KC Concepcion, ayaw magpakahon

KC-ConcepcionNAGING ISSUE ang pagpapa-sexy ni KC Concepcion sa kanyang pictorial. Hindi nagustuhan ni Sharon Cuneta kaya nag-emote ito sa kanyang Facebook account. Marami ang nag-react, binigyang-kulay na may tampuhan ang mag-ina hanggang inintriga na nga sila.

Walang masama kung mag-pose nang sexy si KC, photo exhibit naman ito. May mukha at katawang ipakikita, why not? Very artistic naman ang mga shot ni Marc Nicdao, photographer ng dalaga. Lumabas lang ang artististic side ng singer-actress. Marami pang gustong gawin sa buhay si KC aside sa pagiging actress. Mag-recording ng bago niyang CD at gumawa ng sariling music video, etc.

Ayaw ni KC na dumating ‘yung time na may regrets siyang hindi niya nagawa ‘yun. Ngayon pa lang, inuumpisahan na niyang matupad ang mga ito. It’s a big challenge on her part to fullfil her dream as an artist. Kakaiba kasi ang personality ni KC, may certain aura siya na wala sa ibang showbiz personality. Totoo sa sarili at walang pretentions, kaya marami ang nagmamahal sa dalagang anak ni Sharon Cuneta. Magkaiba ang personality at outlook sa buhay ng mag-ina. Si KC gusto, niyang ma-explore kung anumang talent mayroon siya. Mag-experiment sa bawat character na ipo-portray niya, hindi naka-kahon.

Ang balita namin, may movie project si KC under Viva Films. It’s a serious film, kakaiba ang character na gagampanan ng dalaga. Inaayos pa lang kung sino ang magiging leading man ng award-winning actress. This time, magpaka- daring na kaya si Ms. KC  Concepcion?

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleGeoff Eigenmann, may bago nang inspirasyon
Next articleRobin Padilla, hahalukayin ang ugat ng angkan sa España

No posts to display