KC Concepcion, ginagamit lang ni Rico Blanco?!

NAKAKALUNGKOT NAMAN ANG nangyayari kay Rico Blanco, ang dating Rivermaya lead vocalist na kasama ngayon sa teleseryeng Imortal ng ABS-CBN, at dating na-link kay KC Concepcion nu’ng hindi pa aktibo sa showbiz ang anak ni Sharon Cuneta. Kasi nga, ngayong nag-aartista na si Rico laging itinatanong ng press sa kanya ang tungkol sa dati nilang ugnayan ng anak ng Megastar. Hayan tuloy, napagbibintangan ang binata na ginagamit lang niya ang anak ni Gabby Concepcion.

Masakit kay Rico ang pagbibintang, na ngayong pumapasok na siya sa pag-aartista ay si KC ang lagi niyang binabanggit para mayroong mapag-usapan tungkol sa kanya. Pero ang totoo naman, si Rico mismo ang naiilang, na laging itinatanong sa kanya si KC. Aware kasi siya na ang maglalabasan talagang intriga ay nanggagamit siya. Hindi siya ang nagpapasimula ng paksa para mapag-usapan ang anak ng Megastar, dahil hindi talaga siya kumportable na pag-usapan iyon.

Kamakailan, sa presscon para sa Imortal ay hindi rin siya ang nagpasimula ng topic para mapag-usapan si KC. Mayroon lang reporter na tinanong siya, at sundot na pangkiliti sa tanong ng nasabing reporter ay kung nag-artista raw ba sa Kapamilya network si Rico para sundan si KC?  Siyempre, dahil hindi naman iyon ang intensiyon ni Rico, kaya umiling siya at tinanggihan ang tanong kung may gusto ba siyang “sundan” sa Dos?  Hindi madaldal si Rico, kaya nawiwindang na lang siya ngayon sa bintang na nanggagamit siya.

MARAMI ANG SUMASANG-AYON sa sinasabi ni Mother Lily Monteverde, na parang maganda ang nararamdaman niyang magiging kaganapan sa showbiz, lalo na sa paggawa ng mga pelikula sa darating na 2011. Ang isa kasing magandang senyales na nakikita ay naging masaya ang mga tao, na ang bagong mamumuno sa MTRCB ay si Mary Grace Poe, na anak nina Susan Roces at ng yumaong Fernando Poe, Jr., na siyempre pa’y talagang mahal ang movie industry, dahil bilang mga institusyon sa larangang ito, ay may puso sa uri ng tungkulin na ipinagkatiwala sa kanya ng gobyerno. Nagkamalay kasi si Poe, na pagpapahalaga ng kanyang mga magulang sa showbiz ang kanyang nadidinig at nakikita.

Marami talagang movie producers ang nakararamdam ng bagong sigla para muli silang magpakaaktibong mag-produce ng maraming pelikula sa papasok na bagong taon. Aktibo na kasi ang paggawa ng mga indie movies na magaganda talaga at napapansin sa ibang bansa. Ang Viva Films ay muli na namang bumabalik sa paggawa ng magagandang pelikula. Naka-poste na rin ang GMA Films na laging malalaking pelikula ang inihahandog sa publiko. Ang Star Cinema naman ay sunud-sunod ang mga naglalakihang proyekto, dahil halos buwan-buwan ay may ipinapalabas silang bagong pelikula.

Nariyan pa rin si Mother Lily, na sa kanyang katuwaan ay nagpaplanong magprodyus ng 24 o higit pang mga pelikula sa 2011. Lagi namang pinatutunayan ni Mother na kaya niyang tuparin ang kanyang mga sinasabi. Kapag nagustuhan kasi ni Monteverde ang tipo ng mga proyektong nakaplano niyang gawin, kesehodang sabay-sabay ay pasisimulan niya iyon.  Pero sana lang ay huwag puro simula. Nangyari na kasi dati na marami ring hindi natapos ang kanyang kumpanya, at itinambak na lang daw iyon sa bodega ng Regal Films.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

19 thoughts on “KC Concepcion, ginagamit lang ni Rico Blanco?!

  1. Pingback: KC Concepcion, ginagamit lang ni Rico Blanco?!

  2. if kc were to use someone, don’t you think it is better to use sharon or somebody na sikat. KC using Rico, that is hallucination.

  3. si charlene kc class ang dating at hindi tsismosa…….hindi siya matapang mgtanong siguro kc ayaw niya mkaoffend ng tao at di siya mahilig gumawa ng kwento………..tulad niya ang totoong matalino kung wala masabi mabuti tahimik na lang hindi pumapapel…..

