KC Concepcion, ‘di seryoso sa mga idine-date

NANG GUMANAP na kontrabida si KC Concepcion sa teleserye nila ni Judy Ann Santos, iba’t ibang reaction ng mga manonood. Marami ang hindi natuwa dahil nagbibida na ito sa pelikula and then biglang naging supporting na lang ni Juday. Baka raw mahirapan ang singer-actress na makabalik sa dati niyang wholesome image. Kung hindi nga lamang sa pakiusap ni Judy Ann at very challenging ‘yung role, ayaw talaga ni KC na gawin ang soap.

Pero inamin ni KC, expected na niyang marami ang tututol sa naging desisyon niyang maging kontrabida sa telebisyon. Ipinaliwanag naman ng dalaga na hindi raw through out the soap ay maldita siya sa buhay ni Juday. Ipinaglalaban lamang ng dalaga ang pagmamahal niya kay Sam Milby. May twist ang istorya, naka-in character si KC, kakaiba talaga ang performance na ipinakita niya rito.

Sa mga dramatic scene nina KC at Juday, kinakitaan na ang dalaga ng galing sa pag-arte. ‘Yun naman talaga ang gustong mangyari ng singer-actress. Mapansin ang acting ability niya lalo na sa drama. Bawat artista naman ay pinapangarap mabigyan ng recognition as an actor.

Hindi itinanggi ni KC na dati niyang crush si Sam Milby nu’ng hindi pa sila nagkakasama sa pelikula. “We’re friends, hanggang du’n lang ‘yun. Huwag namang bigyan ng malice ‘yung friendship na mayroon kami ni Sam. Relax nga ako kapag may sweet moment kaming dalawa dahil nakatrabaho ko na siya,” aniya.

Tinanong namin si KC about her personal life kung may boyfriend na siya? “Nothing serious, lumalabas ako, date-date lang, ganu’n lang. Right now, I’m not ready for another serious relationship. Mas enjoy kung single ka, walang commitment kahit kanino. I’m enjoying being single going out with friends, it’s fun talaga. If ever magkaka-boyfriend ako, hindi ko itatago. I’ll let you know. Concentrate muna tayo sa career saka na ‘yung love,” say niya.

May naka-tsikahan kaming  taga-Viva Films, may movie palang gagawin si KC with Anne Curtis. Ayaw palang ipagmakaingay dahil hindi pa raw plantsado ito. Pinag-iisipan pa kung sino ang magiging leadingman nina KC at Anne at kung sino ang magdi-direk ng pelikula.

“Yeah, may nagsabi sa akin may movie raw kaming gagawin ni Anne, pero hindi pa final. Hindi pa kami nagkakausap ni Boss Vic (Del Rosario) about the project. Walang pang details about the movie kaya hindi ko masabi kung mayroon nga. If ever matuloy ito, first time kong makakatrabaho si Anne. But first, kailangan kong mabasa muna ang storyline at malaman ko ‘yung character na ipo-portray ko kung babagay sa akin,” pahayag ni KC.

Kapag hindi rin lang busy si KC, she always have time for her family. Madalas silang magkasama ng kanyang Mom na si Sharon Cuneta abroad for a show. Bonding moment with her two sisters and Daddy Sen. Kiko Pangilinan. Hindi rin nawawala ang communication ni KC with her Daddy Gabby Concepcion na kadalasan ay sa Batangas sila nagbabakasyon. Pareho kasing mahilig sa beach ang mag-amang ito.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

10 thoughts on “KC Concepcion, ‘di seryoso sa mga idine-date

  1. Hi kace im always thankful that you always think twice before you do your move and i hope that you can find your love of your life sooner or later i always support you whatever happend god bless always

  2. love KC! hope she’ll find the right man for her soon sooo excited to see her settle down happily and with her cute beautiful children wowww napaka advance ko haha enweyz really like her so wish all the best for her :)

  3. I still pray that KC will settle sooner, so she can grow up with her kids. Sayang ang napakaganda niyang genes if she decides to settle in later years. As a devoted fan, i will always say a prayer for her.

Leave a Reply

Your email address will not be published.