KC Concepcion, crush din ni Sam Milby

BLIND ITEM: Hindi namin alam kung ano ang susunod na teleserye ng isang young actor, dahil ilang production staff na ang aming nakakausap expressing their disappointments sa young actor na ito na hindi nila akalain na lalaki ang ulo porke matunog ngayon ang pangalan.

Ang kanilang reklamo: akala mo raw ay kung sino’ng napakahusay umarte gayong nakakailang takes daw bago maging ‘puede pasar’ na ang kanyang akting.

Baka naman isipin ng kanyang mga fans ay sinisiraan namin siya, huh! Kahit daw ito’y alam ang reklamo sa kanya ng mga katrabaho, dahil kahit sa set ay may attitude problem ito.

Masyado raw itong inggitero. Nariyang humihirit ng sariling dressing room, sariling hair stylist at sariling makeup artist.

“Hindi bale sana kung napakahusay umarte, eh. Waley naman, eh. Nakakalungkot nga kasi hanggang ngayon, ang tagal na rin niyang artista, pero parang wala pa ring improvement.

“Tapos, ‘pag feeling niya, hindi siya nabibigyan ng sapat na exposure, nakasumbong na agad sa manager. Hay, nako, Ogie, ewan ko lang kung gugustuhin pa siyang makatrabaho ng mga tao, dahil sa kaartehan niya sa personal na hindi naman niya nadadala ‘yung tamang arte sa harap ng kamera!”

Sana, makarating ito sa young actor para maisaayos niya agad kung ano ang kanyang problema bago pa siya pagwelgahan ng mga production staff. Hindi pa naman huli ang lahat.

Kung gusto niya talagang lumaki ang pangalan niya eh, samahan na rin niya ng tamang trato sa mga tao at higit sa lahat, mag-advance acting workshop para hindi na siya tawaging “bobonic.”

 

HINDI NAMIN alam kung sino ang ipapalit kay Ms. Amalia Fuentes bilang kabanggaan ni Ms. Susan Roces sa Muling Buksan Ang Puso, pero ang sigurado kami ay nasa Huwag Ka Lang Mawawala na si Ms. Amalia.

Tinanggap nito ang alok na parang siya yata ang kukupkop o tutulong kay Judy Ann Santos para makabangon ito hanggang sa makaresbak sa pamilya ni Sam Milby.

O, at least, mapapanood pa rin pala ang mommy ni Ms. Liezl Martinez.

 

WE’RE SO happy naman for KC Concepcion, dahil siya na ang bagong Gladys Reyes bilang kontrabida ni Judy Ann Santos sa Huwag Ka Lang Mawawala na siyang ipapalit sa timeslot ng Ina, Kapatid, Anak simula sa Monday.

Crush pala noon pa ni Sam Milby si KC, kaya naman excited itong makatrabaho ang anak ni Megastar Sharon Cuneta na ewan kung saan humuhugot, dahil ambilis-bilis daw magpatulo ng luha, ayon sa mga direktor nitong sina Tots Mariscal at Direk Jerry Lopez Sineneng.

Daring na rin dito si KC, for a change. ‘Yung ganda niyang ‘yon ay nakikiamot pa ng pag-ibig kay Sam na asawa na ni Juday.

Trailer pa lang ng Huwag Ka Lang Mawawala, intinding-intindi na namin ang istorya, kaya nga nagpaparinig kami sa ABS-CBN na sana, isama kami rito sa teleseryeng ito. Hahahaha!

Actually, hindi na pala pagpaparinig ‘yon. Pagpaparating na. Hahahaha!

 

“NGAYON LANG ako kinabahan ng ganito talaga sa pelikulang ito. Kasi, aminado naman ako na ang pinakamahina kong pelikula eh, ‘yung movie nina Vhong Navarro at Toni Gonzaga eh, na ine-expect ko talaga na kikita.

“Kaya ayoko nang mag-expect dito sa ‘Four Sisters And A Wedding’.  Sana lang talaga, magustuhan nila para kumita!”  sey pa ni Direk Cathy Garcia Molina.

Mukhang aliw naman sina Bea Alonzo, Shaina Magdayao, Toni Gonzaga at Angel Locsin at Enchong Dee habang ginagawa ang movie, kaya sana nga, kumita ito simula June 26.

Mapanood nga at malaman.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

8 thoughts on “KC Concepcion, crush din ni Sam Milby

  1. IKAW OGIE, ANG TAGAL MO NG UMAARTE, DI BA? PERO BANO BA DIN ANG ACTING MO…TINGIN TINGIN DIN SA SALAMIN PAG MAY TIME HA, AYUSING MO MUNA MUTA MO BAGO KA MO PAKIALAMAN YUNG IBANG TAO….WORKSHOP WORKSHOP KA DIN PAG MAY TIME PARA DI KA BOBONIC!

  2. ANG HINDI KO LANG MAITINDIHAN,,,,,,BAKIT KUNG MAY TUMATAWAG NA BADING KAY SAM MILBY….KUNTODO   DEPEND SI JOBERT SUCALDITO,,,,,NAPANSIN KO RIN……ANONG MERON SA KANILANG DALAWA,,,YAHAHAHHAHA….MAY SOMETHING BA SA KANILA….HAHAHHAHA,,,,,KILALA KO SI JOBERT….MAY KAPALIT ANG BAWAT PAGTATANGOL NIYA SA IYO…..ANO YUN….DATUNG O CHURVA…..

  3. AYYYY SAM MILBY…MAY CRUSH KAY K.C….AYYY…..COCO..TOTOOO BA YAN….HINDI YATA ANG MAKAPANIWALA,,,,HAHAHAHHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.