    • Oo I agree, kaya sa opinion ko lang hindi sya bagay sa ganitong show kasi class at intelligent sya and sa ganitong trabaho kailangang hindi ka matakot mag ask ng questions kasi showbiz oriented, kagaya ng ginawa ni Boy Abunda kay Mariel, dahil si Mariel alaga nya, he sounded bias nung ininterbiyo nya si Mariel. Hindi ko sinabi na Charlene is bias pero yong mukha nya, mabait tingnan at maganda at class kaya hindi bagay. Si Ruffa ang mukha maganda at class din pero may pagka arte tingnan at parang hindi sincere tingnan, si Charlene parang bait tingnan, opinion ko to ha? at si Ruffa sobrang identified na anak ni Anabel na she has a bad reputation at kapatid ni Richard na nakapatay ng PA nya. Yon lang ho.

  4. Engot, ayaw nga ni Rico makasama sa any project si KC tapos sasabihin mo ginagamit si KC. Paano manggagamit kung ayaw niyang makasa. Kulang ka sa understanding.

  5. ITS THE OTHER WAY AROUND DUDE, SI RICO ANG GINAMIT NI KC ON THAT TIME. SUPER STAR ROCKER SI RICO AT SI KC WALA PANG SINABI ON THAT TIME.

  6. to Maria

    Yah actually napansin ko rin yon parang di sila close at comfy sa isat isa sina KC at Charlene. Mas close sina Toni at KC. Kasi etong si Charlene super plastik rin eto at super suplada in person!

    • Salamat lesmiz2009, napansin ko talaga na parang walang good rapport, parang very uncomfortable ang tatlong mga babae sa isat isa, at kung magsama na silang apat para sa kanilang opinion segment, parang magpatalbugan sina Charlene at KC sa kanilang comments. Ewan ko ba, para talagang walang warmth sa samahan ng apat na hosts na yan. Hindi kagaya sa Juicy hosts na very relax sila sa isa’t isa and puro lang tawanan, nakakaaliw talaga, wala akong tv5 dito sa states so nakita ko lang sa internet, kaya inabangan ko talaga ang kanilang show, at yong mga blind item segment nila, nakakatuwa talaga. Ang mga tv hosts na walang good rapport sa isa’t isa, makita mo talaga and it really affects the show kasi sagwa tingnan.

    • Sana kunin na lang nila si Charlene kasi safe sya mag answer, walang tapang at sometimes, her ideas do not make sense at hindi siya bagay sa mga showbiz news like that kasi classy ang dating nya and i don’t know, parang ipinion ko lang ito, she does not fit in. Si Toni ang galing nya ng inenterbiyo niya yong dalawang bata sa Noah, magaling syang host. At si KC naman, magaling din syang host kasi kong mag ask nang question, parang walang kinatakutan. Sa tingin ko, parang na offend si Christine at Rayver dahil talagang si Toni at KC todo talaga ang kanilang mga questions, hindi sila natatakot at tinatanong talaga nila ng mga mahirap. So sa tingin ko si Christine parang na buwisit at the end.

  7. Bakit hindi naman talaga kailangan ni Rico Blanco is plastic KC. Nakakainis na sila ni Toni sa Buzz. Go Rico, just prove your worth!!!

    • Sharon, napanood ko ang ilang mga episode the The Buzz, ang nakita ko (opinion ko lang to ha?) parang si Charlene and KC hindi masyadong komportable sa isat isa, ang titig ni KC kay Charlene sometimes is parang may galit si KC. Bakit ganuun. Baka sa paningin ko lang yon. I might be wrong. But that is my observation.

      • opinion ko din lang ito ha, masayado kasing mestiza si charlene kaya kung titingnan mo ay parang matapang ang dating. PEro palagay ko naman eh wala siyang galit kay KC.

      • oo mestiza talaga si Charlene and I think maganda talaga sya at ang ganda pa rin ng katawan nya maski may dalawang anak na sya. Me too I think walang galit si Charlene kay KC pero itong si KC ang parang may galit na titig kay Charlene that’s why I said na parang may uncomfortable feeling sa situation nila. I don’t know kong tama ako, pero feeling ko lang naman ito. At during sa opinion segment nila, parang tahimik lang si Toni.

    • e ano ngayun kung ayaw ni rico makasama o topic si kc, haler!!! di sya kawalan kahit kanino man at lalo na kay KC! lalo na sa face value pa lang! si kc diamond si rico putikan at mabutas na bato w/c is kita talaga sa FEZZZZZZZZ nya!

Leave a Reply

Your email address will not be published.