KC Concepcion at Piolo Pascual, magkasamang gumimik by Alex Brosas

NAGDE-DATE NA SINA KC Concepcion at Piolo Pascual.

May nakakita kasi sa dalawa habang magkasamang gumimik isang gabi. Nagpunta ang dalawa sa isang bar sa Kamuning, Quezon City, ang 70’s Bistro. Halos magkasabay na dumating ang kanilang sasakyan, ang pulang sasakyan ni KC at ang Hummer naman ni Piolo.

Actually, hindi lang naman sila ang naroon sa bistro. Naki-join din daw sina Zanjoe Marudo at ilan nilang friends. Parang birthday celebration iyon ni Zanjoe. Magkakaibigan kasi sina KC, Piolo at Zanjoe. Nabuo ang kanilang friendship dahil magkakasama sila sa Lovers in Paris na malapit nang ipalabas.

Hindi naman nagtagal sa gimik na iyon si Zanjoe dahil may taping pa siya ng The Wedding. Sinamantala lang niya ang break time sa taping kaya gumimik muna siya kasama nga sina KC at Piolo. Nauna raw na umalis si Zanjoe.

Sa isang interview ay inamin naman ni Piolo na nanliligaw siya kay KC.  Wala namang problema dahil boto naman sa kanya ang megastar na in ng dalaga na si Sharon Cuneta. Tanggap din ni Senator Kiko Pangilinan si Piolo para kay KC.

LIHIM NA NATATAWA ang ilang staff sa bagong show ni John Prats sa TV 5.

Hindi raw kasi nila mapaniwalaan na itatapat ang show ng dyowa ni Shaina Magdayao sa bagong sitcom na pangungunahan ni Manny Pacquiao sa Siyete, ang Show Me The Manny.

Say ng TV 5 staff, no match daw talaga ang show ni John sa sitcom ni Manny. Unang-una, mainit na mainit ngayon ang Pambansang Kamao. At sikat na sikat din ang ina niyang si Mommy Dionesia na obvious namang may flair sa comedy. Kasama si Mommy Dionesia sa nasabing sitcom. Idagdag pa ang beauty ni Marian Rivera na kasama rin sa cast.

Sabi nga ng showbiz observers, suntok sa buwan ang pagtapat ng show ni John sa sitcom ng Pambansang Kamao.

Read Alex Brosas’ Blind Item: Sikat na singer-aktor, naglakad ng hubo’t hubad sa airport

Lex Chika

by Alex Valentine Brosas

loading...

5 thoughts on “KC Concepcion at Piolo Pascual, magkasamang gumimik by Alex Brosas

  1. “Sa isang interview ay inamin naman ni Piolo na nanliligaw siya kay KC. Wala namang problema dahil boto naman sa kanya ang megastar na in ng dalaga na si Sharon Cuneta. Tanggap din ni Senator Kiko Pangilinan si Piolo para kay KC.” —- PWEDE BAAAAAA????!!!!! TIGILAN NA ANG KAKAPILIT SA ISSUE NA TO. DI PA KASI UMAMIN NA BAKLA TONG SI PIOLO! KUNG DI BA NAMAN, BAKIT DI MAMATAY-MATAY ANG TSISMIS NA BERDE ANG DUGO NG LOLO (OR LOLA) MO?? GINAGAWA LANG FRONT NI PIOLO SI KC PARA DI PAGDUDAHAN ANG SEXUALITY NYA! COME ON!

  2. like you bernice,

    i’ll watch john prats show than manny’s sitcom.

    as if manny or mommy dionesia can act.
    they suck on tv acting :lol:

    • naman, naman! yang john pratts na yan, di na sumikat-sikat! naka-ilang loveteam na at lahat, sumikat na lahat ng nakaparehas nya, sha wala pa ring ka latoy-latoy ang career. kung panong di na xa lumaki ganung di na rin sumukat-sikat. hay naku…….

Leave a Reply

Your email address will not be published.