KC Concepcion, Bagong Prinsesa ng Umaga!

Patindi nang patindi at painit nang painit ang mga programa ng ABS-CBN lalo na sa kanilang Primetanghali spot. Dahil ang anak ng Megastar na si KC Concepcion ang bagong prinsesang mapapanood ng mga Kapamilya sa umaga. Pinapalabas na nga ang teaser ng kanyang programa na may titulong Simply KC. Isang 30-minute lifestyle talk show ang naturang programa kung saan makakasama ni KC ang ilan sa mga artista para pag-usapan ang iba’t ibang magaganda at masasayang bagay!

Mismong si KC ang nag-text at nagsabing sobra siyang excited sa bagong proyektong ipinagkatiwala sa kanya ng ABS-CBN. Timeout nga muna siya sa mga drama at mga teleserye, at ngayon sa hosting na muna siya sasabak, bukod pa sa kanyang pagho-host sa The Buzz tuwing Linggo ng hapon.

Malapit na rin ang kanyang pelikula kasama si Jericho Rosales at Gabby Concepcion under Star Cinema. Balita sa amin, tinatapos pa ang kanilang shooting at may ilan ilan pang eksenang dapat kunan. June na raw ito maipapalabas.

Mapapanood ang Simply KC tuwing umaga sa ABS-CBN, bago mag-Showtime.

MUKHANG FAVORITE STAR ni Direk Chris Martinez si Eugene Domingo dahil sa mga obra nito ay lagi niyang kasama si Eugene gaya ng 100, Kimmy Dora at ngayon ang Here Comes The Bride, na isang co-production ng Star Cinema, Octo Arts at Quantum Films.

Dinagsa ng mga fans ang kanilang naging mall show nu’ng weekend sa Glorietta, Market Market at SM Bicutan. Marami ang natuwa at naaliw kay Uge dahil natural na natural ang pagpapatawa nito sa entablado.

Kapansin-pansin din ang confidence ngayon ni Tom Rodriguez. Si Tom ay isa sa mga early housemates ng PBB Season 3. Guwapo at hunk na hunk itong si Tom, pero hindi siya masyadong magustuhan ng mga viewers dahil sa hindi pa ito masyadong confident at kulang pa sa talas ang pag-arte. Pero sa mall shows ng kanilang pelikula nila Uge at Angelica Panganiban, kapansin-pansin na ang confidence level nito at tuwang-tuwa naman ang mga fans dito. Marunong na siyang sumagot sa mga impromptu na tanong ko sa kanya sa harap ng mga fans at senyales ito na naggo-grow siya as an artist at as a celebrity.

Showing na ang Here Comes The Bride at balita naming mainit ang pagsugod ng mga fans sa kanilang pelikula. Hindi masama ang naging resulta ng kanilang first day! Kaya go lang nang go mga Kapamilya!

NGAYONG GABI SA Us Girls, star-studded ang episode na “Take You There” kung saan dadalhin tayo ng mga paborito nating artista sa iba’t ibang mga lugar sa buong mundo kung saan sila nagpunta! Ikukuwento nila ang ganda ng kultura, mga tao, mga attractions at magagandang lugar na kanilang nakita! Kasama sa episode na ito sina Angelica Panganiban, Derek Ramsay, Mariel Rodriguez, Piolo Pascual, KC Concepcion, Kim Chiu, Gerald Anderson, Anne Curtis at marami pang iba!

Mamayang gabi na ‘yan, 9 P.M. sa Studio23! Channel 17 sa mga Sky Cable at Destiny subscribers!

loading...

15 thoughts on “KC Concepcion, Bagong Prinsesa ng Umaga!

  1. I totaly agree KC is not a good host at all…I would suggest thet she should go back to theater play where she is good at. Thanks but no thanks to TFC..i was able to watch her show and crap! KC is trying hard and soooo boring and talks a lot than their their guest…let us just accept it people, KC cannot have it all! I like KC but I dont like her all the time!

  2. JUST ADMIT IT.KC IS NOT A GOOD IN HOSTING.WLANG KA ENERGY ENERGY THATS WHY WE DONT LIKE TO WATCH D BUZZ ANYMORE.INSTEAD I WATCH PAPARAZZI GANDA NG MGA STORY.GANDA TLG.TRY NYU DIN.

  3. Pinapanood ko ang The Buzz dahil sa tsismis at hindi dahil kay KC Concepcion. Parang mabikat siyang panoorin. Hindi refreshing at parang gusto kong matapos kaagad ang mga sinasabi niya. Walang appeal.

  4. kc is way much better than toni gonzaga…to think na bago pa lang c kc in hosting…toni is also a good host…pero sa punto ng paghuhost kelangan matalino ka, you have to be flexible to discuss anything under the sun…kc can do that 100%…for toni, di sya ganun katalino pagdating sa ibang mga subjects like sports and other issues that require intellectual ability, hasa lang c toni sa paghuhost dahil matagal na nyang ginagawa yan…but for kc makikita mo talga ang potential nya at sya lang ang pede jan…

  5. mga inggeterang palaka! hahaha..marunong pa sa management..nakikipaood na nga lang nagrereklamo pa! hahaha..sosyalerang yagit!

  6. KC is not a good host at all. Dapat si Toni Gonzaga ang bigyan ng sariling talk show. Toni is way much better as a host than KC !!!!

  7. di magaling maghost si KC sa the buzz. ata siya di bagay to be with kris and boy. Dpat tlga si Ruffa.

  8. diether ocampo naman , ano ba ung sa kanila ni cristine reyes ? 22o ba un ? hanap aq ng hanap nung isang araw pa , ala nmang balita . ano ba yan ?

Leave a Reply

Your email address will not be published.