KC Concepcion, ‘di naniniwalang ‘di na playboy ang amang si Gabby Concepcion?!

HINDI NA dapat pang magtaka si KC Concepcion kung ilan na silang magkakapatid na puro babae, na anak ng kanyang Papa na si Gabby Concepcion sa iba’t ibang babae. Kasi nga, kakaiba naman ang dating ng sex appeal ng kanyang Papa.  Mula sa dating pagiging matinee idol ay talagang sobrang lapitin si Gabo ng mga babae, dahil napakaguwapo niya.  Nu’ng manirahan si Gabo sa ibang bansa at magbalik ng Pilipinas para mag-artista ulit ay nagkaedad lang siya, pero ma-appeal pa rin.

Mayroon daw kasing kasabihan sa pagkakaroon ng anak, na kung ang tatay ay dating playboy, kapag daw nangyari na nagkaroon siya ng anak na babae ay nawawala bigla ang kapablingan ng isang lalakI.

“Totoo ba talaga ‘yon? Bakit naman ang Papa ko? Puro naman kasi kami mga babae na magkakapatid, ah?” wika ni KC, kaharap si Kim Atienza, na nagpatotoong magmula nang magkaroon siya ng anak na babae ay nagbago na raw siya.

Kahit si Manay Lolit Solis ay naniniwala na kakaiba ang gayuma ni Gabby sa mga kababaihan. Sabi nga ni Manay, “Walang tatalo kay Gabby. Aba, ilang ulit nagpakasal, huh? ‘Yung pagka-playboy ni Mark Herras, wala siyang panama kay Gabby! Ha-ha-ha!”

Nang matanong naman si Sharon Cuneta kung sa buhay ba niya ay pinagsisisihan niyang naging parte ng buhay niya si Gabby? “Tapos na ‘yon. Ayoko namang sabihin na pagsisihan, dahil kapag sinabi ko iyon, ay para ko namang sinabi na pinagsisisihan kong anak ko si KC,” wika ng Megastar.

 

TALAGA NAMANG mas makabubuti ‘yung sinasabi ni BB Gandanghari na kung makikipagrelasyon na siya sa ngalan ng kabadingan ay magbigay-respeto rin naman siya sa kanyang kapatid na si Robin Padilla. Kasi nga sa kanilang pamilya ay si Binoe at ang kanilang ina na si Mommy Eva Cariño ang talagang lantarang nagsasabi na wala silang magagawa kundi unawain na lamang ang pagkataong ipinakikilala ngayon ng da-ting si Rustom Padilla. Kasi nga, sino man siya ngayon ay kapamilya pa rin siya.

In fairness naman kasi kay BB, isa rin naman siyang napakabait na anak nu’ng siya pa si Rustom, kaya awang-awa si Robin kay Mommy Eva kapag nagsasalita ang kanilang ina, na nasasabik pa siyang makita ang dating Rustom. Kung may lungkot si Mommy Eva sa paghahanap pa rin niya sa dating Rustom, mabigat din ang mga dating pinasan ni Binoe tungkol sa pagtatanggol niya sa kapatid nu’ng pinaghihinalaan pa lang si Rustom na bading.

Nakaalitan din noon ni Robin si Anjo Yllana nang dahil lang sa bading isyu na ‘yan, dahil lagi namang ready si Binoe na ipagtanggol si Rustom noon. Sa pagkatao ngayon ni BB na imposibleng hindi makikipagrelasyon, talagang napakahalagang marinig niya ang pa-nig ni Binoe kung papaano nito tatanggapin ang ganu’ng pakikipagrelasyon. Sa kanilang pamilya kasi, si Binoe ‘yung diretsong nagsasalita ng gusto niyang sabihin, dahil mahalaga sa kanya ang kanilang pamilya.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.