KC Concepcion collects boyfriends?!

KASAL NA SA huwes si Dominic Ochoa sa matagal na rin niyang nililigawan since 2004, si Denise Go. Two years ago, nagbabalak na nga silang magpakasal at natupad ‘yun last year lang (2008).

“But, we’re going to do the church this year (2009),” nangingiting sabi pa ni Dominic.

Grabe pala ang ginawang pagpu-propose ng marriage ni Dominic kay Denise, sa may sinehan pa, sa Rockwell. Kinuntsaba niya ang ilang employee ng sinehan (cinema 5). Pagkatapos niyon, diretso na sila sa kasalan noong December 22, last year.

Kuwento pa ni Dominic, “Nakakatawa kasi, normally, after the screening, hinihintay pa naming lumabas ang end credits, saka lang kami bababa.

“Gumawa pa ako ng placards na malalaki, ‘Will you marry me”‘ Tatlong oras kong ginawa. Kaso, napaaga ako ng pagbaba. Twenty minutes before the actual closing.”

Ibinigay niya sa takilyera ang singsing, at kinausap niya ang chief guard ng sinehan.

“Sabi ko, hindi ko sila kakilala, pero gawin na lang nila para sa akin. Pati ‘yung ibang kailangang may tangan ng placards. Nakita nga ng mga tao at naghintay pa ‘yung iba, gustong malaman kung sino ‘yung magpu-propose,” nakatutuwang kuwento ni Dominic.

Strategic ang Cinema 5 dahil lahat ng pumapasok at lumalabas sa mga sinehan, nadadaanan ‘yun. Nagkatipun-tipon tuloy ang ilang tao roon out of curiosity, and found out na si Dominic pala ang magpu-propose.

“Maraming nababaduyan, pero galing talaga sa puso ko ‘yun,” dugtong pa ng aktor.
Nagpahinga nang matagal si Dominic even before he decided to get married. Ngayon, kailangan daw niyang kumayod, lalo na’t bubuo na siya ng pamilya. Maganda ang role ni Dominic sa May Bukas Pa, bilang isa sa mga paring nag-alaga sa batang si Zaijan Jaranilla, bilang si Santino, na siyang bida sa nabanggit na bagong teleserye ng ABS-CBN.

HINDI NAATIM NI KC Concepcion ang magsinungaling sa ‘Tough Ten’ portion ng The Buzz noong Linggo. Tinanong kasi ni Kris Aquino sa kanya kung sa isang point in the past, naging sila nga ni Richard Gutierrez.

Isang pagkakataon na ‘yun sana para pasakayin nang husto ang kanilang fans at ang iba pang nahihikayat nang manood ng When I Met U ng GMA Films at Regal Entertainment. Pero, not in the affirmative ang sagot ng dalaga.

Hindi man direktang sabihin ni KC, mas enjoy siya nang “collect and collect, then select.” Hindi man ganoon ang pagkakasabi niya, natawa siya nang sabihin niya sa interview ni Kris na sa puntong ito, ayaw naman niyang nakaikot lang ang buhay niya sa iisang lalaki.

Marami nga namang pagpipilian d’yan at hindi komo si Richard ang lagi niyang nakakasama at nakakatambal, so far sa pelikula, ito na ang magiging boyfriend niya.

That goes to show na magpapatuloy ang kiling ng masa kay KC kahit sino pa ang susunod niyang makakapareha. Most likely, si Piolo Pascual ang unang nakapila ngayon sa mga susunod na leading men ni KC sa Star Cinema.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.