KC Concepcion at Anne Curtis, mabenta sa Quiapo!

OLA CHIKA! NAKU nawindang ako sa chikang ito, ha?! Totoo nga raw na sina KC Concepcion at Anne Curtis, mabentang-mabenta sa Quiapo. Kaloka!

Baka akala ng iba, nagso-show ang dalawa roon. Hindi po. Mabenta raw po at nagkalat sa Quiapo ang mga CD ng dalawang sikat na aktres na ito na naglalaman ng sex videos nila. Nalerke ako, ha?!

Dahil wala naman pong makapagpapatunay na mayroon ngang sex videos ang dalawa, marami nga ang nagulat sa balitang ito.

Noong nakaraang Linggo, naging topic ko ang chikang ito sa aking programa sa DZRH. Aba, pinutakti ako ng tawag sa lahat ng linya ng telepono sa istasyon ng radyo, at sinasabi na ipaliwanag ko nga raw ito, huh!

Marami ang nag-react, kahit hindi pa nila nalalaman ang aking opinyon at paliwanag sa isyung ito. Kasi nga riyan sa Quiapo, ginagamit ang mga larawan nina KC at Anne. Mga mukha nga nila ang idinidikit sa label ng ibinebentang CD. Siyempre, marami ang maeengganyo, dahil isipin mo nga naman, anak ng Megastar, may sex video! Kaloka! At mahal ang bentahan ng mga CD na ito, huh!

Pero ‘pag napanood mo nga ang sinasabing mga CD na may label ng mukha nina KC at Anne, iba naman ang laman. Ginagamit nga lang kasi ang dalawa sa pagbebenta ng CD ng mga walang kaluluwang nagtitinda ng mga ito.

Dapat parusahan ang mga taong nagbebenta ng mga ganitong palabas at ikulong ang mga taong nanggagamit ng mukha ng mga artista.

Nawindang talaga ako! Ang alam ko lang at natatandaan ko, rito sa Pinoy Parazzi, naging headline itong si KC na ‘nakikipaglaplapan’ sa kanyang French boyfriend. ‘Yun lang ang alam ko. Pero ‘yung mga nagpapakalat ng video at ginagamit lang dalawa, makarma sana kayo. ‘Yun na!

MARAMI ANG TUMATAWAG at nagte-text sa akin, at nagtatanong. Ayoko namang pangunahan si Luis Manzano at ang mga magulang nito. Una, hindi ko po sila personal na kilala.

Marami kasi ang nagtataka sa aking ibinalita, at nagtatanong kung bakit ko raw nasabi na Luis Philip ang pangalan ni Luis. Hmm… mga kafatid, kung alam n’yo ang sagot, at kung nasubaybayan n’yo ang istorya at pagkatao ng TV host/ actor at ng mga magulang nito, tiyak na masasagot ninyo ang aking tanong.

Nagtatanong lang din naman po ako tungkol sa pangalan ng TV host/ actor na si Luis. Hmm… kalerke, ha?!

Oo nga, ‘di ba? Bakit nga ba Luis Philipi ang pangalan ng actor? Hmm… ayaw na ayaw ni Ate Guy ng ganyan. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

4 thoughts on “KC Concepcion at Anne Curtis, mabenta sa Quiapo!

  1. ang kapal nman ng muka ng baklang toh! exaggerated…wala namang laplapan na video c kc…its just a kiss on the cheek while she’s having fun with her friends…kadiri mapanirang puri!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.