KC Concepcion, ‘di na ilang magkuwento kay Sharon tungkol sa amang si Gabby

MAKAKABUTI MARAHIL PARA kina Mark Anthony Anthony Fernandez at Claudine Barretto na magkanya-kanya ng project at huwag nang magtambal sa isang pelikula o teleserye kahit pareho na sila ngayong nasa Kapuso network.

Mas tahimik ngayon si Mark na si Regine Velasquez ang katambal niya sa Diva, first ever kantaserye, dahil nagkasundo na sila noon sa Kim Sam Soon na nag-hit nang husto sa ratings. Hindi rin sila nagkaroon ng intriga, tulad ng nangyari ngayon.

Hindi na rin maganda sa pandinig na sabihing hindi pa nakaka-move on si Mark sa nakaraan nila ni Claudine, lalo’t may asawa na siya at mga anak, ganu’n din si Claundine.

Ipinaliwanag ni Mark na masaya na rin ang buhay may-asawa niya at unfair naman kung uungkatin pa lagi ang nakaraan. “Naalaala ko pa rin lagi ang mga pag-uusap namin ng tatay (Rudy Fernandez) ko at doon ako hindi pa tuluyang nakamu-move on,” katuwiran niya. “Nagpapasalamat ako, dahil nakausap ko si Raymart (Santiago) at nagpaliwanag na ako sa kanya. Siguro, hihintayin ko na lang na palamigin ang issue bago kausapin si Claudine at mag-sorry sa kanya. Ginawa ko na po ito sa phone, pero hindi niya tinanggap ang paghingi ko ng tawad. Hindi po totoong ayaw kong magtambal kami kaya hindi ako nakarating sa story conference ng pelikulang In Your Eyes directed by Mac Alejandre na gagawin sana namin sa Viva Films with Richard Gutierrez and Anne Curtis. Nag-usap po kami ng manager ko at napagkasunduan namin na hindi makabubuti sa akin na gawin nang sabay ang movie at itong kantaserye.

Baka kasi mag-suffer ang isa or both. Since nauna ko pong tinanggap ang kantaserye, ito po ang pinili namin.”

Ka-love triangle ni Mark si TJ Trinidad (sa puso ni Regine) sa Diva na mapapanood na sa Kapuso network. Tama po ang hula ninyo, kakanta rito si Mark, another first in his showbiz career. Actually, kumanta siya sa engrandeng presscon.

“Lip synch lang po ‘yung ginawa ko, pero sa taping, magla-live na po ako. Sarili ko pong boses ang ginamit ko sa presscon at ganu’n din sa kantaserye na ididirek ni Dominic Zapata,” patuloy ni Mark.

GUMAGANDA NAMAN ANG relasyon nina Gabby Concepcion at Megastar Sharon Cuneta. Nakabubuti sa kanila ang pagsasama ng mag-amang KC at Gabby sa isang pelikula ng Star Cinema.

“When I go home, I would make kuwento to Mama kung ano ang mga eksena namin ni Papa. She listened well at excited sa nangyayari,” aniya. Wala na ‘yung mga panahong nangingilag siyang banggitin ang name ng kanyang Papa sa kanyang Mama. At hindi rin siya nagkukuwento bilang respeto sa damdamin ng Megastar.

Nai-share din ni Mega sa televiewers ang mga kuwento ni KC, lalo noong guests niya sina RJ Jacinto (yes, the Legend) and friends, Calla Lily, Angelo Garcia, Philip Nolasco, Sandwich Band at si Yeng Constantino.

Incidentally, kaabang-abang din ang mga guests ni Mega sa Sharon sa susunod na Linggo. She will pay tribute to the top Asian Superstars of today, mula Korea at Taiwan. Sharon will also pay homage to the best top pop music of the region with Boys Voice, Jeffry Tan, Goin Bulilit Kids, Star Magic Boys (Rodjun Cruz, Mikee Lee, Enrique Gil, Charles Christiansen, at Aaron Villaflor).

Going back to KC and Gabby, marami sa kanilang mga eksena ay nakapagpapabalik ng nakaraan.

“Napapaiyak kami pareho ni Dad,” patuloy niya. “We never imagined na darating ang ganitong panahon na magkikita kami uli, at magsasama pa sa pelikula. I never expected this to happen. Most often I would pinch myself para malaman kung totoo ito. Mapapatingin ako kay Papa at makikta kong nakatingin din siya sa akin. I’m sure, iyon din ang naiisip niya. I can only hope na maging successful ang pagsasama namin, para mag-wish ako uli. Alam n’yo na siguro kung ano ang susunod kong wish. Pero, ayokong sabihin na inaabuso ko ang gifts ni Lord. Darating naman iyon, kung mamarapatin niya!”

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

5 thoughts on “KC Concepcion, ‘di na ilang magkuwento kay Sharon tungkol sa amang si Gabby

  1. ay dami talgang bitter ke sharon kaya tuloy lalong sikat na sikat si mega…go mega!!! ur truly a blessed star!!!

  2. first ever kantaserye? eh ano tawag mo sa bituin ni carol at nora? at yung kay sarah and angelika dela cruz? tsaka yung may jewel sisters na sina sarah, rica at nikki ang gumanap? nanaginip yata ang nagsabing first ever kantaserye ang diva lol

  3. Ampangit naman ni KC dito. Para siyang bagong gising/walang makeup/losyang/may Joliesque retokadang lips.

Leave a Reply

Your email address will not be published.