KC Concepcion, ayaw harapin si Mariel Rodriguez dahil magdi-deny lang!

MUKHANG MATATAGALAN PA bago tuluyang humupa ang pagiging nega ni Mariel Rodriguez. Habang ipinagdidiinan kasi niyang wala siyang alam at hindi talaga totoo na may mga nagawa siya o nasabing nakasakit ng loob ng ilan niyang kaibigang artista, lalo namang marami ang nagdududa kung nagsasabi nga ba siya ng totoo.

Si Luis Manzano, aminadong may tampo nga raw kay Mariel. Hindi na lang idinetalye ng aktor kung ano. Pero hindi nito itinanggi na dahil do’n, may nabago raw sa samahan nila ng actress-TV host.

Si Anne Curtis naman na dawit din sa issue ng diumano’y pagmamaldita ni Mariel sa ilang kapwa Kapamilya stars, kahit kulitin pa ng press people, ayaw nang magsalita pa. Tinatalikuran lang ng dalaga ang sinumang nagtatangkang mag-tanong tungkol dito. Kung wala talagang problema, hindi siguro gano’n ang magiging attitude ng dalaga.

Si Vice Ganda, although parang alam nga nito ang kuwento sa iringan nina Mariel at Toni, umaapela na huwag naman daw siyang ituro na siyang dahilan ng away ng dalawa.

Todo-deny rin nga ang bagong misis ni Robin Padilla na may sinasabi siya against KC Concepcion. Pero mismong ang anak na nga ni Megastar Sharon Cuneta ang nagsasabing nagulat na lang daw ito na may mga nagsasabi at nagpapatotoo nga raw that Mariel is saying certain things against her. Kabilang na rito ang pangunguwestiyon umano ng actress-TV host kung bakit meron daw agad sariling show si KC gayong nauna raw maging Kapamilya ang huli sa ABS-CBN.

Hindi pa raw sila personal na nagkakausap ni Mariel. And KC doesn’t know raw how to react. Hindi na rin daw alam ng dalaga kung ano o sino ang paniniwalaan. At kahit daw siguro magkaroon sila ng confrontation, magdi-deny lang naman daw marahil si Mariel sa kanya nang harapan.

Ang karagdagang hirit na lang ni KC—kung kaya raw sabihin sa ibang tao, dapat kaya ring sabihin sa harap niya.

Oo nga. Imbes na mag-deny kasi, panindigan na lang ni Mariel kung tala-gang may nagawa siyang offensive sa ilang kapwa niya artista. Mag-sorry siya kesa pilitin pa niyang palabasin na may mga sumasama ang loob at nagagalit sa kanya nang wala namang kadahi-dahilan.

Naman!

TAMA LANG ANG desisyon ni Toni Gonzaga na huwag nang magsalita pa hinggil sa isyu sa kanila ni Mariel Rodriguez. A lot has been said and done na raw. At marami na rin umano ang nasulat tungkol sa usaping ito.

Parang hindi na rin nga open si Toni to talk to Mariel. Okey raw ‘yong confrontation na mag-uusap nang harapan. Pero mahirap daw dahil hindi ka umano mananalo kung ang kausap mo eh hindi na nagsasabi ng totoo. You will only lose daw in an argument kapag ang kalaban mo ay hindi nagiging totoo sa ‘yo.

Kung sabagay, sa nangyari na may iba pang artistang sumama rin ang loob kay Mariel, lumalabas tuloy na talagang ito nga ang may problema. Hindi si Toni, si Luis, si Anne, si Vice.

Makahulugang reaksiyon na lang ni Toni hinggil dito – because what you sow raw is what you reap. Na kung ano raw nga ang iyong itinanim, ‘yon din ang iyong aanihin.

‘Yon na!

GUSTONG MAGBALIK-SHOWBIZ NG dating sexy star na si Katrina Paula. She wanted to start all over again daw matapos ang matinding pagsubok na hanggang ngayon ay pinagdadaanan niya simula nang mabiyuda siya two years ago.

“Namatay siya, wala akong nakuha na kahit anuman sa mga naiwan niya,” ani Katrina. “Kahit kasal kami at legal akong asawa niya. Kinuha lahat ng mga kapatid niya. Kahit man lang para sa mga anak ko, wala. Kaya nagtrabaho ako sa Singapore para maitaguyod ko ‘yong mga bata. Nag-waitress ako roon.”

Hindi na raw nagawang ipaglaban ni Katrina ang kanyang karapatan bilang legal wife sa naiwang kabuhayan ng kanyang asawa.   Kahit ‘yong para man lang sa mga anak niya, nawalan umano siya ng lakas ng loob na maghabol pa.

“Natakot kasi ako na lumaban sa kanila. Kasi may kaya sila at maimpluwensiya. Basta pagkamatay ng asawa ko, iniwasan na nila akong harapin o kausapin. Hindi ko alam kung bakit gano’n ang ginawa nila. Siguro dahil hindi nila ako tanggap.

Ayon pa kay Katrina, pagkatapos daw mailibing ng kanyang asawa, pinaalis na raw silang mag-iina ng pamilya nito sa bahay na kung tutuusin ay conjugal property nga nila ng husband niya.

“Siyempre masakit sa akin ‘yon. At bilang ina, ayokong makitang nagugutom ang mga anak ko na wala akong ginagawang anumang paraan.”

Sa muling pagkatok ni Katrina sa pinto ng showbiz, umaasa raw siyang mapagbubuksan siya.

And why not? Nakakaarte naman siya.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Previous articleVice Ganda kay MTRCB Chair Laguardia: Hindi siya nage-exist!
Next articleEndorsement ni James Yap, hinarang ni Kris Aquino?!

No posts to display