KC Concepcion at Piolo Pascual, tensyonado sa love life issue – Pilar Mateo

JE T’AIME: TUWI palang uusyosohin ang mapapanood na sa Lovers in Paris sa ABS-CBN na sina KC Concepcion at Piolo Pascual, tension pala ang mararamdaman mula sa dalawang napapabalita namang nagliligawan na.

Muntik pa palang maging isyu sa pagitan ng dalawa ang pagkakasabi ni KC noon sa isang interbyu sa kanya na mas gusto niyang nililigawan siya hindi sa harap ng camera. At nang usisain siya ng The Buzz at SNN (Showbiz News Ngayon)” host na si Kuya Boy Abunda, eh, idinenay niya at hindi naman daw ganoon ang pagkakasabi niya.

Kahit si Kuya Boy, tension ang na-imbibe sa patuloy na pagtanggi ng dalawa sa totohanan na they’re singing beautiful music together.

Ayaw na ni Piolo na pag-uusapan ang tungkol sa nilalaman ng puso niya for KC. Ang KC naman, laging parang may pasubali sa tuwing magsasalita siya tungkol sa mga inuusisa sa love life niya, particularly that with her new leading man sa nasabing Tagalog version ng sikat na Koreanovela.

Other showbiz news by Pilar Mateo:

“I always make it a point na laging personal ang attack ko sa karakter “ – John Lloyd Cruz

Blind Item: Sing-along bar host, adik?

The Pillar
by Pilar Mateo

Previous articlePauleen Luna at Dennis Trillo, 2 months nang mag-on – Alex Brosas
Next articleWowowee sa Lake Tahoe, US, dinumog! – Cristy Fermin

No posts to display