. The only pinay.

  5. Medyo may katabaan si KC at mukhang matrona na. Mas bagay siguro si Jessy Mendiola. Pero mas bet ko si Julia Montes. Ang ganda ng katawan at legs ni Julia.

  6. may i quote na naman tong katukayo kong bakulaw na bakla. copy_paste na naman ang bakulaw na ito na sa dako pa roon nagmula at naligaw sa mundo ng tao. fyi, si locsin, ay isang maitim na darna as in noknokan ng dilim. eh ang kalaban ni darna ay kampon ng kadiliman, obvious ba na ila sila magbabarkada, 

  7. abs-cbn and their bosses, please si angel locsin na lang. mas bagay sa kanya ang darna. sa katawan, feature ng mukha pilipinang pilipina, pagsasalita at aksyon tugmang tugma sa kanya. 

  8. nyahahhahaha walang babagay na DARNA, sa mga babaeng talents ngayon ng Dos,,,hintay na lang sila,,,,na madidiskubre,,,…ilagay muna yan sa baul,,,,

  9. Dapat po ang hangaan natin na darna ay maganda gawa sa tunay na buhay. Di po ako fan ni kc pero sa lahat ng nababanggit na pangalan para sa darna di ba c kc lang naman talaga ang may regular na tulong sa masa gaya ng fightvhunger program niya at mga suportado nyang abused children and abandoned girls. In that sense kampeon xia ng masa. 

  10. Binayaran ata ni locsin ang press na ito alagad ni locsin matanda na si locsin for darna tapos na sya sa pagiging darna nag nanay na gusto nyong mag darna si locsin dun nya gawin sa gma o kya tv5 hahahaha

  11. Sana young and sresh ang gumanap na darna sila jane oineza si locsin matanda na tapos na sya jan sa darna give way to others and beside ayaw ko ulitin ng abs-cbn na ang bida galing sa gma at ginawa na ng gma so abs-cbn have some pride dapat kapamilya homegrown talent itapon nanga yang angel locsinpabalok sa gma kung saan sya galing kairita mga fans nya

  12. Mas lalong ayaw ko gumanap na darna si angel locsin kakaumay na syang darna kung mga fans ni angel locsin gsto  nila mag darna uli si angel  bumalik sya sa gma at dun nya gawin si kc ang body nya all natural walang pinalaki  

  13. for me gusto k talaga c angel
    pero sabi nga nakilala n siya s role nato at the same time award winning actress na siya ..

    when abs announced n nasa kanila c darna eh napa isip isip aq until gumawa ang abs leading ladiea ng performance nakita k na mas convincing c kc to portray the role as darna wag natin sya husgahan s bosy figure niya ksi hindi namn ilalabas agad yang ng walang preparation for sure gagawan ng paraan yan mapa make up at costume and a lot of workshop para mapaganda ng abs ang original pinay superhero

  14. Ikaw na lang alex castro ang gumanap na darna bagay na bagay sa pango mong ilong at dambuhalang katawan para buhatin ang track! Echuserang bading na writer , ikaw ang tumingin sa sa salamin para makita mo ang pangit mong mukha!

    • I mean alex valentin pala! Chaka writer bayaran ng gma! Lahat ng abs cbn tinitira ng chakang writer na yan! Hoy umayas ka pangit!

  15. She mght be boobsie but who knows if ts real or not in these days /trends, still is she is NOT sexy coz she got a straight body meaning curveless so she just tends to wear low-cut outfits to show-off her boobies. But w/ her manly face & masculine body, Darna would just looked like a “”Transexual””.
    Darnang AMAZONA pwede pa!

  16. Kayo nalang ang magdarna bagay na bagay sa iyo body at hitsura.At sino namang nagsabi na magdadarna si KC?Sinabi bang magdadarna sya?

  17. WELL, DI KO RIN TYPE SI KC NA GUMANAP NA DARNA. MASYADONG SWEET ANG IMAGE NYA. KAHIT NGA KONTRABIDA SA TELESERYE NI JUDAY, DI SYA CREDIBLE. DI NA RIN SIGURO PWEDE SI ANGEL LOCSIN DAHIL PARANG MATANDA NA SYA AT AWARD-WINNING FOR THE ROLE. SABAGAY, SI ATE VI YATA EH 30+ NA HULING NAG-DARNA. NAKOH, DAMING NANGANGARAP SA ROLE NA YAN HA. 

    • yan nga ang maganda teh. may mystery. sweet pero palaban pala. ganun naman mga superheroes di ba. mga unexpected yung strength nila. go KC lipad. mas real pa ang concept. sa totoong buhay she’s trying to solve hunger problem.

  18. Hindi siya Darna material at wala siyang pull sa madla. Baka maging flop lang ito. Medyo may KABIGATAN and role na Darna. Baka hindi niya kayang ilipad ito.

      • Actually bagay naman sa iba ang Darna role pero no amount of convincing could be exerted if the role will be given back to Angel. We all know that it is still ABS-CBN ‘s final decision. I, for one, is praying that Angel is it. Just love her that much. Thank you.

    • Uu ikaw kase ang darna material, mapakinis ka muna ng balat kase puro buni ka! Isa ka pang inggeterang chaka sa beauty ni KC

    • nyahahaaha si Kim Chui na lang,,magaan yun,,,nyahahahah kaya lang baka hindi pumayag mag ..harness….baka may disfigure sa mga retoke niya,,,nyahahahha

  19. Exciting noon ang tao kay Kc pero sa totoo lang ng malink ang pangalan nya kay piolo yun ang nagdala ng malas sa kanya nawala ang mystery nya piola ba nama n alam ng lahat ang dahilan bakit sila naghiwalay sayabg si Kc well sa dami ng mga artista sa abs cbn mahirap ng mapansin dyan in ngayon ang mga bagets dyan the likes of julia kathryn kung susuriin natin sila ang nabibigyan ng magagandang break solong teleserye primetime pa well talented naman si Kc butbi think di na sya mabibigyan ng solong serye o movie na sya ang bida 

  20. look at it kahit anong gawin ni kc concepcion bakit malayo sa kanya ang kasikatan…hindi siya niyakap ng masang Pilipino khit anong gawin nagmuka tuloy siyang trying so hard kasi ipinipilit niya sarili niya….hindi siya pedeng maging kagaya ng nanay niya nag host na siya nag teleserye nag movie ang recording nagpa seksi na rin wala pa rin….magtago na lang siya at mag commercial modeling manaka nakang gumawa ng specials wala na kasing misteryo dati malaki mystery nito kasi nalaman ng publiko na wala rin pala hype lang….

    • Anong malayo ang kasikatan?Eh bata pa nga lang yan sikat na.Ok lang yan kung wala syang masyadong projects eh mayaman na yan noh,kahit saang sulok sya ng mundo magpunta walang problema sa kanya dahil mayaman na nga.

  21. teh! i know what site you mentioned…at mali ka kasi mas marami ang gusto kay kc…at feeling ko isa ka doon….hater kalang kay kc! 

Leave a Reply

Your email address will not be published.