KC Concepcion, gagawin ang lahat-lahat para makatulong sa kapus-palad! – Chit Ramos

PATULOY PA RIN ang spirit of giving and sharing sa showbiz, lalo na ngayong magpa-Pasko na.

Sa bonggang-bonggang Christmas in November party ng PLDT at myDSL, uunahin nilang regaluhan ang kanilang subscribers na nasalanta ng bagyong Ondoy noong Setyembre.

Inilunsad ang “25 Days of Christmas Blowout.” Mamimigay sila ng laptop at multi-media packages for 25 days, P25,000 cash every Saturday at P25,000 sa final draw. Umaasa silang makatulong sa pagsisimula uli ng buhay ng kanilang subscribers. Aware kasi sila na maraming internet machines ang nasira ng bagyo at negosyong nagsara, kung kaya’t puhunan sa pagbabagong buhay ang first concern nila.

Actually, ini-launch na ang Christmas promo/gift nila sa Eat… Bulaga! noong Nov. 14. Stream lined pa ito via Watchpad. Kailangan lang mag-register for free sa www. Pldtwatchpad.com para maka-join.

Sinampolan din nila ang movie press ng ipinamimigay nilang ito sa presscon na ginanap sa Annabel’s resto. Mula umpisa hanggang katapusan, wala silang ginawa kundi mag-raffle nang mag-raffle ng cash prizes, gift items at dalawang mamahaling lap top na sayang at hindi ko napanalunan (ang laptop, I mean).

LAUNCHING NAMAN NG tianggehan sa Riverbanks Center noong Sabado. Nagtulung-tulong sina Marikina Mayor Maridez Fernando,ABS-CBN’s Cory Vidanes at Bayan Productions ni Kat de Castro sa proyektong “Tuloy ang Buhay” after Ondoy.

Aware sila na marami ang nawalan ng bahay, hanapbuhay, pati buhay. Pag-asa ang handog nilang mga puwesto na pagne-negosyohan. Sa murang halaga at kadalasan pa’y pang-unawa ng mga nasa likod ng project ay nalilibre ang mga puwestong ito.

Ipinasyal kami ni Karen Martinez, PR ni Mayor Maridez, sa iba’t ibang booth nina Amy Perez, Uma Khouney, Al Tantay at Jason Gainza. Tiyak na darami pa ang mga ito, ‘pagka’t murang-mura ang kanilang mga paninda.

Dahil sa Trip na Trip at Swak na Swak shows ni Kat para sa Bayan Productions, tiyak na makatutulong din sila kung paano magsimulang magnegosyo kahit konti o walang puhunan halos.

“Hindi namin kasi tinapos ang aming pagtulong after Ondoy,” wika ni Kat. Marami pang dapat gawin sa Marikina na isa sa pinakaapektadong lugar sa Metro Manila. Ang mga event na tulad nito’y nagsimula after Sept. 26 at magtatapos hanggang Dec. 24th. Then, iba na namang projects. Basta tuluy-tuloy na ito.

PARA SA MGA batang nagugutom ang concern ni KC Conception sa kanyang “KC Cares, Swatch Shares” project this Christmas.

“Wala po akong kaide-ideya na marami palang nagugutom na bata sa aking paligid. Masuwerte na pala sila kapag nakakain minsan isang araw. Mayroon ding sa kanin lang at walang ulam nakakaraos.”

Animo’y nasa isang palasyo nakatira si KC at reynang maituturing ang mommy niyang si Sharon Cuneta. Sagana ang kanilang mesa, Pasko man o karaniwang araw. Nitong lumaki siya at natutong maglakbay sa iba’t ibang lugar, natuklasan niya kung ano ang pangunahing problema ng ating bansa.

“Alam po ba ninyo na kailangan lamang ng isang bata ang halagang sampung piso (P10) para makakain?” At alam din po ba ninyo na may isang batang namamatay every 6 seconds dahil sa gutom?” Maluha-luha niyang pahayag.

“I am so blessed that I wasn’t born like them. May supply pa ako kay Tita Virgie ng Swatch watches, kaya masayang-masaya ako. Akala ko, ganu’n lang talaga ang buhay ng bawa’t bata. Until I discovered what’s really happening outside my place.

“My mom has never been happier dahil sa advocacy ko tungkol sa mga bata. She allows me to promote it sa Sharon show niya every now and then. As a matter of fact, staunch supporter ko nga ang mom ko, pati staff niya. Same with Tita Virgie through her Swatch campaign. Mas marami akong matutulungan ngayon dahil 20th year ng Swatch sa ‘Pinas.

“Nalungkot nga ako minsang papiliin kung ano ang mas importante sa akin. Humanitarian work, or my life in fashion, movies, music or TV? Lagi ko namang sinasabi na bakit kailangang pumili, kung kaya ko namang gawin lahat, hand in hand. Makatutulong pa nga akong lalo kung gagawin ko lahat. Mas marami akong maso-solicit na funds.”

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

7 thoughts on “KC Concepcion, gagawin ang lahat-lahat para makatulong sa kapus-palad! – Chit Ramos

    • Maraming promo rito sa US na similar pero hindi na ibinabandila. Itong kay KC, pinagmukha na parang may sarili siyang charity drive pero ang totoo, marketing technique nang Swatch para marami and bumili. You can go to a Supermarket here like Seafood City where there is a percentage of certain items that are shared to the victims of typhoon Ondoy. McDonalds did the same thing and other fast food chain. The only difference is that they did not use a celebrity to advertise their efforts. hindi katulad nang Swatch na ginagamit si KC. Siyempre, may bayad siya sa pagadvertise nito. Advertisement na rin kasi. CHOSERA, I THINK YOU ARE THE BIRDBRAIN AND ALSO A NINCOMPOOP TO EASILY GET SWAYED WITH THIS. DO YOUR RESEARCH. MEDYO LIMITADO ANG PAGINTINDI MO KAYA ANG KONSEPTO, HINDI MO MAKUHA KUHA. I WILL NOT INCLUDE YOUR MOTHER IN THIS AND GET DOWN TO YOUR OWN LEVEL. BAKA KASI MASYADO KANG MABABA, SUMAKIT PA ANG LIKOD KO ‘PAG AKO AY YUMUKO . INTIENDE? OO nga pala, pahinga ka na, baka gutom ka lang.

    • SIGURO, KUNG I-WAIVE NA LANG NI KC ANG KANYANG TALENT FEE FROM SWATCH AT IBIGAY LAHAT SA BIKTIMA NANG TYPHOON ONDOY, BAKA MAGING KAPANI PANIWALA PA.

  1. Pwede kang tumulong Kung gusto mo. Kung feel mo ang swatch sinasabi Lang Nila na pag bumili ka may porsyentong mapupunta para sa mga batang kapus palad. Meaning…may swatch ka na…nakatulong ka pa dahil hindi ibubulsa ng swatch ang buong tubo nila. Kaloka.

  2. Kung tutulong, tumulong. Huwag nang marami pang promo. Obvious na obvious naman na nahahaluan nang AD nang Swatch watch ito. At saka, for every time raw na bibili tayo nang Swatch watch, mayroon rin para sa manga batang nagugutom.. Let’s get real ! Kailangang bumili muna tayo para may mai share sa mahihirap. Eh kung kaya, ibigay na lang natin nang buong buo kaysa bibili pa tayo nang Swatch. Pinagmumukha naman tayong tanga ! Kakalokah !

Leave a Reply

Your email address will not be published.